Panglimang Kabanata: Friend

129 9 27
                                    

Author's Note: Kimberly Adams (Picture on the right side)

Mahimbing akong natutulog ng maramdaman ko ang sinag ng araw saking mukha; oh no! Madali kong tinignan ang oras at lalong nagulantang ng malaman na mahuhuli na ko sa klase. Dali dali akong nag punta sa banyo para mag sipilyo at maligo, pagkatapos na pagkatapos ko ay kumaripas na ko pabalik ng kwarto ng masalubong ko ang aking nanay.

"Oh anak, bakit ka nagmamadali?" tanong ni nanay sakin.

"Baka po mahuli na ko saking klase" turan ko sakanya.

Tinitigan lang niya ako habang nakatingin saking mga mata at nakataas pa ang isang kilay.

"Sabado ngayon anak" wika nito at umalis din kaagad.

"Alam ko!" palusot ko, lumingon at tumango lang siya habang nakangiti at umalis na.

Pagkalayo ng nanay ko agad akong napanganga saking narinig, gusto kong sampal sampalin ang sarili ko sa hiya; ano bang iniisip ko? Bakit nakalimutan kong sabado ngayon?

Nagpatuloy na ko saking kwarto at nagsuot ng pambahay, tumuloy na ko sa hapagkainan para kumain ng almusal; total gising naman na ko panindigan ko na.

Napansin kong wala na ang aking tatay; malamang pumasok na ito. Samantalang ang magaling kong kapatid na si Russ eh tahimik na nakain ng almusal which is weird. Tinitigan ko ito hanggang sa makaupo ako na tila nag aabang ng pangungulit at paninira ng araw ng kapatid ko pero wala, as in wala; anung meron?

Nagulat ako na halos ikahulog ko sa kinatatayuan ko ng may biglang yumakap mula saking likuran; Shit! Pang telenobela lang ang peg! Sinalo ako nito at ng nilingon ko kung sino eh namangha ako ng todo; yup! Korek! Si Jared my love naman ang dumalaw sa bahay ko. Wait? Sa bahay ko?! Ano palang ginagawa niya rito? At san siya galing?

"Ate ang bait bait naman ni Kuya Jared, ang sarap pa ng dalang almusal!!!" ika ni Russ ng nakangiti habang punong puno ng pagkain ang kanyang bibig.

Inayos na ni Jared ang aking pagkaupo at ngumiti naman ng napaka tamis kay Russ at bumulong sakin "Sayo dapat yung almusal na yun eh pero di ko mapigilan ibigay sa kapatid mo, ang cute kasi eh." Sabay upo sa may tabi ko.

"Anong meron Jared bakit ka nandito?" tanong ko kay Jared.

"Pinagpaalam ka niya samin ng tatay mo kung pede ka ba daw niya isama sa labas para mamasyal" ika ng aking nanay sa malayo na nagdulot sakin ng matinding hiya; kulay kamatis na siguro yung mukha ko ngayon. Di ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lang ako kay Jared pero shit! Kung nananaginip lang ako eh ayoko ng magising!!! Ang pogi pogi niya talaga!!! Kyaaah~!

Nagulat na lang ako ng tapikin ako ng aking ina mula sa likod at sabay bulong ng "ang pogi niya dear pero wag magpapagabi ah at huwag sirain ang tiwala namin sayo, okay" sabay halik sa aking pisngi.

Tumalikod na ito at pumunta ng sala sabay bigkas ng "Alam niyo na ang tama at mali, sige lumarga na kayo ng hindi kayo gabihin."

Nakatulog na pala si Russ sa sobrang busog; haist! Itong batang toh talaga kahit kailan pasaway. Binuhat si Russ ni Jared at dinala sa kwarto at ako naman sa kabilang banda eh nag bihis na pang gala or should I say pang date. Nag skirt ako at nag suot ng sandals na may three inches tall na takong, nag blouse at, nag makeup ng konti. Siyempre kailangan kong maging maganda sa tabi ni Jared baka kasi mamaya niyan eh mapagkamalan pa kong alalay or yaya nito.

Ewan ko ba lagi na lang akong nasusurpresa nito ni Jared sa mga ginagawa niya, kakainis parang alam na alam niya ang kahinaan ko. To be honest sobrang kinikilig ako ngayon na paran gusto kong mahimatay pero siyempre ayoko, edi na palampas ko naman yung pagkakataon kung saka-sakali; ang landi landi ko talaga.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon