Panglabing-siyam na Kabanata: Confessions

86 6 20
                                    

Nangako sa akin si Prince na aaminin niya na sa akin ang lahat ng mga tinatago niya pero nagulantang ako ng sabihin nitong, ako ang magtanong at sasagot lamang siya ng buong tapat. Oh, diba?! Parang pabor pa rin sa kanya at lugi pa rin ako pero, ano pa nga bang magagawa ko kundi ang pumayag. Ito naman kasing ungas na ito, kahit kailan hindi nagpapatalo. At baka pagpinilit ko pa siyang siya na lang ang magkwento eh magsinungaling pa ito. Kaya naman, pinatulan ko na ang gusto niya.

"Umpisahan natin sa pinakamadaling tanong, Ano ang tunay mong pangalan?" tanong ko kay Prince ng seryoso na, lubos niyang ikinagulat.

"Ang buo kong pangalan ay Prince John" sagot ni Prince ng nakangiti.

"Ano ang family background mo?"

"Nagiisang anak ako ni Lady Antoinette John na isang solo-parent" tugon nito sa akin ng nakatitig sa aking mga mata.

"Bakit kilala ka sa museo sa katabing bayan?"

"Nagpapasa kasi ako ng mga masterpieces ko doon, binibili nila, yung iba napupunta sa auction" sagot ni Prince ng walang pagaatubili. Pilit kong hindi pinakita ang pagkamangha ko, tinango ko na lang ang ulo ko ng pataas baba para ipakita na nakikinig ako.

"Sino yung dalawang bata at yung kasama nila?"

Napansin kong ikinagulat niya ang tanong ko, hindi naman kasi niya alam na nakita ko iyon. Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Nagbibigay kasi ako ng tulong sa mga batang nangangailangan at kung minsan, napunta rin ako doon para magbigay ng public service" sagot nito.

WOW!!! Iyon lang ang masasabi ko, WOW!!! Hindi kailanman sumagi sa isip ko na ganito kabuti itong si Prince. Ang hindi ko lang maintindihan, saan nanggagaling yung ugali niya ng pagsusungit? Haist! Parang pakiramdam ko pa tuloy mas may natutuklasan ako tungkol sa kanya mas dumarami pa yung katanungan ko.

"Nabanggit minsan ni Marty yung pangalang Jaycee, sino siya?" pagtatanga-tangahan ko, dito ko malalaman kung totoo ba ang mga sinasabi kanina pa sakin ni Prince.

Lumapit ito sakin at nakita ko ang pighati sa kanyang mga mata. "Sa totoo lang magugulat ka kung sino si Jaycee," ika nito "Si Jaycee ay matalik naming kaibigan ni Marty, hinding hindi mo kaming tatlo mapaghihiwalay." Tumigil ito saglit at huminga ng malalim bago nagpatuloy "Si Jaycee ay ang kabaligtaran ko," nakakainis sinasadya niya bang bitinin ng bitinin yung mga sinasabi niya? "si Jared Chase."

Nang banggitin niya ang pangalan ni Jared ay napangiti ako, hindi ko mapigilan ang tuwa na naramdaman ko. Bigla bigla ko siyang niyakap, na labis nitong ikinagulat.

"Anong nagaganap?" pagtataka nito.

"Wala naman, natutuwa lang ako at hindi ka nagsisinungaling."

Niyakap niya ako pabalik at nagsalita "Hindi ba ang sabi ko sayo magtanong ka at sasagutin ko ito ng buong tapat" sabay halik sa aking noo.

Hindi maintindihan ang saya na aking nadarama. Nagumpisa ng mamuo ang luha sa aking mga mata. "Anong bang nangyari?" tanong ko kay Prince habang pinipigilan ko ang aking luha na pumatak.

"Meron kasing hindi ko inaasahang naganap kaya, nagdesisyon akong lumayo. Minasama yun ni Jared kaya simula noon hindi niya na ko pinansin."

"Hindi ko maintindihan, bakit ka lumayo?"

Nagkaroon ng matinding katahimikan, ilang beses bumuka at sumara ang kanyang bibig. Halatang meron siyang sasabihin pero, hindi niya alam kung paano uumpisahan. Matiyaga akong naghintay na maisaayos niya ang kanyang mga sasabihin.

"Jenna... Kasi..." turan nito ng bigla itong nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

Nagulat ako sa nangyari at napatulala. Nangmakabalik ako sa aking ulirat. Agad agad knog tinignan ang pulso niya, nanginginig ang aking mga kamay kaya naman hindi ko mailapat ng tama ang aking daliri sa kanyang pulso. Nang magawa ko ito ay naramdaman ko ang mabagal na pagpitik ng pulso nito. Sunod kong ginawa ay nilapat ang aking tenga sa kanyang dibdib upang pakiggan ang tibok ng puso niya. Napakabagal nito na halos parang humihinto ito para magpahinga. Sunod kong tinignan kung nakakahinga ba siya ng maayos, nang masigurado kong buhay pa naman si Prince ay agad akong tumakbo sa labas para humingi ng tulong. Dali dali akong tumakbo palabas, sa hindi kalayuan napansin kong meron papalapit na tao.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon