Chapter 18

721 27 3
                                    

[Ernest's POV]

GRABE! Anong gagawin ko?! Kinakabahan naman ako! Mukhang galit daddy niya eh!! Daddy's girl kaya siya? Kasi pagdaddy's girl daw, makikita ko nalang may dalang machine gun Daddy niya! GRABE! SANA HINDI NAMAN! Aiiiiiiiiiiist. Kinakabahan talaga ako.

Ngayon lang ako naganto. Never pako napakilala ng kahit sino sa parents nila! Except sa best friends ko ha?! Aissst. Grabe. 

Okay, relax lang Ernest. Relax. Relax. Woooooooooooh. Relax. Shit, mukha akong timang. -___-

Nakapasok nadin kami sa bahay nila at pinaupo nila ako sa sofa nila. 

"Hon, did you call Isa-- Oh! You have a visitor." Sabi nungg... Mommy siguro niya. Nakatingin lang siya sakin. Tas tiningnan ako mula ulo hanggang paa! Grabe! Nakakaconcious. Tas nginitian niya ko. 

"Good evening po." Bati ko. Tas nginitian ko din siya. Good sign ata yung ngiti eh? Kasi parang totoo ngiti niya. Yung parang Oh-ang-gwapo-naman-ng-napili-ng-anak-ko look. 

"Good evening. Hon, is he your visitor?" Tanong niya dun sa Daddy ni Isa. 

"Nope. It's our daughter's." Tas mas lumaki ang ngiti ng mommy niya. Yung parang tuwang tuwa siya na may lalaki na dinala si Isabelle. Pero di naman niya ako dinala eh, napilitan lang kami pumasok. -___-

"Ernest po, auntie." Pagpapakilala ko. Tumayo pa nga ako eh. Pero nakilala ko na siya kaning umaga sa phone eh. 

"Oh, hi! We've talked earlier this morning, right? I'm Lynn. Isa's mom. Call me mommy, instead." Sabi pa niya na tinataas baba ang kilay na parang nangaasar. 

"Mommy!" "Hon!" Saway sakanya ni Isabelle at nung Daddy niya. 

"I'm just kidding." Tas tumawa siya ng sobrang feminine. Tas pumasok uli siya kung san siya galing. 

"Mommy mo talaga oh." Reklamo ng Daddy ni Isabelle kay Isabelle. 

"Di ka pa nasanay." Sabi ni Isa. 

Tumingin naman si Isa sakin.. 

"So, ano meron?" Tanong niya sabay tingin sa Daddy niya. 

"Wala, usap lang. Sige, akyat kana." Parang wala lang na sagot ng daddy niya. 

"Bawal bako dito?" Sabi niya sabay pout. ANG CUTE NIYA. O______O 

Okay, napakabakla mo Ernest. 

"Bawal." Simpleng sagot ng daddy niya. Kinakabahan ako dito oh. 

"Anooooo? Bat naman? Ha? Paps naman eh." Parang bata na reklamo ni Isabelle. Ang cute talaga. Psh. Para na talaga akong bakla. -__-

"Basta, man to man talk to. Diba?" Sabay tingin sakin ng Daddy niya tas binigyan ako ng look na Subukan-mo-tumanggi look

"Oo nga, alis na Isabelle. Matulog ka nalang." Sabi ko kahit ayaw ko. Wala ako magawa eh!

"Aist! Pagtulungan bako! Fine! Fine! I don't care anyways." Sabay damog niya paakyat ng hagdan. 

SILENCE. 

KRU KRU.

PUTCHA! Kinakabahan ako!! -____- X____X 

"So, Ernest, right?" Takte! Wooooh, relaxxxx. 

"O-Opo." ERNEST! Umayos ka nga sa pagsasalita! Baka isipin ng daddy ni Isabelle na weak ka. -_____-

"Ah, Daddy nga pala ako ni Isabelle." 

"Hello po." Eh ano ba dapat sabihin ko? -____-

"Una, may tanong ako." AYAN NA ANG QUESTION AND ANSWER PORTION! -___- 

Unexpected meetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon