Pangsampung Kabanata: Kiss

75 6 27
                                    

Sa totoo lang naiirita na talaga ako sa mga nagaganap, parang feeling ko ang engot engot ko. Parang lagi na lang may bago at iba kay Prince, hindi ko mawari pero gustong gusto ko namang inaalam ang mga iyon; alam mo iyong tipong hindi ka makakatulog pag hindi mo nalaman. Kakainis talaga, kasama ko siya ngayon dito sa loob ng museo na pinaghihinalaan ko na pagmamay-ari ng pamilya niya. Kahit naman sinong matinong tao maiisip na anak siya ng may-ari dahil kilala siya ng mga staff dito, at hindi lang basta kilala parang dito na siya lumaki. Biruin niyo, mapa-guard or sanitary engineer kilala siya.

"Partner, ano bang tinutunganga mo jan?" ika ni Prince mula sa may harap ng isang makulay na painting sa pader.

"Tinitignan ko lang maigi itong sculpture, anghel kasi siya pero meron siyang pang modernong kasuotan" sagot ko habang sinusuri pa rin ang istatwa.

"Matagal na yan jan, 'The Divine Will' ang tawag nila jan sa sculpture na yan at, Eryx naman ang pangalan nang anghel" banggit ni Prince na ngayon ay nasa tabi ko na at binabasa lang pala ang nakasulat sa lapida sa paahan ng istatwa. Namangha pa naman ako kasi kala ko alam niya talaga, iyon pala may binabasa lang. Sheesh! Baliw talaga itong ugok na ito.

Naglakad na ko patungo sa may bilihan ng ticket para makapag ikot sa loob ng pigilan ako ni Prince.

"Kukuha ako ng ticket natin, hindi yung dirediretso kang pumapasok sa loob" sabi ko ng medyo iritable.

"Ano ka ba?" ika nito ng tumatawa tawa pa na lalung nagpainit ng dugo ko "Anak kaya ako ng may-ari ng museong ito."

Hindi maaari! Wow! Ang yaman pala talaga nitong si Prince kaya siguro prince ang pinangalan sakanya ng magulang niya.

"Sabi na nga ba!"

"Joke! Biro lang!" ano daw? Tama ba ko ng narinig, joke lang daw? "May tickets na ko, kaya hindi mo na kailangan bumili, tara!" ika nito habang papunta doon sa isang painting sa bukana.

Hindi muna ako sumunod kaagad kay Prince kasi baka sakalin ko na siya, tama bang lokohin ako!!! Lagi niya na lang ako pinag tri-tripan, hindi na ko natutuwa. Nasasaktan na ko sa mga inaasal niya, isang isa na lang at mag wa-walkout na ko.

Tinawag ako ni Prince na lumapit para makita yung mga paintings at sculptures, sumunod na ko habang pilit kinukubli ang aking dinaramdam. Unti-onti na rin nawala yung sama ng loob ko kay Prince dahil sa pagkawili ko sa mga paintings at sculptures sa loob ng museo, naika-ikot na kami halos sa buong museo bukod sa isang kwarto na talaga namang maraming napasok. Naglakad ako patungo rito pero napansin kong parang gumagawa si Prince ng paraan para hindi kami pumunta doon; bakit kaya?

Hindi ko pinahalata na alam kong ayaw niya na pumunta kami roon kaya naman nagpaalam na lang ako na pupunta lang ako sa banyo, buti na lang nagpaiwan siya sa may isang malaking painting na tinatawag nilang 'The Divine Will: Battle of the Century' na inspired sa sculpture na unang babati sayo pagpasok mo ng museo.

Dahan dahan akong tumakas papunta sa loob nung kwarto ng hindi pa namin naiikutan; anu kayang meron dito? Bakit kaya ayaw ako papuntahin dito ni Prince? Pagpasok na pagpasok ko sumambulat sakin ang dagt ng mga tao na naka upo habang pinapanuod ang mama sa harapan; ah, isa pala itong auction! Wow! Ang daming bidder!

Napatitig ako sa painting na kasalukuyan nilang pinag aagawan, umabot na sa kalahating milyon ang presyo nito. Hindi ko maalala pero mukha itong pamilyar sakin, naglakad ako palapit para matanaw ko ito ng ayos.

"Seven hundred thousand? Wala na ba? Isa ito sa mga obra ni Prince John na puminta ng 'The Divine Will: Battle of the Century'" Ika ng nag au-auction.

Nagulat ako ng maalala ko na ito iyong painting na nakita kong ginagawa ni Prince sa botanical garden ng school, nung sinulatan niya ko sa unang pagkakataon para lumabas. Napanganga ako at natulala dahil nasa auction ito at umabot na ng Seven hundred thousand, napaka laking halaga na nun.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon