Panglabing-dalawang Kabanata: Talk of the School

64 6 32
                                    

Ang lahat ay na sasabik na sa papalapit na pagtapos ng klase para kumain, si Prince ay kasalukuyan ng nagaayos na ng kanyang mga kagamitan. Walang nagsasalita sa amin tungkol sa nangyari noong nakaraan, na para bang hindi ito nangyari at ang lahat ay panaginip lang. Tulad pa rin ng dati ang trato niya sa akin, at gayon din naman ako sa kanya pero, hindi ko talaga maiwasan makaramdam ng pagkailang kapag tinititigan niya ko sa mata. Para kasing binabalik ako ng mga titig niya sa oras na iyon, pinapaalala ng mga ito ang init na dulot nito sa aking buong katawan.

"Partner anong tinutungatunganga mo diyan? Kanina pa umalis ang guro natin" ika nito ng nakatingin sa aking mga mata, na nagpatibok sa puso ko ng walang humpay.

"Pasensiya na medyo lutang lang, papalapit na kasi ang major exams natin" pagpapalusot ko.

Natawa naman ito at nilapat ang kamay niya sa ulo ko, ginulo niya ang buhok ko na para akong aso. Natameme ako ng pamansamantala at pinaalalahan ang sarili ko na may nobyo na ako, pero sa isang tingin lang ni Prince sa aking mga mata, nakakalimutan ko na ang lahat.

Napansin kong papalapit na si Jared sa akin habang palingon lingon kay Prince, na tila ba pinipigilan niya ang sarili niya na magselos. Sinalubong ko naman siya ng ngiti bago ako tumayo at lumapit sa kanya para yumakap, tumingin naman ako sa kinakaupuan ni Prince upang tignan kung ano ang magiging reaksiyon niya sa pag yakap ko kay Jared. Wala akong nakita kung hindi ang pangkaraniwan niyang mukha; kainis, bakit parang wala lang sa kanya? Teka, teka, at talagang gusto ko na mag-react siya! Grrrrr! Mali ito!

Tumayo si Prince ng bigla ng may makita itong nakatayo sa may pintuan ng classroom, bumitiw na ko sa pagkakayakap ko kay Jared at sinilip ang nakita ni Prince. Nakita ko si Kim na nakangiti at kumakaway sa aming tatlo o kay Prince; ewan ko pero nakaramdam ako ng kaunting selos na narito si Kim, hindi para sakin kung hindi para kay Prince. Oo, simula kasi ng umamin siya sakin na may gusto siya kay Prince, lagi na itong gumagawa ng paraan para makita at makalapit sa binata. Pumasok ito ng komportable at bumeso sakin bago tumungo sa tabi ni Prince, hinawakan nito ang baba ni Prince at inalog ito ng mahina.

"Masanay ka na Prince na dinadalaw kita rito" Ika nito sa binata na ngayon ay nakatitig na sa mga mata ni Kim habang nakangiti ng napakatamis; Kainis! Stop, parang gusto ko itulak yung mga mukha nila palayo sa isa't isa bago pa nila maisipang maghalikan! Nagaalala lang ako kasi baka ma-suspend sila pagnahuli sila.

"Ewan ko kung paano ako masasanay sa mga ginagawa mo, kahit ata araw araw mong gawin yan masusurpresa pa rin ako" ika nito ng may halong pagpapa-cute; gosh! Para kay Kim iyong pagpapa-cute niya pero pati sakin tumatalab!!!

"Tara na, bago pa tayo abutan ng susunod na klase" ika ko para matigil na itong dalawang ito sa paglalandian nila.

Napansin ata ni Jared ang selos sa tono ng pananalita ko, kasi bigla niya akong hinalikan sa aking noo at hinawakan ang aking kamay. Ningitian ko siya para ipakitang ayos lang ako, hinila ko siya papalabas ng classroom. Sa aming likuran ay si Prince na nakaakbay kay Kim na para bang sila na; hindi pa naman sila hindi ba?! At ano bang paki ko kung sila na?! GAWD!

Habang naglalakad kami papunta ng cafeteria, mapapansin mo na halos lahat ng taong nasasalubong namin ay pinagtitinginan kami, ikaw ba naman makita mo si Jared at si Kim na parehas crush ng bayan sa buong campus na magkasama. Makikita mo rin ang mga nakakairitang titig ng mga babae sa akin, na para bang isa akong malaking pigsa na lumalapit kay Jared; Sorry girls, ako ang nobya niya. Sa kabilang banda naman ay makikita mong pinagkakaguluhan ng lahat ang tandem ni Prince at Kim, na para bang isang kilalang love team.

Nakarating kami ng cafeteria at kumuha ng makakain, umupo kami sa isang bakanteng mesa sa may gitna, na tila ba sinadya ng student body na sa gitna kaming apat paupuin para pag piestahan.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon