Panglabing-pitong Kabanata: The Cliff

61 6 24
                                    

Author's Note: Lady Antoinette John (Picture on the right side)

Sinama ako ni Marty sa isang malapit na convenient store sa eskwelahan nila para bumili ng maiinom at makakain. Pinaliwanag sakin ni Marty na hindi naman niya gusto na isekreto sa akin iyon pero wala kasi daw siyang karapatan para manghimasok. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya at, hindi ko naman siya sinisisi na hindi niya sakin sinabi kasi hindi naman talaga kami close.

Pumunta kami sa may malapit na park after namin bumili. Makikita mo sa mukha ni Marty na pinagiisipan niya na kung paano niya ipapaliwanag sa akin ang lahat. Umupo kami sa may duyan at doon kami nag usap. Inabot sakin ni Marty yung binili niyang inumin na hindi ko naman ikinagulat, isang strawberry flavored yogurt drink ang binili nito para saming dalawa at hindi lang iyon, pati yung biscuits niya, strawberry flavored din. Makikita mo sa mukha ni Marty ang tuwa sa mga binili niya, parang may glitters yung mga ngiti niya. Hindi ko maiwasang mapangiti din. Kaasar, ang lakas ng charm nitong pinsan ni Prince!

"Hindi pa sa akin gaanong napapaliwanag ni Prince kung ano ba talaga ang tunay na nangyari pero, sasabihin ko sayo ang lahat ng alam ko" ika ni Marty ng seryoso.

"Sige, nakikinig ako."

"Si Jared na kaibigan niyo ay si Jaycee nakababata namin, hindi ko lang alam ano ang naganap sa pagitan ni Prince at ni Jared pagalis ko. Parang okay naman sila nun, kulang na nga lang ikulong nila ako sa may trunk ng kotse nila Jared para hindi ako makaalis papuntang Germany" ika ni Marty na medyo natatawa sa mga naaalala niya.

"Kung gayon, bakit parang hindi ka nakikilala ni Jared? Kung mukha akong bata ngayon mas lalo na noon at tsaka, Riley ang tawag nila sakin dati"

"Riley? Bakit? Di ba Martin ang pangalan mo?" pagtatanong ko kay Marty.

"Martin Riley Carter, ang buo kong pangalan. At si Jared at Prince lang ang tumatawag sakin ng Riley. Ewan ko ba sa pinsan kong yun, Riley ang pinakilalang pangalan ko kay Jaycee."

Bigla akong natawa sa mukha ni Marty na lubos na nagtataka kung bakit Riley ang pinakilala sa kanya ng ungas niyang pinsan. Haist! Bakit nga kaya biglang nagkaroon ng pader sa pagitan ni Jared at ni Prince, kung best of friends naman pala sila noon?

"Saan ko ba matatagpuan si Prince? Kailangan ko talaga siyang makausap, gusto kong sabihin niya sa akin ang katotohanan, gusto ko na sakanya ko mismo marinig ang mga nalaman ko sayo.

"Actually, akala ko nga alam mo kung saan nakatira si Prince nung nakita kita sa bangin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sabi ko nga di ba, madalas kaming maglaro doon nila Prince nung bata pa kami, kasi malapit lang iyon sa bahay nila. Sa totoo lang sa may bandang baba lang nun ang bahay nila."

Napatigil ako sa paginom sa yogurt drink ko at nabitawan yung biscuit na kinakain ko, buti na lang at ang husay ni Marty. Sinalo niya ito bago pa mahulog sa lupa.

"Sayang! Paborito ko pa naman ito!" ika ni Marty na ngayon ay nginunguya na yung nabitawan kong biscuit.

Dali dali akong tumayo at nagpaalam kay Marty, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko ngayon pero ang alam ko lang. Alam ko na kung saan nakatira ang ungs na si Prince at kailangan ko siyang makita.

Ewan ko pero siguro excuse lang na gusto ko siya kausapin about kay Jared, siguro ang totoo na mi-miss ko lang talaga siya. Haist! Hindi na ako makapaghintay na makita ang unggoy na si Prince. Ano kaya ang magiging reaksyo niya pagnakita niya ko? Matutuwa kaya siya? Siguro naman noh, nag-effort ako para malaman kung saan siya nakatira kaya dapat lang siyang matuwa.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon