Unang Kabanata: Seatmate

287 17 44
                                    

Lunes, yes, unang araw ng linggo. Araw na pinakahihintay ko. Oo, may pagkamalandi ako. Katabi ko lang naman kasi ang Romeo ng buhay ko. Hindi pa nga lang nya na re-realize yun medyo manhid kasi ang ungas, pero shit, talaga!

Ang bango bango nya, ang pula-pula ng labi, at ang mga mata; Boom! Nakamamatay! Hindi ko tuloy maiwasan na tumitig sa kanya habang nagkaklase. Tapos ang ganda at macho ng boses niya.

Lalo na pagnakita niyo siyang ngumiti. Ay nako, hihinto ang tibok ng puso niyo. Sorry OA(Over Acting) lang, kasi naman, kulang na lang maglagay ako ng busal sa bibig ko para hindi ako mapanganga at magtulo laway sa pagtitig sa kanya.

"Jenna, gumising ka na, baka mahuli ka pa sa klase!" Sigaw ni inay.

"Gising na po, Nay!" pasigaw kong sagot; ano ba yan panira ng pagpapantasya kay Jared Chase.

Bumangon na agad ako sa kama at nagkeke-kendeng sa harap ng salamin. Pagkatapos dumeretso ako sa banyo para magsipilyo at magsuklay ng mahaba kong buhok; alam niyo naman kailangan ko kasing maging perfect sa tabi ni Jared my loves.

Bumaba ako na ko patungo sa hapag-kainan ng biglang, "tabi ate!" Ika ni Russel habang nagmamadali pababa ng hagdan.

Natabig ako nito ng kaunti na naging dahilan kung bakit muntik na kong mahulog. Lumingon si Russel pabalik sa akin at binelatan ako; Gosh, ang sarap talagang sakalin ng kapatid ko!

Si Russel Grace ay ang nakababata kong kapatid na lalaki, siya nga rin pala ang dahilan kung bakit ako nagpupursigi sa buhay dahil alam kong pagdating ng araw. Kakailanganin ko ng maraming pera pangpiyansa sa kanya.

Pasaway, makulit, matigas ulo at, higit sa lahat mapang-asar ang kapatid ko. Siya na rin ata ang magpapaputi ng lahat ng buhok ko sa katawan.

"Oh, anung tinatayo tayo mo jan hija? Pumarito ka na at kumain ng almusal."

"Opo..." tugon ko na pilit tinitimpi ang inis sa aking bunsong kapatid.

Kumain kami ng matiwasay tulad ng araw araw. Nauna ako matapos kumain kasi ayokong mahuli sa aking klase; alam nyo naman kailangan sulitin ang oras kasama ang aking prince charming.

Tumayo ako sa kinauupuan ko ng may kasamang kilig at excitement, napatingin ang pamilya ko sa aking inasal kaya naman kunwari nililinis ko lang ang lalamunan ko.

"Ahem," buset, sana nakalusot.

Nagmamadali akong pumanik sa taas at pumunta ng banyo para maligo. Papasok na sana ako sa banyo ng biglang kumaripas papasok sa loob ng banyo ang kapatid ko na wala ng saplot.

"Ate, paki kuha naman yung towel ko sa kwarto. Salamat ate!" ika ni Russel.

Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo sa kwarto ni Russel.

Pumasok ako sa pinutan at kinuha ang towel niya sa kwarto. Napahinto ako sa aking naamoy, walang duda lalaki nga ang kapatid ko.

Yuck!

Napatingin tuloy ako sa paligid ng kwarto at napansin ang isang kwaderno sa ibabaw ng mesa ni Russel. Nilapitan ko iyon at sinilip ang laman.

Medyo na-curious na kasi ako kung ano ang laman ng notebook ng kapatid ko at kung anu-ano ba nga pinagsususulat nito rito.

Napangisi ako ng mabasa ang katanungan sa kanyang takdang aralin. Nakasaad kasi rito na sumulat ng isa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa iyong ini-idolo at mukhang alam ko na kung sino ang ilalagay niya rito.

Malamang yung vocalist nung paborito niyang banda na My Chemical Romance ang isusulat niya rito pero anu-ano kaya ang mga ilalagay nya. Kaya naman nilapat ko ang pahina at nagimbal sa aking nakita.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon