Panglabing-walong Kabanata: John's Residence

86 6 19
                                    

Hindi ko na napigilan ang mga mata ko na lumuha, ang pakiramdam ko kasi wala na akong ibang ginawang tama. Ang sakit sakit ng bawat salitang binitawan niya sa akin, na tila matatalim ito na kutsilyo na humihiwa sa aking puso at kaluluwa.

Lumingon ako kay Lady Antoinette at nginitian ito at nagpaalam, "marami pong salamat sa oras niyo, pasensiya na po ulit pero kailangan ko ng umalis."

Pagkasabing pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay tumakbo na ko pasalubong kay Prince dahil, hinarangan nito ang aking dadaanan. Binangga ko ito ng napakalakas, napaatras ito at natumba. Pinigilan ko ang sarili kong lumingon para tignan kung ayos lang siya. Tumakbo ako ng tumakbo palayo, nihindi ko alam kung saan ako patungo. Ang tanging nais ko lang ay makalayo kay Prince. Ewan ko ba pero para naman kaming aso't pusa, bihira kaming magkasundo pero bakit siya pa ang minahal ko.

Sobra na akong nasasaktan sa mga nangyayari sa paligid, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung gawin. Hindi ko napansin na hinabol pala ako ni Prince gamit ang motorsiklo niya, hinarangan nito ang aking dadaanan. Bumaba ito sa sinasakyan niya, na halos matumba na. Bigla kong napansin ang panghihina ng kanyang katawan, hindi ko alam pero mukhang galing sa sakit si Prince.

Hindi ko alam pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, tinitigan ko lang siya habang papalapit sa akin. Nang makalapit na ito ng tuluyan ay bigla ako nitong niyakap ng napakahigpit, naramdaman kong tumulo ang kanyang mga luha sa aking mga balikat. Hindi ko maintindihan, bakit si Prince na ang naiyak? Ano nangnangyayari???

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin o maramdaman kaya naman, niyakap ko na lamang si Prince ng mahigpit. Ilang minuto rin kaming na natiling magkayakap bago ito huminto sa pagiyak at bumitaw sa kanyang pagkayakap sa akin.

"Paseniya ka na, hindi pa kasi ako sanay ng may nagaalala para sa akin. Alam kong pumunta ka roon para makita ako, alam ko rin na gusto mo lang ako makita pero..."

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan pero basta basta ko na lamang siyang hinalikan sa labi, napahinto ito sa kanyang sinasambit at ibinalik ang halik sa akin. Naghalikan kami ng para bang hindi na namin ito magagawang muli sabay, huminto ako at inilayo ang aking ulo. Sinampal ko si Prince ng napakalakas, binuhos ko rito ang lahat ng galit na nararamdaman ko.

Nagulat ito sa aking ginawa pero kita sa kanyang mga mata na tinanggap niya ito ng buong buo. Nginitian ko siya at hinawakan naman niya ang aking kamay.

"Nalalapit na ang bakasyon at nais kong yayain kang maging kapareha ko sa gaganaping Christmas Ball" ika ni Prince.

"Basta hindi mo na ko susungitan at papaalisin o iiwan" pangaasar ko dito.

"Talaga? Pumapayag ka?" tanong ni Prince na may halong pagkagulat.

"Oo naman, Prince. Basta mangako ka na hindi mo ko iiwan."

Niyakap ako nito at hinalikan sa aking noo "nangangako ako."

Doon nagtapos ang kadramahan namin. Hindi na ako umasang iimbitahan ako nito na pumunta sa bahay nila pero nagkamali ako. Dinala ako nito sa pamamahay nila malapit sa bangin, nangpinasakay ako nito sa kanyang motorsiklo. Labis ko itong kinagulat sapagkat parang kanina lang, halos ipagtabuyan ako nito. Nakakainis talaga itong si Prince, hindi ko pa rin makuha ang takbo ng isipan niya. Minsan ang sweet, minsan ang drama, minsan ang sungit, ano ba Prince?!

Kinurapkurap ko ang aking mga mata sa aking nakita, hindi ko aakalain na napaka ganda at simple ng tahanan nila Prince. Pakiramdam ko patungo ako sa isang bahay bakasyunan, kasama ang taong mahal ko.

"Anong nasa isip mo?" tanong ni Prince sa akin ng nakangiti. Napansin siguro nito na lumilipad ang isipan ko. Ikaw ba naman sigawan sa harap ng magulang ng taong gusto mo sabay, ngayon pupunta ka sa bahay nila para makilala. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba, ano kaya ang sasabihin sa akin ni Lady Antoinette kapag nakita niya ko? Ano kaya ang magiging reaksiyon ng ama ni Prince pagpinakilala niya ko? Magugustuhan kaya ako ng mga kapatid ni Prince?

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon