Author's Note: Keith Viiperi (Picture on the right side)
Tapos na ang klase patungo na ko palabas ng may tumawag saking atensyon. Nilingon ko ito ng nakangiti, "Hi, Eric by the way" ika nito at inabot ang kanyang kamay sa aking harapan.
"Hi, Eric. Jenna" tugon ko at inabot ang kanyang kamay para makipag shake hands.
"Libre ka ba mamayang ala singko ng hapon?" tanong nito ng nakangiti sa akin. In fairness ah ang cute niya pero ayoko muna pumasok sa kung anu anong relasyon. Gusto ko muna mag focus sa pagaaral ko.
"Pasensiya ka na Eric pero may plano na ko mamaya."
"Ganoon? Bukas kaya?" pagbawi nito.
"Sa susunod na lang, Eric." Tugon ko sabay talikod at lakad na papalayo.
Nagulat na lang ako ng marinig ko itong sumigaw sa akin ng "Sige, magpapagawa na lang ako ng appointment sa assistant mo" lumingon ako sa kanya at ngumiti bago nagpatuloy palabas ng eskwelahan. Sa hirit niyang iyon naaalala ko si Prince kahit dalawang taon na at mahigit na siyang nagpaalam dito sa mundo. Masakit pa rin kapag naaalala ko si Prince pero mas kaya ko na kasi bukod sa lungkot na dala nito, kasama rin dito ang masasayang alaala namin ni Prince pati na rin ang mga bagay na tinuro niya sa akin. Napangiti ako habang naglalakad palabas ng eskwelahan.
Mapuntuhan nga si Prince at makapagkwento ng mga nangyari ng araw na ito. Oo, matagal bago ko nadalaw ang puntod niya pero simula nang makaya ko eh naging ito na ang tambayan ko. Madalas akong nagkuwento sa kanya ng mga nangyayari sa buhay ko at sa mga kaibigan namin. Tulad ng magkaroon ng band noon si Marty, nung una drummer lang siya pero ng umalis yung main vocals nila na si Travis; yung main vocals ng SynChrome dati ayun naging siya ang main vocals. Hindi ko talaga inakala iyon pero nangyari. Pero hindi naman nagtagal yung banda nila kasi nagkaroon ng issues. Tapos sila Kim at Jared ay magkasama na ngayon sa bahay; tumpak, nag-live in partner na sila. At para sakin okay yung desisyon nila kasi saan pa ba tutungo ang relasyon nila, diba? At si Abby bumalik na siya ng Germany at ang nakakatuwa roon ay hindi pa rin nawala ang komunikasyon namin sa isa't isa.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakasalubong ko sila Jared at Kim; malamang galing din sila sa napili nilang school "Jenna, kamusta ang unang klase sa art school?" paguusisa ni Kim.
"Ayos naman, masaya" Oo, pumasok ako ng art school dahil kay Prince. Sakin ba naman ihabilin lahat ng mga art material niya pero malaking pasasalamat ko iyon sa kanya dahil kung hindi dahil kay Prince hindi ko malalaman ng maaga na mahilig pala ako sa arts.
"Mayroon bang mga pogi o cute man lang sa klase niyo?" tanung nito na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
"Meron..." pambibitin ko kay Kim "pero ayoko muna pumasok sa relasyon, ayos na muna ako ng ganito" tugon ko sabay ngiti sa huli.
"Haist, baka tumandang dalaga ka niyan. Nga pala gusto mo sumama samin ni Jared sa bahay para kumain ng hapunan?"
"Salamat sa alok, Kim. Pero may bibisitahin pa ko eh."
"Sus, dadalaw ka nanaman kay Prince! Ayaw pa sabihin samin eh, nako! Lalaki ulo nun paglagi mong pinapakitaan ng ganyan ka pagdating sakanya" pangaasar ni Kim.
"Kim, hayaan muna si Jenna. Jenna, pagpasensiyahan mo na itong bestfriend mo ah, kilala mo naman ito" pagsasaway ni Jared kay Kim sabay kindat sakin.
"Oi! Nakita ko iyon! Anong ibig mong sabihin sa kilala naman ako ni Jenna?!"
"Hay, nako! Kayong dalawa hindi pa rin nagbabago, ang sweet sweet niyo pa rin sa isa't isa. Baka magka-diabetes na kayo niyan ah" pangaasar ko sakanilang dalawa habang natatawa pa sa biro ko. Nagtinginan silang dalawa at nagtawanan na rin. Haist, naalala ko nanaman tuloy si Prince. Noon kasi si Prince lang ang mahilig bumanat ng mga ganoong bagay.
"Ayan na nga ba sinasabi ko eh, nang laki talaga ng impluwensiya sayo ng Prince na iyon eh" ika ni Kim habang natatawa pa rin.
"Oh siya, mauuna na kami ni Kim, Jenna. Paki kamusta na lang kami kay Prince" ika ni Jared at naglakad na papalayo sa akin.
Nagpatuloy na ko sa aking plano at nagtungo sa puntod ni Prince. Naisipan ko munang dumaan sa bilihan ng bulaklak para bilhan si Prince. Pumili ako ng sari-sari bulaklak, yung iba iba ang kulay, hugis at laki. Alam ko kasing kakaiba si Prince at malamang gusto nun sakanya ang pinaka-agaw pansin na bulaklak sa sementeryo.
Habang naglalakad hindi ko maiwasang maisip na dapat kasi mag aral na akong magmaneho ng motor para gagamitin ko yung iniwang motor ni Prince. Sabi rin kasi ni Lady Antoinette pagnadalaw ako sa bahay nila bakit daw hindi ko gamitin yung motor para mapakinabangan. Madalas pa rin kasi akong nadalaw kala Lady Antoinette para kamustahin siya kasi naging napakabuti niya sakin at ayoko namang mas maramdaman niya na nagiisa na lang siya sa buhay. Sabi ko nga magampon siya doon sa tinutulungan ni Prince na bahay ampunan pero tumanggi ito dahil ayaw niya na daw magalaga ng bata lalo't nagkakaedad na siya.
Napatigil ako ng makarating ako sa sementeryo kasi parang nakita ko ang isa sa pinaka-impossibleng makita ko ngayon, si Prince. Soon niya ang usual na suot niya pero hindi ko naman masigurado kasi nakatalikod ito. Pero ang tindig na iyon ang lakad na iyon, walang dudang si Prince iyon. Sinundan ko ito at laking gulat ko na patungo kami sa puntod ni Prince; kinilabutan tuloy akong bigla. Prince kung ikaw man yan, huwag mo naman akong takutin, kakainis hanggang ngayon ba naman ako pa rin ang paborito mong pagtripan.
Maslalo pa akong nagulat ng makita kong may hawak itong helmet na tulad ng kay Prince; hindi nga kaya si Prince ito? Eh, bakit sa katagal tagal eh ngayon pa siya nagmulto?! Hindi ko na kinakaya ang aking nasasaksihan kaya naman pumunta ako sa pinakamalapit na puno at sumandal doon habang pinagmamasdan yung taong parang si Prince. Biglang tumambol ang puso ko at napalingon sa kabilang direksyon ng biglang lumingon sa kinaroroonan ko yung lalaking kamukha ni Prince. Huminga ako ng malalim at lumingon na ulit pabalik umaasang hindi na ito nakatingin sa pwesto ko pero nagkamali ako, nakatitig pa rin siya kaya lumingon ulit ako sa kabilang direksyon; Haist! Ano ba yan!!? Anong problema niya?!
Pagkalipas ng ilang segundo ay sinubukan kong muli tignan ang kinaroroonan ng lalaking parang si Prince pero nawala na siya. Saan kaya nagpunta ang lalaking iyon? Bakit ko kasi siya tinataguan?! Ewan ko pero kinutuban ako na palabas na siya ng sementeryo kaya naman agad agad akong tumakbo palabas ng sementeryo.
Napaupo ako ng makita ko ang motor ni Prince na nakaparada sa may harapan ng sementeryo. Papasakay na rito yung lalaking parang si Prince. Hindi ko naman makita ng maiigi ang mukha niya dahil suot-suot na nito ang kanyang helmet. Napansin niya atang nakatitig ako sakanya at napalingon siya sa dako ko. Ngumiti ito at bumaba sa motor niya. Nagimpisang magmawala ng dibdib ko, pati pawis ko hindi ko na rin mawari. Kinakabahan ako sa mangyayari, kada hakbang niya papalapit sakin ay nagbibigay sakin ng matinding kaba. Inumpisahan na nitong tanggalin ang kanyang helmet. Sa gulat ko ng makita ko ang mukha niya, parang gusto ko ng dukutin ang mga mata ko kasi alam kong nililinlang lang ako nito. Impossibleng si Prince talaga ang binatang ito. Naguguluhan ako.
Nang marating na nito ang harapan ko, hindi ko na napigilang maluha. Nagulat ang binata at tinulungan akong tumayo at pinunasan ang luha saking mga mata gamit ang kanyang hinlalaki "Bakit ka naiyak, miss?" pagtatanong nito; miss? Miss? Ungas! Ako ito si Jenna, huwag ka ngang magmaangmaangan pa, "Ako nga pala si Keith" pagpapakilala ng binata.
"Keith?"
"Bakit sino ba dapat ako?"
"Sorry, may kamukha ka kasi.. Pasensiya na talaga."
"Ayos lang, basta ikaw!" ang mga katagang iyon ay umaalingawngaw sa aking tenga ng paulit-ulit.
Prince, yung totoo may ka-kambal ka ba?
"Keith, wala ka naman sigurong mga sikreto? Tulad ng may malubha kang karamdaman at kung ano pa man."
Natawa si Keith sa sinabi ko "Hindi ako yung taong kilala mo, okay? Wala akong sakit, mukha ba kong may sakit?" tugon nito sabay kindat sa akin.
OMG! Parang alam ko na ang mga sunod na mangyayari sa tagpong ito ah.
THE END
BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Teen FictionMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...