Pangdalawangpu't Limang Kabanata: News

55 5 21
                                    

Matatapos na ang Christmas Vacation at maniwala kayo sa hindi pero napagtagumpayan namin ni Prince ang mga nagdaang araw. Madalas pa rin kaming naguusap sa pamamagitan ng pagsulat. Oo, nagpapadala kami ng liham sa isa't isa. Napag usapan kasi namin na mas makabulhan at sweet kung magsusulatan kami at sa ganoong paraan din makakapag isip pa kami ng mga bagay na nais at dapat namin ikwento sa isa't isa.

Madalas na rin kami magkita-kita nila Kim, sa hindi inaasahang pagkakataon napaka close na namin sa isa't isa. Masasabi kong nahanap ko na ang mga magiging bestfriend ko habang buhay. Nakakatuwa ngang isipin na hindi ako naiilang kasama silang dalawa at tsaka hindi rin naman nila pinararamdam sakin na iba ako. Medyo napapadalas na rin ang pagkikita namin ni Marty dahil simula ng malaman ni Jared na si Marty pala ay si Riley, eh para itong batang sinisilihan ang pwet at gustong pigain si Marty. Well, na-miss niya lang siguro ang kababata niya. Nakakatawa pa nga kasi nung una naiinis siya kasi bakit hindi niya nakilala si Marty at bakit hindi ito nagpakilala as Riley pero siyempre hindi naman niya magawang magalit kay Marty kasi matagal na silang nawalan ng koneksyon simula ng lumipad ito papuntang Germany. Buti na lang talaga at nariyan si Kim para kausapin si Jared, isipin mo halos ilang taon na hindi okay si Prince at Jared pero napagbati niya; bilib talaga ako sa husay magsalita nito ni Kim, ikaw ba naman ang next in line President ng Student Council sa school eh.

Ang nakakatawa pa rito eh namomroblem si Marty kay Abby at gayon din si Abby, Si Marty nahingi ng payo samin nila Jared kung ano ang gagawin niya. Si Abby naman ay sikretong nakikipagkita sa akin at naglalabas ng mga hinanaing niya kay Marty, at iniiwasan kong maipit sa sitwasyon kaya hindi ko pinapaalam na kakausap ko silang dalawa. Haist, ewn ko ba dito kay Marty napaka-dense.

Nagulat na nga lang ako one day inimbitahan ako ni Kim ng dinner with her, tapos pagkarating ko doon naroon si Jared at they officially announced na sila na. Nakakatuwa talaga kasi naging part ako ng pagsasama nila.

Halos lahat ay naaayon at parang napaka-saya ng christmas vacation na ito, sa sobrang saya natatakot kang matulog kasi baka bukas maging isang panaginip na lang ang lahat ng ito. Sa mga sulat naman ni Prince mapapansin mong excited ito sa mga kinukwento ko sakanya, tanong siya ng tanong ng mga update sa mga kaibigan namin at siyempre about din sakin.

At infairness naman kay Prince ang dami niyang panahon at lakas kasi sabi niya pumunta daw siya sa ganito, tumambay siya sa ganitong lugar at nagpinta or nag drawing. Nagpaliwanag naman ito na kailangan niya daw kumita ng pera kasi ayaw naman niya na kapusin sila ng budget ng nanay niya doon. Sabagay may punto siya pero hindi ko pa rin naiwasan na sabihing wag niyang abusin ang sarili niya. Ewan ko ba pero minsan napaparanoid talaga ako pagdating kay Prince.

Ngayong araw na ito, niyaya ako ng newly couple na si Jared at Kim na mag hangout sa bahay nila Jared. Nung una nagdadalawang isip ako kasi gusto ko rin sana ng oras para sa sarili ko pero kailangan ko rin ng bagay na magaalis sa isip ko ng tungkol kay Prince. Kasi kung hindi baka puntahan ko si Prince doon sa bago niyang ospital although napagusapan namin na after na ng medication niya kami magkita. Ayaw daw kasi niya makita ko siya ng ganoon sigurado daw na maaawa ako sakanya at ayaw niya daw iyon. Well, hindi ko nga siguro maiiwasan na mag-breakdown pag nakita ko siya kaya sumangayon na lang ako sa gusto niya; alam niyo naman yang si Prince topakin baka bigla na namang topakin pag nakipagtalo pa ako about sa pagdalaw ko sakanya.

Sinundo ako saming bahay ni Jared kasama si Kim, kung iisipin mo ngayon lang ako pupunta sa bahay nila Jared. Wow, iba nga tama nito kay Kim. Kasi nung naging kami ni hindi kami nagpunta sa bahay nila kahit isang beses man lang. Sa loob ng kotse hindi ko maiwasang manahimik at matawa kay kim at Jared, para akong nanunuod ng isang telenovela na sila ang bida. Nasisira alng ito paglumilingon sa akin si kim at kinakausap ako at nahingi sakin ng mga kwento. Alam niyo naman ang bestfriend ko adik sa updates at news sabi ko nga dati sakanya na pagdating panahon hindi ako magtataka kung maging reporter or news anchor siya.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon