Ngayon na ang huling araw ng aking pagpapahinga at mukhang hindi pa rin ako handang pumasok at makita siya. Hindi ko alam anong napagusan ng kapatid ko at ng ungas na iyon pero hindi na nga muling pumunta rito si Prince pagkatapos nilang magusap. Hindi ko tuloy maiwasang humanga sa kapatid ko. Oo, minsan nakakabuwisit talaga siya pero, may mga pagkakataon naman na napaka-cool niya. Araw araw ding napunta si Jared rito kasama si Kim para pakopyahin ako ng mga lessons sa eskwelahan, hindi naman pwedeng pabayaan ko ang pagaaral ko dahil lang dito. Nakakatuwa nga at hindi kami awkward ni Jared, na tila ba wala kaming nakaraan. At ito pa napaka-sweet pa nila ni Kim hindi ko minsan maiwasang maiinggit pero masaya ako na nariyan sila para sa akin. Wala na yata akong mahihiling pa na bestfriends sa mundo.
Nakakatawa pa ng unang beses pumunta rito si Jared kasama si Kim, tinititigan ito ng masama ni Russ na para bang may masama itong gagawin pagnakalingat siya. Tinanung niya pa ito na "diba dati kang boyfriend ng ate ko? Eh bakit kasama mo si ate Kim?" Natulala kaming tatlo at nagtinginan. Mayamaya ay natawa bigla si Kim kaya tumawa na rin ako. Inakbayan ni Jared si Russ at may binulong, tumahimik kami ni Kim para makinig pero nabigo kami. Makikita sa mukha ng kapatid ko na ninanamnam niya ang bawat salita na sinasabi sakanya ni Jared at ng matapos na ito sa pagbulong kinindatan ni Jared si Russ Ngumiti si Russ bilang tugon at nagsalita "babantayan pa rin kita!" sabay alis. Muli kaming nagkatinginan at nagtawanan, pagkatapos nun ay nagbago na ang lahat. Nakuha agad ni Jared ang loob ni Russ at ngayon ay excited pa sa pagdalaw ni Jared dito sa bahay.
Masasabi kong naging swabe ang mga araw na nagdaan pansamantala ko ring nakakalimutan ang kalungkutan sa tuwing narating yung dalawa. Ang dami na rin palang nangyari simula ng nagumpisa ang klase, puro drama, kilig at tawanan. Hindi ko aakalain na malapit ng magtapos ang taon na ito. Sa isang araw ay gaganapin na nga pala ang Christmas ball at hindi ko pa alam kung nais ko pangdumalo.
"Bukas, sabay sabay tayong uuwi. Ihahatid ka namin ni Jared" ika ni Kim sa akin.
"Huwag na kayong magalala pa, hindi naman ako baldado kaya ko namang umuwi magisa."
"Ano ka ba?! Normal na ginagawa yun ng mga magbe-bestfriends!"
"Pero..." pagdaing ko.
"Okay, Jared huwag mong dalhin yung sasakyan mo bukas para sabay sabay tayong maglakad pauwi" paguutos ni Kim.
"Yes, ma'am!!!" tugon ni Jared ng nakangiti at nakasaludo.
"Oh siya, kailangan na naming umuwi. We have a big day tomorrow, bestfriend!"
Nginitian ko lang sila at inihatid na sa harap ng bahay. Hinalikan nila ako sa pisngi at gayon din kay Russ na halatang nalulungkot na uuwi na si Jared. Nagpaalam na sila at sumakay ng ng kotse ni Jared. Pumasok na ko sa loob at nagtungo na pabalik ng kwarto at tulad ng dati, naguumpisa na naman ako lamunin ng kalungkutan pero masasabi kong mas maayos na ko ngayon kumpara noong unang araw na nalaman ko ang karamdaman ni Prince. Kamusta na kaya yung ungas na iyon? Ano ba yan?! Naiinis ako sa kanya pero nami-miss ko pa rin siya!!! Haist!
Kinakabahan tuloy ako bukas kung ano ang pwedeng mangyari, kaya ko kaya siyang harapin ng parang walang nangyari? Makakapag-focus ba ko sa klase habang katabi ko siya? Nakakainis talaga! Napakatindi ng impact ng mokong na ito sakin! Halos buong gabi ako gising kakaisip ng mga posibleng maganap bukas, kaya naman pag sapit ng liwanag ay parang wala ako lalong lakas para bumangon.
Naramdaman ko na ang sikat ng araw sa aking mga mukha na tila ba ako'y ginigising. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha para iharang sa liwanag ng araw. "Jenna, gumising ka na!" sigaw ng aking nanay. Wala naman akong nagawa kung hindi bumangon na at sumagot "Opo, gising na po!" Tumayo na ko at tumungo sa banyo para maghilamos at magmumog, dumeretso na ko sa hapag kainan pagkatapo para kumain. Mapapansin mong tinitignan ako ng lahat na para bang hinihintay nila na may sabihin ako; hindi ko maintindihan kung bakit.

BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Teen FictionMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...