Pangsiyam na Kabanata: Bombshell

69 6 19
                                    

Nakarating ako ng bahay na bwisit na bwisit, hindi ko mawari kung ako ba ay maiinis o magagalit sa mga nangyayari. Una sa lahat mukhang may sikreto ang best friend ko at si Prince, pangalawa, mukhang pa-cute tong kumag na Prince na ito kay Kim, Pangatlo, mukhang may planong mag transfer ng school si Prince para makasama ang pinsan nyang si Marty, Pangapat at pinaka mabigat na nangyari ay nagsinungaling si Prince kung saan siya nakatira. I have a feeling na parang kumukulo ang tubig sa utak ko at nag re-release ng usok na para bang tren.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng pasaway kong kapatid na si Russ. May daladala itong bola na ipinaiikot niya sa kanyang kamay, na tila isang professional basketball player. Binitiwan niya itong bigla at nag dribble sa harapan ko na tila ba nasa loob kami ng basketball court at nasa likuran ko ang ring, sumulong ito pa-kanan at biglang umatras, sabay lipat sa may kaliwa at kunwari nag lay-up sa likuran ko at sumigaw ng 'Shoot, score!'. Natulala ako sa naganap at nagulat ng biglang bumulong ang kapatid ko sa akin.

"Pasalamat ka at hindi ka na huli ng uwi" sabay ipinasok yung bola sa loob ng damit ko at tumakbo paakyat ng hagdan, inabot ko ang likod ko at pilit hinila palabas ang bola na siniksik ni Russ sa aking likuran; baliw talaga yoon, buti na lang at wala ako sa hulog kung hindi baka hinabol ko pa siya at binato ng bola sa mukha.

Lumipas ang gabi at dumating ang umaga ng nakatingin lang ako sa kisame ng aking kwarto habang nakahiga sa kama; oo, hindi ako nakatulog kakaisip buong gabi. Ilang beses ko na rin sinubukan iwaglit sa isipan ko ang mga bagay na gumugulo rito, ngunit hindi ito epektibo at lalo lang nagdulot sa akin na mas bigyan ko ito ng pansin.

Natawa ako ng maalala ko ang araw na dinala ako ni Prince sa cliff, si Prince ang isa sa gumugulo ng aking isipan at sakanya ko rin pala makukuha ang sagot para maiwaksi ko ito. Nagpasiya akong pumunta sa bangin kung saan inilabas ko sa kawalan ang gumugulo sa aking isipan noon.

Agad agad akong nag-ayos nang aking sarili at nagtungo sa kusina para kumain ng almusal. Kumain ako ng napaka bilis na para bang may bombang sasabog kapag hindi ko naubos agad yung kinakain ko. Hindi umiimik sila nanay at tatay na nakatitig lang sa akin habang sila'y nakain.

"Nay, aalis po ako" Ika ko sa nanay ko na nagulat sa bigla kong pagpapaalam sa kanila "may pupuntahan lang po ako."

"Okay, basta mag ingat ka ah" banggit ng aking tatay habang hindi lumilingon sakin.

"Paki kamusta mo na lang ako kay Jared" ika naman ng aking nanay ng nakangiti na parang nangaasar; naku, kung alam lang ng nanay ko na hindi ako makikipagkita kay Jared, malamang kukurutin ako nun sa singit.

Nagmamadali akong lumisan ng bahay patungo sa bangin na pinuntahan namin noon ni Prince. Sumakay ako ng bus palabas ng bayan at bumaba ng matanaw ko ang dagat sa hindi kalayuan. Naalala kong kaagad ang magandang tanawin na ito, pagkababang pagkababa ko pa lang ng bus. Sumambulat sa aking harapan ang asul na karagatan, ang berdeng mga puno't halaman, mararamdaman mo rin ang masarap na ihip ng hangin na dumadampi sa iyong balat. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad, tumakbo ako ng makita ko na malapit na ko sa bangin.

"Nakakainis ka kahit kailan!!!" sigaw ko ng marating ko ang dulo ng bangin "bakit ka nagsinungaling sakin?!"

Naramdaman kong umihip ang hangin ng mas malakas papunta saking mukha na para bang niyayakap ako nito para pakalmahin. Napaatras ako ng kaunti sa pag ihip nito at tinakpan ang aking mga mata ng aking mga braso para hindi mapuwing.

"Patay ka talaga sakin kapag nakita kita!!!" sigaw ko ng buong puso pagkatapos na pagkatapos ng pagihip ng malakas na hangin "Kung lilipat ka man ng school, wala akong paki, hindi kita mamimiss, bwisit ka ever!!!!" dagdag ko.

Napalingon ako sa aking likuran at napahinto sa pag sigaw ng makarinig ako ng tawa na umalingawngaw sa buong kapaligiran, wala akong nakitang ibang tao roon maliban sa akin kaya naman nag dulot ito ng kaba sa aking dibdib. Nagpalingon lingon ako, kaliwa, kanan, likuran pero wala akong nakita. Hindi kaya namamalik-tenga lang ako? Posible ba yun?

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon