Pangdalawangpu't Isang Kabanata: Denial

52 6 22
                                    

Naramdaman ko ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking mukha. Minulat ko ang aking mata ng bahagya at tinakpan ang aking mga mata ng aking kamay. Nagulat ako ng may marinig akong nahilik sa aking tabi. Bigla akong kinilabutan ng mapagtanto kong nakayakap ito sa akin. Agad agad ko tinignan kung sino ito. Napatulala ako rito ng makita kong si Russ ang nakayakap sakin. Hindi ko maiwasan na mapangiti, alam kong nagaalala ito sakin kaya narito siya sa tabi ko buong gabi. Pinilit kong alalahin kung ano ang mga nangyari kagabi pero tila may nakabara sa isip ko, ang huli kong naaalala ay ang pagbisita ko kay Prince. Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan ng maalala ko si Prince. Unti unti ring namuo ang mga luha sa aking mga mata. Pinunasan ko ito ng aking kamay. Napansin kong gumalaw si Russ. Nang satingin ko ay malapit na itong magising, nagpanggap akong natutulog pa rin. Naramdaman ko bumitaw na sa pagkakayakap niya si Russ at hinalikan ako sa aking pisngi. Sa mga ganitong pagkakataon ko nararamdaman na mahal na mahal ako ng aking sira ulong kapatid. Minsan hindi ko talaga maintindihan kung ano tumatakbo sa isip nitong si Russ pero masaya ako na siya ang kapatid ko, alam kong kahit anong mangyari ay maaasahan kong nariyan siya sa aking tabi para sumuporta. Naramdaman kong tumayo na ito. Naghintay ako ng ilang segundo at nakarinig na ng pagsarado ng pinto. Malamang bumalik na yun sa kwarto niya para ipagpatuloy ang pagtulog niya.

Agad agad kong minulat ang aking mga mata ng satingin ko ay hindi nababalik si Russ. Ayoko kasing malaman niya na alam kong sinamaha niya ko buong gabi. Ininat ko ang aking mga braso at humikab. Haist! Ano ba to, parang ang bigat naman ng mga braso ko. Sa oras na bumangon ako, sunumpa ko na agad ang desisyon kong ito. Ang sakit ng ulo ko, parang meron humampas ng dos por dos sa ulo ko sa sakit. Kinapa ko ang parte ng ulo ko na pinakamasakit. Naramdaman kong may bukol ako. Naalala ko bigla ang nangyari sa ospital. Nahimatay nga pala ako pagkatapos kong makita si Prince na nakahiga at mapayapang natutulog sa ospital. Teka? Paano ako nakauwi? Sino nagdala sakin dito sa bahay? Yari! Kung si Lady Antoinette nagdala sakin dito malamang ikinuwento na nito kala nanay at tatay ang mga nangyari! Lagot ako kasi umalis pa ko ng bahay ng dis-oras ng gabi. Sasabihin nila sa akin na hindi yun gawain ng isang matinong babae.

Nagulat ako at napatalon pabalik sa aking kama ng makarinig ako ng katok sa aking pintuan. Ito na nga ba sinasabi ko, tiyak papagalitan na ko nila nanay. Narinig kong inikot na ng tao sa labas ang hawakan ng pinto ko, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Unti-unting bumukas ang aking pintuan at ng makita kong si Kim lamang ito, hindi ko naiwasan na damputin ang unan sa tabi ko at ibato papunta kay Kim.

"Bakit mo ko binato ng unan?" tanong ni Kim na natatawa sa reaksyon ko.

"Wala lang, akala ko kasi si Nanay. Kabadong kabado pa naman ako tapos nung nakita kong ikaw lang pala, di ko naiwasan maasar kaya binato kita" pagpapaliwanag ko kay Kim at binelatan pa siya sa huli. Nakangiting lumapit sa akin si Kim at niyakap ako na hindi ko inaasahan. Anong meron? Bakit parang sobrang nagaalala sakin ang lahat? Si Prince ang may sakit, hindi ako.

"Ikaw talaga. Sobra sobra kang magisip. Bakit ka naman kakabahan kung si tita yung pumasok sa pinto?" ika ni Kim sabay napahinto at nagpatuloy "Wag mo sabihing buntis ka?!" agad agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang bibig ni Kim. Hindi ko alam kung saan niya napulot yung ideya niya pero wala yung katotohanan, ni hindi pa nga namin ginagawa yun ni Prince.

"Ano ka ba?! Baka marinig ka ni nanay at isiping buntis nga ako! Siyempre hindi noh!!! Baliw ka talaga!"

"Kaya mo nga ako mahal eh kasi baliw baliwan ako" natatawang sagot nito. Sabagay may punto ang lokang ito.

"Kapag kinausap ako nila nanay mamaya tungkol sa sex education, yari ka talaga sakin" sabay nagtawanan kaming dalawa. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang na mi-miss ko na pala tong baliw kong bestfriend. Bakit kaya narito to na napakaaga?

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon