Matahimik kaming kumain. Ilang beses ko din sinubukan basagin ang katahimikan ngunit nabigo ako, nginingitian niya lang ako na para bang okay lang ang lahat. Nakakaasar kasi nakukuha niya ko sa mga matatamis niyang ngiti, ni walang bakas na galing siya sa ospital. Pakiramdam ko tuloy, lahat ng mga nangyari ay isa lamang palabas. Bigla tuloy akong nainis sakanya lalo pero sa bawat tingin ko sakanya ng galit ay sinusuklian niya ito ng ngiti. Kaya imbis na mainis ako, nawawala ito. Ano kaya tumatakbo sa isip ng ungas na ito? Haist! Hanggang ngayon misteryo pa rin sa akin ang laman ng utak at isip ni Prince, na tila ba naka-encrypt ito.
Natapos na kaming kumain, nagulat ako ng iabot ni Prince ang isang VIP card sa waiter para bayaran ang mga kinain namin. Napatitig ako sa kanya at natulala, nginitian naman ako nito bilang tugon.
"Paano?" iyon lamang ang katagang nabaggit ko.
"Huwag kang magalala, marami akong ipon. Maraming tumatangkilik ng mga obra maestra ko" sambit nito sakin.
Pagkabalik ng waiter at pagkaabot pabalik kay Prince ng VIP card niya ay nag pasiya na kaming lumisan. Nagtungo na kami papunta sa pintuan ng biglang humarap sakin si Prince at nagtanong "Nagustuhan mo ba yung pagkain?"
"Oo, naman pero..." napalunok ako at nagpatuloy sa akin nais sabihin "Ano bang tumatakbo sa isip mo?
"Pasensiya na Jenna pero, pwede bang ipagpaliban mo muna yang mga tanong mo? Ayoko kasing masira yung mood na meron tayo ngayon. Marami pa kasi taong pupuntahan at gagawin."
Nagulat ako sa kanyang mga tinuran, hindi ko inakala na meron pa siyang ibang plano bukod dito. Natutuwa ako na naaasar kasi sobrang saya ko tapos alam kong hindi ito magtatagal dahil sa karamdaman ni Prince. Bakit naman kasi napaka-komplikado ng sitwasyon namin.
Hindi ko maiwasan matawa ng sumakay na si Prince sa motorsiklo niya at inabot sakin yung extra niyang helmet. Isipin mo galing kami sa isang magarang restaurant at sa motorsiklo ang sasakyan namin. Si Prince talaga kahit kailan kakaiba, kahit yung mga valet eh napatitig samin ng makitang sa motorsiklo ako papasakayin ng date ko.
"Bakit ka natawa?" tanong ni Prince sa akin.
"Sabi mo huwag kong sirain ang mood?"
"Good" ika nito ng nakangiti.
"Pero hindi ko maiwasan magalala sa kalusugan mo?" pagbasag ko sa katuwaan namin.
"Jenna, kalimutan mo muna lahat ng mga nalaman mo. Gusto kong magenjoy tayo sa araw na ito tulad ng normal na magkatipan." Tumango ako bilang pagsang-ayon sa nais ni Prince kahit na alam kong imposible ko itong gawin.
Nakarating kami sa malapit na parke sa bahay, napansin kong merong nakapwesto doon sa lugar namin. Mukhang lovers din ang naka-pwesto roon. May banig na nakalatag, tapos may bouquet of flowers doon sa ibabaw at may basket pa na mukhang punong puno ng pagkain. Napansin kong doon patungo si Prince. Ewan ko pero kinabahan ako bigla sa naisip kong gagawin ni Prince.
"Huwag na tayong magtungo diyan, malaki naman itong parke sa iba na lang tao pumwesto."
"Doon tayo pupuwesto kasi puwesto natin iyon" ika ni Prince ng seryoso. Yari, tinopak na naman ang ungas. Dire-diretso ito sa banig at umupo roon, sinundan ko ito at pilit pinapatayo.
"Malalagot tayo pagbalik ng kung sino man ang nag-ayos ng lugar na ito." Hindi ako pinansin ni Prince at hindi lang iyon kinuha pa nito yung bulaklak at inabot sakin. "Para sayo, Jenna" Ika nito ng nakangiti, kikiligin sana ako kung hindi ko lang alam na napulot niya lang ito at nang-agaw lang siya ng pwesto. Sumimangot ako at inikot ang aking mga mata sa inis.
BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Fiksi RemajaMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...