May activity kami ngayon at siyempre kapareha ko ang hindi ko mawaring si Prince. Sobrang hirap naman kasi basahin ng tumatakbo sa isip niya.
Biology ang klase namin ngayon. Ang sabi ng guro namin obserbahan daw namin yung mga sample slides na ibibigay niya, gamit ang microscope at, pagkatapos ilalahad namin sa isang papel ang mga obserbasyon namin.
Pagkaabot samin ng guro namin ang slides agad ko itong pinasok sa microscope at sinilip. Inabot ko kay Prince and microscope para siya naman ang sumilip habang nagsusulat ako sa papel ng obserbasyon ko.
Pagkaabot sa akin ni Prince ng microscope nakita kong kinuha nito ang burner. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na sa activity namin.
Pagsilip ko sa microscope naamoy ko ang ang pagsindi ni Prince ng burner. Inangat ko ang ulo ko at tinignan kung tama ako ng hinala at, hindi nga ako nagkamali.
"Prince, please. Focus sa activity natin. Huwag mo na paglaruan iyang burner," sambit ko na pilit na sinusubukang maging mahinahon.
Pinatay nito ang burner at umupo ng ayos pero mamaya-maya kapag busy na ako at may ibang ginagawa, sinisindihan na naman niya ang burner na tila inaasar ako.
Hindi na ako nakapag timpi at sumabog, "hindi ka ba talaga titigil?"
"Bakit ba ang sungit mo, panget?" iritableng singhal sa akin ni Prince. "May buwanang-dalaw ka ba ngayon?"
Hindi na ako nakapagtimpi, "una sa lahat hindi ako panget at pangalawa, umayos ka kasi gusto kong pumasa. Kung wala kang plano magtapos, huwag mo na ako idamay." inis kong turan kay Prince.
Natigilan ito at tila napahiya sa sinabi ko.
"Okay, partner" asar niyang sambit.
May sanib ba si Prince? Hindi ko inaasahan ang reaksyon niyang iyon.
Naramdaman kong uminit ang aking mukha sa sinabi ni Prince, pero ayokong ipahalata kaya binaling ko na lang ang atensyon ko sa aking ginagawa.
Nagsulat na ako sa papel ng mga obserbasyon ko sa slides namin, habang si Prince naman may nahanap na namang ibang pagdidiskitahan.
Kinuha naman nito ang test tube rack at pinapatunog ang mga test tube gamit ang stirring rod.
Ewan ko ba dito kay Prince may sayad ata pero in fairness napangiti niya ko.
Napansin kong nakatingin samin si Red at nang mapansin nitong nakatingin ako sa kanya agad itong bumalik sa kanyang ginagawa.
Napakapogi talaga nitong si Red, kakagigil. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit doon sa partner niya.
"Partner, mag-focus ka nga diyan sa ginagawa mo at hindi yung tingin ka ng tingin sa kung saan-saan" iritableng turan ni Prince.
Buti naman at tinawag niya akong partner at hindi panget pero, ang weird sa pakiramdam. Hindi sa mas gusto kong panget ang itawag niya sakin. Nakakabigla lang.
Teka pala. Siya nga itong kung anu-ano ang ginagawa sa halip na mag-focus sa activity namin.
Laking gulat ko ng tumayo ito at lumapit sa akin. Pumunta ito sa aking likuran at hinawakan ang aking mukha ng kaniyang mga kamay at iniharap sa observation paper namin.
Kakaasar talaga itong si Prince, yung akala kong medyo naiintindihan ko na siya at natutuwa na ko sa kanya biglang ito na naman siya. Nambubuwiset.
Bumalik na si Prince sa upuan niya at sinilip na ang mga slides gamit ang microscope. Hindi ko naman maiwasang mapangiti at pinagpatuloy na ang pagsusulat sa observation paper namin.

BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Genç KurguMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...