Pangdalawangpu't Apat na Kabanata: Distance

75 6 24
                                    

Nagulat ako ng mapansin ko na patungo kami sa bahay ni Prince; bakit kaya dito niya ako huling dinala? Marumi kaagad pumasok sa isipan ko. Maaaring wala si Lady Antoinette sa bahay nila dahil nauna na ito sa lilipatang ospital ni Prince para ipagamot siya. OMG! Hindi pa ko handa!!! Naku!!! Sana mali ako ng iniisip! Haist, hindi naman sa pangatlong date ginagawa iyon diba?! Kinakabahan tuloy ako!

Nagumpisa ng tumibok ang puso ko ng napakalaks at walang humpay, na tila ba nais nitong kumawala sa aking dibdib; sana lang at hindi naririnig ni Prince ang kaba sa dibdib ko o nararamdaman man lang.

"Jenna, anong tumatakbo sa isip mo?"

"Huh?! Bakit mo naman na itanong Prince?" sagot ko rito ng medyo kinakabahan sa bigla nitong pagbasag sa katahimikan.

"Nararamdaman ko kasi ang tibok ng puso mo sa likod ko at tsaka ang init ng mukha mo kung nakikita ko lang yan malamang kasing pula na yan ng mansanas."

"Baliw! Ang bilis mo kasing magmaneho kaya ang bilis ng tibok ng puso ko" pagpapalusot ko. "Bakit pala tayo sa bahay niyo pupunta?"

"Hindi tayo roon pupunta, wala kasi doon si inay pwera na lang kung may ibang plano ka" tugon nito ng may halong pangaasar.

"Wala!" pasigaw kong sagot "Bastos ka talaga paminsan-minsan!"

"ikaw kasi eh binibigyan mo ko ng maruming ideya. Papunta kasi tayo doon sa may bangin, may hinanda ako roon at doon rin natin tatapusin ang date natin."

"Ahh, ganoon ba? Papunta rin kasi ito sa bahay niyo kaya akala ko doon mo ako dadalhin."

"Pwede rin naman doon sa bahay namin natin tapusin ang ating date" pangaasar muli nito, kung nakikita ko lang ang mukha ng ungas na ito malamang ay abot tenga nanaman ang ngiti nito.

"Ewan ko sayo, magmaneho ka na nga lang diyan!"

Matahimik at ligtas kaming nakarating sa may bangin, kung saan una akong dinala ni Prince. Hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa mga alaala ko rito, isa ito sa mga masasabi kong malaki ang naging parte sa buhay ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga panahon na pumunta ako rito para maglabas ng sama ng loob. Napansin ko na nakangiti si Prince habang tinititigan ako nito na para bang isa akong obra maestra na masarap titigan. Tinulungan ako ni Prince maglakad patungo sa sinasabi niyang hinanda niya rito na supresa sakin. Inakbayan niya ko at sinabihan na huwag ako masyadong mag-expect sa hinanda niya kasi gusto niya maging simple lang daw ang last stop namin sa araw na ito.

Hindi ko maiwasang mapahinga ng malalim at mapatingin sa kanya ng nakangiti ng makita ko ang surpresa niya sakin. Hindi ko rin napansin ang pagagos ng mga luha ko sa aking mukha. Nakatingin si Prince sa aking mga mata habang nakangiti pa rin.

"Salamat ng marami, Prince! Sobrang ganda nito.." ika ko ng may kahinaan.

"Walang anuman basta para sayo" ika nito sabay hatid na sakin palapit sa hinanda niya tent, sleeping bags at campfire.

Nakatingin sa Prince sa kawalan ng bangin habang papalapit sa may apoy at umupo sa may isang bato na malapit rito. Ano kayang iniisip ni Prince? Bakit parang ang layo naman ng isip niya. Bigla itong nagbitiw ng mga salita na labis kong ikinagulat "Ang ganda ng mga bituin dito noh parang mga mata mo lang", hindi ko alam pero lalo akong nahuhulog sakanya sa mga oras na ito.

Lumapit ako sakanya at niyakap ito mula sa likod ng napakahigpit. Hindi ko kasi alam pano ko ipaparamdam sakanya ang labis na kasiyahan na aking nadarama ngayon.

"Kung may balak kang unahan ang karamdaman ko..." ika nito at nauubo pa sa huli "tama yang ginagawa mo."

Binitawan ko siya kaagad at binatukan ng may kalakasan. Kahit kailan talaga alam na alam ni Prince kung pano babasagin ang momentum ko, Haist! Kung hindi ko lang talaga mahal ang ungas na ito eh baka dati ko pa ito tinulak dito sa bangin. Natawa ako ng bahagya saking mga naisip. Napatingin sakin si Prince habang nakataas ang isang kilay at nakangiti.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon