Chapter 8: No, it's just the beginning

968 26 6
                                        

Chapter 8: No, it's just the beginning

(Si Mae po. Hihi. ------------->)

[Ernest POV]

*Boooooooooooooooooooooooogssshhhh*

Ayun na, wala na. Wala na si Isabelle. Bakit kung kailan ko natutunan magpahalaga sa babae, besides my Mom and Sister, dun pa babawiin agad sakin? Ganto talaga siguro ang buhay. Parusa siguro 'to sa lahat ng ginawa ko sa babaeng nagkakandarapa sakin. Oo, isa akong playboy, casanova at heartbreaker. Lagi kasing privilage ang pagiging hearthrob sensation actor. Dagdag points pa ang pagiging pogi ko at well toned body. Wala naman saysay ang lahat kung ang iisang babae na nagpatibok sa puso ko ng wala pa sa isang linggo ay mawawala din pala...

"Ray?" Ano daw yun? Si Mae yun ha?

Bigla akong may narinig na malakas na paghinga yung tipong matagal niyang pinigil ang paghinga at kasunod na nito ang pagiyak ng sobra. WAIT! Si Isabelle yun ah?

Nagmulat naman ako agad.

BUHAY SIYA!!!!! Salamat sa dyos! Tatakbo na sana ako ng maalala ko yung dalawang epal na nakahawak sakin. Aist.

"Mae! Anong ginagawa mo? Bat nandito si Belle? Bakit may baril ka?! Mae!" Ay sino ba 'tong lalaking 'to at mukhang natigilan bigla si Mae.

Tekaaa? Ito ata yung ex ni Isabelle at current boyfriend ni Mae.

"R-R-Raaaaaaaay." Iyak-sigaw ni Isabelle.

"Belle!" Sabay lapit niya kay Isabelle at tinanggalin ito ng tali.

"R-Ray, what are you doing? I'm doing this for our future! Get off her!" Sigaw ni Mae ngunit di siya naalis sa pagkatayo niya.

"No, Mae. This has to stop. There will be no future if you keep on doing this to Belle." Belle? At may nickname pa siya kay Isabelle. Inggit ako. =____= Ay, Ernest! Wala sa oras para magselos.

"D-D-Don't say that. P-Please stay with m-me. I-I-I promise to leave her a-alone. Just don't l-leave m-me." Mangiyak ngiyak na sabi ni Mae.

Si Mae, napakatapang niya sa ibang tao. Pero pagdating sa pag-ibig, sobrang hina niya. Sunod sunudan siya sa taong mahal niya kung ayun lang ang paraan para hindi siya iwan ng mahal niya.

Hindi ko siya ganun kakilala pero feel ko lang ha?

"Mae, you don't have to do this to have me. You just have to wait. I told you that." Mahinhin na sabi ni Ray ba yun? Kay Mae. Natanggal na niya yung tali ni Isabelle at bigla itong tumakbo sa akin at tinulungan ako.

"R-Ray, promise me you w-won't be with h-her again. P-please." Nahihirapan nang sabi ni Mae.

"Mae. I may love Belle but I can see she doesn't love me anymore." Sabay tingin niya kay Isabelle. Takte tong lalaking 'to. Siya may kasalanan kaya nandito kami.

"Mae, pauwiin na natin sila. Ang dami na naghahanap sa kanila." Niyakap niya si Mae.

"S-Sige." Huminahon na siya.

Tanga din ni Mae dito nuh? Dumating lang si Ray nauto na siya. Ang galing ng lalaking to. Buti nalang.

"Ihahatid ko na sila Mae, umuwi ka nadin Mae. Pupuntahan kita sa bahay niyo paghatid ko sakanila. Okay?"

"P-Promise?" tumingala sakanya si Mae.

"I promise."

Tumayo na si Ray at dinala kami sa van niya. May driver pa siya. Tinulungan namin si Isabelle umupo. Siya kasi dito nasaktan. Bakas na sa mukha niya ang unting pasa.

Unexpected meetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon