Author's Note: Martin Riley Carter (Picture on the right side and also check him out in LIFE by HannahRedspring)
Nandito ako ngayon sa isang convenient store malapit sa school, makikipag kita kasi ako kay Prince makalipas nung huli naming pagkikita nung pumunta kami sa cliff. Kasama rin nga pala si Kim at syempre ang ka-date ko, si Jared. Magkakaroon kasi ng event sa school sa malapit, fund raising kasi ng kung anong bagay. Kaya mag-coconcert and SynChrome! Tama! Ang SynChrome nga!!! Naniniwala ako ng sisikat sila balang araw, napakahusay nilang lahat at ang gwa-gwapo pa!!! Lahat pa sila magaling kumanta, haist! Pero syempre hindi ako papahalata kay Jared na kinikilig ako dun sa banda, baka kasi mag selos.
Naunang dumating si Jared my loves, nagpaalam lang ito na may bibilhin sa loob saglit. Sumunod na dumating ang dalawa na gulat na gulat pa ng madatnan ang isa't isa.
"Hoy, lalaking weirdo! Anung ginagawa mo dito? Stalker ka noh?!" pagbati ni Kim kay Prince na nakatitig sa akin na mukhang galit.
Nakakatawa silang dalawa tignan, galit na galit na si Kim dahil hindi ito pinapansin ni Prince sa kanyang mga sinasabi habang si Prince naman ay nakatitig lang sakin na para bang humihingi ng paliwanag. Hinawakan ni Kim si Prince sa braso sa sobra na nitong pikon sa pag snob sakanya ni Prince, hinila niya ito palapit sakanya. Kitang kita ko na natangay si Prince sa lakas ng hatak ni Kim na siyang nagdulot para mapalapit ito ng todo sa mukha niya.
"O sige, ano bang gusto mo?" tanong ni Prince na nakatitig sa mga mata ni Kim, sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa na nagdulot sakin na makaramdam ng kilig. Halata namang hindi sanay si Kim sa ganoong klaseng sitwasyon kaya napatitig na lamang ito pabalik kay Prince at na palunok. Hindi ko alam pero habang tumatagal ang titigan nila eh nakararamdam ako ng pagkainggit; hindi naman ako inggitera. Nang mapansin na ni Prince na hindi sumasagot si Kim eh lumingon na ito pabalik saakin, buti na lang sakto ang dating ni Jared na may bitbit na paper bag. Natawa naman ako sa reaksyon ni Jared ng makita nya ang itsura ng dalawa.
"What did I miss???" tanong nito sakin.
Tumuwa lang ako at inaya na silang lahat na pumunta sa mini concert ng SynChrome, sa daan papunta roon ay hindi mapagkakaila na naiilang si Kim kay Prince; hindi ko rin maintindihan minsan itong best friend ko. Si Prince naman eh parang walang kasama at naglalakad lang ng diretcho, samanatalang si Jared naman ay lumalakd sa tabi ko na parang hindi mapakaling ewan; maya't maya siyang lumilingon sakin na tumutunaw sa akin.
"Partner, san tayo papunta?" tanong ni Prince sakin ng seryoso.
"Patungo tayo sa kabilang school, meron kasing event dun! Matutuwa ka, promise! Tutugtog kasi ang SynChrome!" sagot ko rito ng masigla at may pagka sabik.
Napansin kong hindi naman natutuwa si Prince nung sinabi ko na may event sa kabilang school, bakit kaya? May kaaway siguro ito rito or ayaw niya sa SynChrome.
"Ah, ganoon ba, pwede ba na..." sabay natigilan si Prince sakanyang sasabihin ng hawakan ni Kim yung damit nito, na naging dahilan para tumingin siya kay Kim.
"Pwede bang samahan mo ko manuod ng concert ng SynChrome? Ayoko naman maiwan mag isa kasama ng dalawang love birds na ito." Ika ni Kim habang nakahawak pa rin sa damit ni Prince at nakatingin sa lupa.
Sa pagkakilala ko sa ugok na ito, hindi naman niya hahayaan na may na kakawawa or nahihirapan kaya malamang hindi na ito umalis. Hinawakan ni Prince ang kamay ni Kim na nakahawak sa damit niya at ibinaba ito sabay ngiti.
"hindi naman ako aalis gusto ko lang mag paalam para magikot ikot pagkarating natin doon" sagot nito. Napansin ko naman na parang biglang umaliwalas ang mukha ni Kim, itinaas na nito ang kanyang ulo at tumango.

BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Fiksi RemajaMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...