Ilang araw na ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Jared, madalas pa rin kaming nagkikita sa school pero, nagngingitian at nagbabatian na lang kami. Medyo nagkakailangan pa kami pero alam kong malalagpasan din namin iyon, lalo't alam ko na sa lahat ng tao, kung may makakagawa man nun, kami iyon.
Si Prince naman ay tulad pa rin ng dati, tila walang nagbago sa samahan namin. Iinisin ako sa kakaiba niyang way ng pakikipagsalamuha sa tao tapos, biglang gagawa ng isang bagay na ikakatuwa at kilig ko. Natutuwa ako na hindi ko kailangan magpanggap kapag siya ang kasama ko, tila napaka-natural ng lahat. Iyon ata ang isa sa mga aspeto na nagustuhan ko sa mokong na iyon.
Sa totoo lang mukhang maayos na ang lahat bukod sa isa, matagal ko ng hindi nakikita ang matalik kong kaibigan na si Kim. Sobra na akong nangungulila at nagaalala sa kanya, sinubukan ko na siyang puntahan sa kanyang klase ngunit lagi lamang akong nabibigo. Kaya nagdesisyon na ako na sugurin na sa pamamahay niya ang best friend ko.
Hindi naman ako nabigo nakita ko si Kim na naglalakad papasok ng bahay nila kaya, agad ko naman itong pinuntahan para pigilan. Makikita mo sa mga mata ni Kim ang sakit na nararamdaman niya. Hinawakan ko ito sa kanyang braso habang pilit itong pumipiglas.
"Ano bang gusto mo Jenna?!" ika nito na halos naiiyak na.
"Gusto lang kitang makita at makausap" sagot ko ng mahinahon.
"Hindi ko kailangan ng awa at pakikiramay mo."
"Hindi ako pumunta rito para sa mga sinasabi mo, narito ako para sa matalik kong kaibigan" tumigil na ito sa pagpupumiglas at pilit na nagpapakatatag.
"Okay, panalo ka na!" ika nito na puno ng sama ng loob "gusto mo malaman kung ano nararamdaman ko?! Masakit, sobrang sakit! Best friend kita, alam mong gusto ko siya pero ano bang magagawa ko, kung hindi tanggapin na lang ang katotohanan."
Nagumpisa ng umagos ang mga luha ni Kim sa kanyang magandang mukha, pinupunasan niya ito gamit ang kanyang mga kamay. Sinubukan ko siyang hawakan pero hinarang niya ang kanyang mga kamay.
"Hindi namin ginustong makasakit" sabi ko ng punong puno ng emosyon.
"Alam ko, pero sana maintindihan mo na hindi pa ako handa na makita ka na para bang walang nangyari. Sinabi sakin ni Prince ang lahat. Kaya please para sakin, pwede bang magbakasyon muna ako sa pagiging best friend mo?"
Hindi ko na rin napigilang umiyak sa mga sinambit ni Kim at sangayon ako sa gusto niya, naiintindihan ko ang nararamdaman niya at nirerespeto ko iyon. Kaya naman nag desisyon akong iwan na muna siyang magisa hanggang sa maging handa na ulit siya.
"Naiintindihan ko, Kim. Kaya ito na lang ang tatandaan mo, ikaw lang ang nagiisa kong matalik na kaibigan at hindi magbabago iyon kahit kailan" sambit ko sabay talikod at naglakad na ako palayo. Hindi ko tinangkang lumingon at tignan siya o balikan siya para tulungan siyang pumasok sa loob ng bahay. Rinig na rinig ko ang paghagulgol niya at pag lulupasay niya sa harap ng kanilang pinto pero kailangan kong magpakatatag at ganoon din siya.
Naglakad ako ng naglakad ng hindi ko iniisip kung saan ako tutungo, naglakad na tila hindi ako napapagod. Hindi ko alam ngunit hindi ako nakakaramdam ng kahit kaunting pagod, siguro dahil ito sa adrenaline na dumadaloy sa aking buong katawan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bangin na madalas ko ng puntahan kapag may gumugulo sa aking isipan.
Dito ako sa bangin na ito dinala ni Prince noon upang ilabas ang lahat ng tumatakbo sa aking isipan, ewan ko ba sa taong iyon, pero tila alam niya palagi kung ano ang kailangan ko.
Lumapit ako sa dulo ng bangin at huminga ng malalim "Nakakainis ka talaga!!!" sigaw ko sa kawalan, "Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sayo ngayon pero gusto kitang makita!!!" pagpapatuloy ko "kailangan kita ngayon" dagdag ko ng pabulong.

BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Dla nastolatkówMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...