Panglabing-tatlong Kabanata: The Truth

68 6 29
                                    

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha na tumulo sa aking mga pisngi, pinunasan ko ito at sinabi kay Prince na sobra kong saya sa narinig ko kaya ako naluluha. Kahit na ang totoo ay nasasaktan ako pero, ano bang karapatan kong masaktan, wala hindi ba? Pilit akong ngumiti sa harap ni Prince bago tumayo at nag-excuse sa guro namin para lumabas ng klase, napansin kong nagpaalam din si Jared sa guro namin para sundan ako. Alam kong nagaalala siya sa kalagayan ko ngayon, lalo na't sa tingin ko ay may kutob na siya sa nararamdaman ko kay Prince.

Alam kong wala akong karapatan masaktan pero bakit ganoon, ang sakit sakit niya. Hindi ko alam noon na pwede ka pa lang masaktan ng labis, kahit na wala ka sa posisyon para maramdaman ito. Parang merong bubog sa loob ng puso ko, na nagdudulot dito para masaktan sa bawat tibok nito. Rumaragasa naman ang luha ko habang natakbo palayo sa classroom namin, gusto ko lamang mapagisa. Gusto kong namnamin ang hapdi at kirot ng pagibig na hindi naman dapat nabuo, gusto ko turuan ng leksyon ang puso ko na tumigil na sa pagmamahal niya sa maling tao. Mali, hindi pala sa maling tao, kung hindi sa maling pagkakataon. Meron na akong nobyo at dapat sakanya lamang tumitibok ang puso ko ngunit, hindi ganoon ang nangyayari sapagkat si Prince na ang bagong laman nito.

"Jenna!" tawag ni Jared ng maabutan niya ako, hinawakan nito ang aking braso at hinarap ang mukha ko sa kanya nang pinilit kong manlaban.

Tumingin lang ako sa sahig na pilit pinipigilan na sumabog ang emosyon ko sa harapan ni Jared. Patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking mukha, na para bang isang talon. Naramdaman ko ang isang kamay ni Jared na hinahaplos ang aking buhok, papunta sa aking baba. Itinaas niya ang mukha ko para humarap sa kanya, pilit akong ngumiti sa harapan niya pero hindi ko magawa. Kitang kita ang pagaalala at lungkot sa kanyang mga mata, na para bang naghahati kami sa sakit na nararamdaman ko. Nginitian niya ko bilang tugon sabay yumakap sa akin ng napakahigpit, naramdaman ko ang paghabol niya ng hininga at pagpatak ng ulan sa aking mga balikat; Ulan? Teka, umiiyak ba si Jared? Biglang huminto ang aking mga luha, gusto kong bumitiw na si Jared sa pagkakayakap niya upang makita ang kanyang mukha pero, nagpatuloy lamang ito sa pag-akap sa akin.

"Mahal kita, Jenna" ika ni Jared na halatang umiiyak din dahil sa tono ng pananalita niya.

"Alam ko, at wala akong duda dito."

"Gusto ko lang ipaalala sayo na mahal kita."

Hindi ko alam kung bakit pero, hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi niya, siguro kasi alam ko kung saan ito tutungo at ayokong umabot sa ganoon. Ayoko magpadalos dalos kami ng desisyon, ayokong magsisi kaming dalawa sa bandang huli.

Inilayo niya ng bahagya ang kanyang ulo sa akin at pinatong ito sa aking noo, nararamdaman ko ang pagdampi ng kanyang bawat hininga sa aking mga pisngi, ang mga mata niya na punong puno ng pighati, at pati mga luha niya na nagpapaalala sa akin na ako ang may kagagawan ng sakit na dinaras niya ngayon.

"Jared..."

"sssh shh," pagputol niya sa sasabihin ko, na may paglagay pa ng hintuturo niya sa pagitan ng aking mga labi. "Huwag mo ng sabihin ang gusto mong sabihin. Gusto kong kalimutan na lang muna natin ang lahat at manatili ng ganito kahit saglit."

Nagpatuloy ang katahimikan ng ilang minuto at doon na rin natapos ang tagpo na iyon, naghiwalay kami at tinahak ang kanya kanyang landas papauwi sa aming kanya kanyang tahanan. Halos malapit na ko sa bahay namin ng maisipan kong dumaan muna sa park para magpahangin, nagulat ako sa aking nakita. Nakita ko si Prince na naglalakad ng pabalik balik habang kinakausap ang sarili. Natigilan ako at gayon din siya ng mapansin niya ako sa kanyang harapan, nanlaki ang kanyang mga mata na para bang nakakita ng multo.

"Nakakagulat ka naman, partner" ika nito sabay ngisi "tapos parang lusaw pa yung mukha mo."

"Ewan ko sayo! Akala ko pa naman makakapagisa ako dito!" pagalit na tugon ko sabay talikod.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon