Lahat ng nangyari pagkatapos ko marinig ang balita ay malabo na sa aking alala. Hindi ko masyadong matandaan ang mga pinaggagawa ko pero tandang tanda ng puso ko ang sakit, hanggang ngayon napakabigat at sakit pa rin ng puso ko. Pero kailangan kong magpakatatag ayokong iwan ako ni Prince na ang baon niyang alaala sakin ay puro naiyak ako dahil sakanya. Humarap ako sa salamin at pinapapaniwala ang sarili na kaya ko ito at malalagapsan ko ito. Pero ano bang magagawa ko kung hindi ramdamin muna ang sakit ubusin ang luha bago ko harapin si Prince.
Napangiti ako ng may maisip akong magandang pakulo para kay Prince. Dali dali akong naghanda at nagtungo kala Kim para sabihin sakanya ang plano, tuwang tuwa siya na makita ako na nagpapakatatag at pumapayag daw siya na tulungan ako saking plano.
Apat na araw na rin ang makalipas simula ng marinig ko ang balita at isang araw naman ng maisip ko ang aking surpresa kay Prince mukhang nakahanda na ang lahat, naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko habang papunta sa inihanda naming surpresa para kay Prince. At lalo pa itong nagwala ng makarating ako rito. Napansin ko rin na nagdaratingan na rin ang mga taong inimbitahan naimn ni Kim. Isa isa silang pumapasok sa bulwagan na inupahan naming Apat nila Jared, Kim at Marty.
Pinagpapawisan na ko ng malamig ng makita ako ni Kim at Jared sa labas tinawag nila akong pumasok sa loob. Parang gusto kong mahimatay sa kaba. Ang dami na rin pala tao sa loob. Nag umpisa ng magpatugtog si Kim at si Jared naman ang nagaasikaso ng mga bisita. Napapansin kong tinitignan ako ng tatlo na tila binabantayan ako. Siguro nagaalala alng sila sakin. Hindi ko naman maiwasang maluha at matuwa ng tinignan ko ng kabuuan ang inihanda namin. Mukhang magiging successful ang event na ito buti na lang at hindi ako nagkamali sa unang tao na aking tinakbuhan. Napakahusay talaga ni Kim, napakaswerte ko at bestfriend ko siya. Nginitian ko sila at binati naman ako ng mga kaklase namin at ng mga guro.
Nagpaalam na sa akin si Jared na susunduin niya na si Prince para dalhin dito, wala pa rin kasing kaalam-alam si Prince sa plano namin na ito. Nagsasayawan na sila ng magpalit ang tugtog ng lovesongs. Laking gulat ko ng makita kong dumating si Abby. Agad naman itong lumapit sakin at bumeso ng makita ako sa loob. Natuwa ako dahil hindi ko na inaasahan ang pagdating niya kasi hindi ko alam kung nagkaayos na sila ni Marty pero satingin ko hindi iyon ang mahalaga ngayon kaya narito silang dalawa. Napaka-supportive talaga nilang lahat.
Napangiti ako at naluhang muli ng makita ko si Prince sa bukana ng pinto. Naka bihis ito ng maganda at nakaupo sa wheelchair. Ito ang unang beses na magkikita kami simula ng umalis siya para magpagamot. Nangayayat ito at parang napakahina. Umiyak ito ng makita ako nitong nakatingin at nakangiti sakanya. Tinulungan ito ni Jared na lumapit sa akin.
"Ano ito? Bakit nandito silang lahat?" ika ni Prince habang naluha. Iniwan naman kami kaagad ni Jared ng maihatid niya na si Prince sa harap ko. Hindi ko naman napigilang lumapit at yakapin ito at halikan.
"Surprise! Prom night ito! Kaya dapat tayong magpakasaya" ika ko sakanya habang pinipigilan ang aking mga luha at pinipilit na ngumiti.
"Hindi niyo kailangan gawin ito" ika ni Prince. Haist! Kahit kailan talaga si Prince ay si Prince pa rin, may sakit man o wala.
"Alam ko pero gusto kong bumawi tayong dalawa dahil ang tagal na nating hindi nagda-date" ika ko at natawa naman siya sa paliwanag ko, " pwede ba kitang isayaw mister John? Ngumiti lang ito at kinuha ko ang kanyang kamay. Tinulungan ko siyang tumayo at nagsayaw kami. Parang huminto ang oras at napunta kami sa ibang mundo, wala saming nagsasalita nagtititigan lang kami at nagsasayaw.
Napahinto ako ng basagin nito ang katahimikan "I love you, Jennalyn Grace" tinitigan ko lang siya at nagpatuloy "wala kabang gustong sabihin sakin?" pangaasar pa nito.
Natawa ako at hinalikan si Prince sa kanyang labi at tumugon sa kanyang sinambit "I love you too, Prince John."
Huminto kaming dalawa ng tumigil ang tutog at napansin na tumabi lahat ng bisita para bigyan kami ng space sa pagsasayaw. Gusto kong pasalamatan ang lahat ng mga dumalo, hindi ito magiging ganito ka special kung hindi dahil sakanila. Lalo na sa mga kaibigan ko at bestfriends ko.

BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Teen FictionMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...