Panglabing-anim na Kabanata: Cousin

76 6 25
                                    

Author's Note: Abby Gail Marx (Picture on the right side and also check her out in LIFE by HannahRedspring)

Magtatatlong araw ng hindi pumapasok si Prince. Hindi ko alam kung na papaano na iyon. Gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kung papaano. Kasi naman maling address ng bahay nila ang binigay nito sa akin noon, siguro kasi hindi pa kami gaano noon magkakilala. Pero tama bang iba ang ibigay sa akin?! Haist! Buwisit talaga ang mokong na iyon kahit kailan, nagaalala ako pero wala akong magawa.

Nakita ko si Jared na nakikipagusap sa mga tropa niya sa may usual natambayan nila sa loob ng eskwelahan, napatingin ito sa akin. Nginitian ako nito at gayon din naman ang ginawa ko, naglakad ako papalapit sa kanila. Mapapansin mong okay na ito at tuluyan ng naka-move-on, kitang kita ito sa maaliwalas at masaya nitong mga ngiti.

"Jenna, kamusta na?" tanong nito sa akin "Teka lang, guys" pagpapaalam nito sa kanyang tropa at sinalubong ako, napansin kong nakatingin sakin ang mga kaibigan niya na para bang isa akong salot. Hindi ko naman sila masisisi dahil ako ang dahilan kung bakit nahirapan at nalungkot noon si Jared.

"Ayos naman ako, halos magiisang buwan na pala ang nakalipas."

"Oo nga eh, ang bilis ng panahon. Kamusta kayo ni Prince?" pangaasar nito sa akin.

"Ewan ko sa mokong na iyon, parang kabute pasulpot-sulpot" tugon ko kay Jared, natawa naman ito ng bahagya at biglang nawala ang sigla sa kanyang mga mukha.

"Ganoon talaga iyon, intindihin mo na lang. Ma-suwerte ka at isa ka sa napili niyang tao na mapalapit sa kanya" nagulat ako sa kanyang mga sinabi, hindi ko na isip na kilala ni Jared si Prince ng ganito.

"Siguro nga pero, sana sabihin niya sa akin kung ano ang problema. Hindi yung nanghuhula ako, baka mamaya niyan magtayo na ako nang stante sa school ng fortune telling booth."

Natawa si Jared sa mga tinuran ko, kahit ako natawa sa sinabi ko. Tumawa kaming dalawa hanggang sa hindi na kami matawa sa biro ko.

"oh sige na, Jenna. Mahirap paghintayin itong mga toh baka masampiga pa ko" pagpapaalam nito sa akin at doon na nagtapos ang unang paguusap namin pagkatapos ng madramang hiwalayan.

Naglakad na ako patungo sa silid aklatan, dito kasi ako tumatambay pagwala si Prince simula noong mga naganap nung nakaraan. Napatigil ako sa paglalakad ng may masalubong akong hindi ko inaasahan. Halatang hindi pa rin siya komportable pero pilit niya itong itinatago, nginitian ko siya at gayon din naman siya.

"I think, Okay na ako, Jenna." Pagputol ni Kim sa awkwardness ng muli naming pagkikita.

"Buti naman, nangungulila na ako sa aking bestfriend eh."

"At pinagisipan kong mabuti ang mga bagay bagay, may dapat kang malaman" ika ni Kim ng seryoso.

"Ano iyon, Kim?"

"Hindi ko alam paano maguumpisa pero, hindi ko sinasadyang marinig ito kay Prince at Marty. Ang lakas naman kasi ng boses ni Marty."

Matiyaga akong naghintay sa mga sasabihin ni Kim, inintindi ko ang bawat nitong salita. Lubos kong ikinagulat ang aking mga narinig, hindi ko aakalain na may lihim pala na namamagitan sa loob ng grupo namin noon.

"Kailan mo ito narinig?"

"Nung araw na pumunta tayo sa mini concert ng SynChrome."

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi?" tanong ko kay Kim ng mahinahon.

"Hindi ko alam pero, para kasing hindi naman iyon importante" tugon nito sa akin.

Ayokong magalit kay Kim lalo't alam ko namang wala itong kasalanan, kaya naman niyakap ko ito ng mahigpit bago ako nagpasalamat. Dali dali akong lumisan ng silid aklatan, dumaan akong muli sa tambayan nila Jared. Pero mukhang umalis na sila at nagbalikan na sa kanikanilang klase.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon