Chapter 11: Ako nalang kasi..

868 21 6
                                    

A/N

Pov po ni Ian ngayon. Hehehe. Batbaaa, gusto kong makilala niyo siya eh. Okay lang naman diba? Diba? Psh. Parang naman may sasagot. Fellow readers, maawa kayo sakin. Kinakausap sarili. Talk to me, lovies. :(

_______________________________________________________________________________

(Ian's POV)

Ito ako, papasok nanaman ng school. 3 days nalang graduation na namin. Tas college na, oh diba? HAHA! Gusto ko nang gumraduate eh! Ano kaya kukunin kong course? Teka, ano ba ang kay Janine? Yun nalang din ako. Tsaka kung san din siya magaaral, dun ako. ^____________^ Opo, may gusto ako sakanya. Kaso may pagka manhid ata ang babaeng yun. Kahit ilang beses ako nagpapahalata, di niya maramdaman. 

Naglalakad na ako papasok ng gate. Kami pala, ng kabal kong demonyita. 

"Hoy, Ian." Haist, si Isabella. 

"Ano nanaman, Isabella?" 

"Aawayin mo nanaman ako? Alam mo, Ian, simula nang nakilala mo yan Isabelle na yan, inaaway mo nako." Sabay pout niya na akala mo cute. Tss. 

"Hindi dahil nakilala ko siya... Kundi dahil nalaman ko kung gano kasama yang ugali mo! Tss!" Sabay lakad ko nang mas mabilis para maiwan siya. 

"Hey, I'm good kaya." Tas humabol siya sakin. 

"Sabi mo eh. Sana tanggapin ka pa sa langit." Tas iniwan ko na siya ng tuluyan. 

"E!" Ayan na ang mala anghel na boses. E tawag niya sakin short for Ian daw. Akalain mo yun? May mas short pa pala sa name ko. Hahahaha! "Hoy, E! Nagdaday dream ka nanaman dyan, oi!" 

"Maka sigaw ka naman, Janine. Masakit sa tenga, maaga pa oh." 

"Eh kasi kanina pa kita tumatawag para kang bingi. Hahahaha!" Tas tumawa siya ng malakas. Pati pagtawa, parang anghel padin.

"Oi, magtigil na kayo at pumasok na tayo." Si Nics, nag babaeng ala teacher. 

"Oo nga eh, si Janine kasi dumadaldal pa. Hahaha!" 

"Edi patanggal mo tenga mo para di mo marinig boses ko." Sabi niya habang kumukuha ng libro sa locker niya. 

"Ay ayoko naman nun! Eh parang di nga ako mabubuhay ng isang araw ng di naririnig yung boses mo na parang pang anghel." Bumanat nanaman ako. Pustahan tayo di niya papansinin oh?

"Psh." Gandang sagot! Kung di ko lang to mahal eh. 

"Taray mo talaga Janine." Sabi ko. 

"Addict." 

"Sayo." Banat nanaman! HAHAHAHA! 

"Tara na nga!" Sabay alis niya. 

Sumunod nalang kami ni Nics. 

"Hoy, Ian. Ako'y nakakahalata na ha." Sabi bigla ni Nics. 

"OI! Nandyan ka pala! Shit, di kita napansin. Hahaha!" 

"Gaga ka! Ang sama ng ugali mo." Sagot naman niya.

Alam ko naman talagang nandyan siya. Pampa change topic lang naman. Tagal na niya sinasabi sakin at lagi naman siya nawawala sa topic. Madali magchange topic sakanya eh. Hahahaha! 

Pumasok na kami sa klase kahit wala naman talagang ginagawa. Kulitin ko nalang kaya si Janine? 

"Janine?" Sabay lapit ng upuan ko sakanya. Ito naman siya, nagtetext. 

"Oh?" Sagot niya ng di manlang tumitingin sa gwapo kong mukha. 

"Sino katext mo?" Sabay silip pa sa cellphone niya. 

Unexpected meetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon