Mahigit isang linggo ng hindi pumapasok si Prince; ewan ko ba pero parang kinukutuban ako ng masama, hindi kaya may nangyari na hindi sinasabi samin si Prince at si Kim? Napansin ko lang, after nung last time na magkakasama kami na nanuod ng mini concert ng SynChrome tila parang may nagbago. Una sa lahat biglang umalis sila Prince at Kim ng hindi nagpapaalam sa amin ni Red, pangalawa kapag tinatanong ko si Kim kung ano ang nangyari bigla itong nananahimik at mejo binabago ang topic, pangatlo after ng araw na iyon hindi pa ulit nakakapasok ang ugok na si Prince; don't tell me, nag drop na siya? Lilipat kaya siya doon sa school ng pinsan niyang si Marty? Kainis kung gayon bakit hindi man lang siya nagpapaalam.
Humigit isang linggo ko na rin itong iniisip, ewan ko ba pero hindi ko kasi maalis sa sarili ko na magtanong kung anong nangyari, parang bigla kasing naging komplikado ang lahat. Buti na lang at nandito sa tabi ko ang boyfriend ko na si Red; oo na malandi na kung malandi pero sinagot ko na siya nung araw na nanuod kami ng mini-concert kasama sila Prince at Kim.
Alam mo yung feeling na parang magiging okay na ang lahat, yung tipong may lovelife ka tapos walang issue sa mga friends mo then biglang nagbago, ano yun? Perfect na yung araw na iyon, bakit hindi pa nagtapos na ganoon? Sinagot ko na si Jared tapos si Prince at Kim mukhang okay na okay na sa isa't isa, tapos sa isang iglap naging magulo na ang sitwasyon. Si Kim parang iniiwasan ako, si Prince naman hindi na napasok; Haist! Hindi ba sila happy para samin ni Jared my Loves?
"Jen Loves, napapansin ko napapadalas na yang pag lipad ng isip mo." Ika ni Jared ng may pag alala "Ano ba yang gumugulo sa isip mo, si Prince at si Kim pa rin ba?" dagdag nito ng may lungkot sa kanyang mga mata.
Naramdaman ko bigla na parang hindi na ko nagiging patas kay Jared, lagi na lang siya ang pilit umiintindi sakin. Napapansin ko rin na nalulungkot siya na, paunti onting nababawasan ang atensiyon ko sakanya. Kaya dapat lang siguro na bumawi ako kay Jared, ibibigay ko ang buong atensiyon ko sa kanya ngayong araw na ito. Gagawin ko ang aking makakaya para maging isang mabuting girlfriend.
"Pasensiya ka na Red Loves, hayaan mo babawi ako sayo ngayon." Tugon ko sakanya ng nakangiti "Saan mo ba gustong kumain? Sagot ko!"
Ngumiti naman ito sakin pabalik at hinalikan ako sa noo "I love you" ika nito ng naka ngiti. "Sige medyo gutom na nga ako" dagdag pa nito ng may pag arte pa na gutom na talaga siya; OMG! He's so nakakakilig!!! Nakakapang gigil talaga ng kagwapuhan nitong si Jared. Ewan ko ba kung bakit kung anu ano pa iniisip ko, samantalang may anghel sa harapan ko.
Nagtungo kami sa malapit na kilalang fastfood chain at nag hanap ng magandang puwesto para upuan. Pagkatapos maka-order ng pagkain si Jared para sa amin, nagpaalam ako na pupunta lang sa washroom saglit. On my way to the washroom, nasalubong ko ang isang tao na hindi ko inaasahan na makikita ko.
"Kamusta?" pagbati ko sakanya, ngumiti lang ito bilang tugon at huminga ng malalim.
"Okay lang naman ako, medyo nag aalala lang ako kay Prince" sabi ni Kim ng seryoso.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit parang may nililihim ka sakin?" iretableng tanong ko.
Tumungo naman ito at huminga ng malalim na parang iniisip niya pa kung okay lang ba na sabihin niya sakin yung sinisikreto niya. Unumpisahan niya na ang pagkukwento, pinakinggan ko naman ang bawat salita nito ng maigi. Ayon kay Kim nag-aya daw si Prince na maunang umuwi dahil gusto daw nito na mag enjoy kami ni Red sa date namin, pumayag naman daw kaagad si Kim na tuwang tuwa dahil napakabuti naman daw pala ni Prince. Nagprisinta daw si Prince na ihatid si Kim sa kanila, nang makarating na daw sila ng tapat ng bahay nila Kim, hindi daw napigilan ni Kim na bigyan ng goodbye kiss si Prince sa pisngi. Pagkalayo daw ni Kim ng mukha niya ay bigla namang dumugo ang ilong ni Prince; nakakatawa na nakakaasar, kung anu-ano siguro ang kabastusang pumasok sa isip ni Prince kaya nagkaganoon.

BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Ficção AdolescenteMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...