Hinabol ako ni Prince ng nakangiti ng araw na iyon, ipinaliwanag niya sa akin na nakababatang kapatid lang ang tingin niya kay Abby. Siyempre natuwa ako pero hindi ako nagpahalata, sinabi ko sa kanya na hindi niya sa akin kailangan magpaliwanag. Sinabi ko na, kay Marty niya sabihin iyon o kay Kim, bigla niya akong niyakap at parang huminto ang oras. Gusto kong lumaban at pumiglas pero, natalo ako ng kagustuhan kong maramdaman ang init ng kanyang yakap.
"Prince, ayoko na. Please tigilan mo na, wag mo na akong paasahin" bumitaw na si Prince sa pagkakayakap niya sa akin.
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ni Prince habang tinititigan niya ako sa aking mga mata, makikita mo ang kalungkutan sa mga ito.
"Ito! Itong mga ginagawa mo, hindi ko na kaya, masyado na akong nasasaktan" tugon ko habang pinipigilan ko na umiyak.
"Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita, sorry" sagot nito ng may pighati sa kanyang boses.
"Nahuhulog na ko sayo at alam ko kung sino ang tinitibok ng puso mo" ika ko na ngayo'y tumutulo na ang aking mga luha.
"Alam mo, kung gayon ano ang problema?" tanong nito
"Mahal ka din ng best friend ko iyon ang problema" sagot ko. Napansin kong umaagos na rin ang mga luha ni Prince sa kanyang pisngi.
"Din? Pero ikaw ang mahal ko kahit na alam kong mali ito"
Natigilan ako sa kanyang mga sinambit, nandilat ang aking mga mata na kasalukuyang namamaga kakaiyak. Inabot ni Prince ang aking mukha habang pilit na ngumingiti, pinunasan ko naman ang aking mga luha ng aking mga kamay. Lumapit sa akin ng bahagya si Prince at sa isang iglap, naramdaman ko ang kanyang mga labi ng dumampi sa aking mga labi, inilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang batok at hinawakan ito ng mahigpit. Nagumpisa sa mabagal at di siguradong ritmo ang aming halikan, hindi ko namalayan na pinikit ko pala ang aking mga mata. Hinabol namin ang bawat naming hininga ng matapos ito, hindi ko naisip na madarama ko ulit ang kanyang matamis na halik.
Panandalian naming nakalimutan ang mundo, pumasok kami sa isang dimensyon na kaming dalawa lamang ang naroon. Napakasaya ko ng mga oras na iyon pero, kailangan naming bumalik sa tunay na mundo, kailangan namin harapin ang realidad. Hinatid niya ako hanggang sa may tapat ng pinto ng bahay namin, hindi tulad ng dati. Binigyan niya ako ng huling halik, bago siya lumisan at tumungo sa kanilang tahanan upang magpahinga.
Makalipas ang ilang araw, hindi pa rin ako ulit kinakausap ni Jared; siguro mas mabuti na muna na ganito. Sa kabilang banda gayon din si Prince, ilang araw na rin siyang hindi na pasok simula ng araw na nagtapat kami sa isa't isa. Siguro na bigla din siya sa mga pangyayari o kaya naman baka pinagsisisihan niya ang ginawa niya. Kahit ang matalik kong kaibigan na si Kim ay hindi rin nagpaparamdam sa akin, na tila ba ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Pero ano bang magagawa ko, kung hindi ang maging matatag.
Pilit ko ngayong iniwawaglit sa isip ko ang mga bagay na gumugulo dito, ayoko na munang magisip kasi napakasakit. Pakiramdam ko talo kaming lahat sa larong nilalaro namin, pareparehas kaming nasasaktan at nagdurusa.
Minsan na kasalubong ko si Jared, hindi ako nito pinansin na tila ba hindi niya ako nakikita, kaya naman nirespeto ko ito. Gusto ko sana siya kausapin pero, pakiramdam ko hindi pa siya handa kaya iniiwasan niya ako. Sinubukan ko namang puntahan si Kim sa classroom niya pero, ang sabi ng mga kaklase niya ay busy ito sa student council meetings. Gusto ko rin sana makita si Prince pero, wala akong alam tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung saan talaga siya nakatira, hindi ko alam kung ano ba ang itsura ng pamilya niya, hindi ko alam kung ano ba ang totoo sa mga alam ko tungkol sa kanya.
Dumating ako sa aming eskwelahan ng hindi ko namamalayan, natauhan lang ako ng marinig ko ang tinig ni Jared na nagsasalita sa may mikropono.
"Sa totoo lang wala ito sa plano pero, gusto ko kasi marinig niyo kung ano ang sinisigaw ng puso ko" narinig kong naghiyawan ang mga tao sa loob ng eskwelahan, agad naman akong pumasok para makita si Jared mag perform, "sinulat ko po itong kanta na ito, sana magustuhan niyo."
BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Teen FictionMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...