Chapter 10
Ilang araw na rin nakalipas. 3 ata? Pero ganun padin nararamdaman ko. Masakit padin para sakin. Mahirap... Araw araw ko kasi siya napapaginipan eh. At ano ba! Punong puno yung kwarto ko ng litrato nang unggoy na yun.
"Isa." May yumuyugyog sakin.. Malamang si Nics. Hay, araw araw naman eh. Di ko nalang papansinin, baka umalis din siya.. Kagaya ng mga nakaraang araw. "Isa." Bumuntong hiningi pa siya. Hay, Nics.
"Nics, umalis ka nalang." Mahinhin kong sabi. Bumuntong hininga nanaman siya.
"Isa, hindi kita iiwan dito. Papasok na tayo, wag na matigas ang ulo."
"Nics, ayoko pumasok." Nakatago padin ako sa kumot ko.
Umupo siya sa kama ko. "Isa, hindi. Papasok ka."
"Ayoko."
"Hay nako naman Isa! Ang tigas tigas ng ulo mo! Bumangon ka nga!" Nagulat ako. Ngayon lang niya ako tinaasan ng boses. "Isa, 2 araw ka nang hindi pumapasok! Maawa ka naman sa sarili mo oh. Tinatapon mo lahat ng to para lang kay Ernest!" Tumayo siya bigla at hinila yung kumot ko.
"Nics naman." Sabay upo ko. Ayoko kasi harapin siya. Namamaga pa mata ko noh. May drama session kaya ako tuwing gabi.
"ISABELLE HINDI! MAKIKINIG KA SAKIN!! HINDI KA BA NAAAWA SA SARILI MO? EH SAMIN, ISABELLE? KELA TITA'T TITO? SAKIN, ISABELLE? HINDI BA?! ISABELLE, NAKAKAPAGOD DIN NA ARAW ARAW AKO PUMUPUNTA DITO PARA TANGGIGAN MO!! BES, LALAKI LANG YAN. NAWALA SAYO ANG KAHIT KAILAN AY DI NAMAN NAGING IYO!" Napatigil ako sa sinabi niya. Totoo naman, hindi naman talaga naging akin si Ernest para mawala sakin. "Bes, hihintayin mo pa ba na mawala kami sayo para bumangon ka dyan at ipagpatuloy ang buhay mo?" Nagulat ako ng nakita siyang umiiyak na. Shiz, nasasaktan ko na sila. Nasasaktan ko na sila sa kababawan ko. Tama naman siya eh. Tama siya. Hindi ko dapat ginagawa 'to sa buhay ko.
Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya..
"Bes, I-I'm sorry. I'm so sorry!" Iyak nadin ako ng iyak. Pareho kaming umiiyak na nakayakap sa isa't isa. "Bes, pagod na ako. Ayoko na umiyak, Nics. Nagpakatanga kasi ako eh. Umasa ako sakanya. Naniwala ako sa pangako niya." Hinihimas himas lang niya ang likod ko.
"Osha! Tara, magshopping nalang tayo! Para mawala naman sa utak mo yung ugok na yun!" Masigla niyang sabi sabay tayo.
"Shopping? Eh diba, may pasok?"
"Oo nga, bakit? Feel mo ba gumora sa school na namamaga ang mga mata? Di ko feel noooh!" Hawak sa bewang pa ang drama niya.
"Oo nga, sorry ha? Tao lang!" Sabay tawa kaming dalawa.
"Oh bes, diba mas masarap ang tumawa kesa umiyak? Atsaka, mas bagay sayo tumawa! Pagumiiyak ka kamukha mo si Shrek!" Tas tumawa siya ng malakas.
"Manginsulto ka pa, Nics." Tumayo nadin ako at pumunta na ng CR.
"Sorry, Bes. Gora na! Hintayin kita sa baba, nagluto si Tita eh."
Lumabas na siya ng kwarto at nagayos na ako. Nagwhite loose shirt lang ako, pants at yung parang jacket na green. (A/N: Ayun po oooooooooh! Check niyo nalang po yung picture niya. ----->)
"Oh, Bes! Kain muna tayo! Sarap ng luto ni Tita eh." Nagsalita naman ang moko ng to na may laman ang bibig.
"Hoy, Nics! Don't talk when your mouth is full! Gaga ka talaga." Sinasadya niya kasi eh, alam niyang ayoko ng ganun.
"Oh, Baby! Thank God you went out your room now." Sabay hug pa niya sa kin.
"M-o-mmy! Hi-nd-i a-ko maka-hi-nga."
"What, Baby? I can't understand your language."
"Mo-mmy, I ca-nt bre-athe." Ayaw ng tagalog eh, arte talaga ng mommy ko.
"Oh, I'm sorry, my dear." Tas ngiti siya na parang inosente.
Si Nics naman halatang nagpipigil ng tawa.
"Haynako, Nics! Tara na." Hinila kona siya bago pa ako pagalitan ni Mommy.
Nakalipas nadin ang walong buwan. Hindi na nga nagpakita sakin si Ernest. Wala na talaga siguro, move on nalang ako. Hehe! Wala naman mararating sa buhay kung maghihintay ako sa wala. Pero hindi ko naman makakaila na, mahal ko padin siya. Tss, dalawang buwan na oh, bagal ko magmove on. Pero atleast hindi na ako umiiyak, diba? Okay na siguro ng ganto. Magliwaliw nalang para makalimot.
Nasa school nako, pumasok nako the day after namin magshopping ni Nics. Ang saya nga eh, kahit unti nakalimutan ko katangahan ko. Oh well, papel. Nung gabi naman, emo nanaman ako. Pero di nako umiyak, nuuuuuks. Batbaaa, achievement yun eh!
"Hoy, Isabelle Janine Marquez!" Sigaw ni Nics.
"Ano ba? Ang sakit naman sa tenga."
"Anong ano ba?! Loko ka! Kanina pako daldal ng daldal dito tapos wala palang nakikinig sakin. Nakakahiya yun noh!"
"Ay sorry naman. Hahahahaha! Ang aga aga kasi dumadada ka na dyan eh." Tumawa pako ng mas malakas.
"Tumawa ka pa!"
"Hahahaha! Sabi mo eh. Hahahaha!"
"Tumigil ka na Isabelle." Ay patay, pagbuong first name gamit niya naiirita na siya eh.
"Opo, titigil na. Hehe."
"Tara na nga, malate pa tayo."
"Hooooy! Janine! Nics!" May nagsalita na lalaki. Malalim ang boses. Ay oo, kilala ko 'to.. Si IAN.
Ay oo nga pala, last 5 months May naka away ako. Mala Mae siya eh, sasampalin sana ako eh. Dumating bigla si Ian.. Kapatid pala niya yun. Kakambal pero di naman magkamukha at lalo nang magkaugali. Kaya hindi namin inakala na magkakambal sila. Pangalan pala nun ay, Isabella, oh diba? Isang letra lang pinagkaiba. Pero syempre sa ganda laki ng pinagkaiba. Chos! Hahahaha!
Simula nun, naging bestfriend ko na din si Ian. Syempre pati si Nics, bestfriend nadin sila.
Si Ian? Matangkad, kasing tangkad nung mokong nagpa asa sakin. Tapos, gwapo. Brown yung buhok, tas laging nakaspike. Kung hindi lang siguro ako inlove ngayon kay Ernest, maiinlove ako dito.
"Anoba Ian! Isabelle kasi." 5 months na kami nagaaway sa tawag niya sakin, Janine kasi tawag niya sakin.. Ayaw niya ng Isa/Isabelle kasi halos parang kapatid daw niya.
"Ayoko nga! Ano? Tara na? Malalate tayo eh." Sabay akbay niya sakin at naglead ng paglakad.
"Bat ako walang akbay? Siya nalang ba best friend mo?! Ha!?" Sigaw ni Nics.
"Nics naman! NakaMic ka nanaman." Sabay akbay din niya kay Nics.
"Alam mo Ian, mukha kang pilay na inaakayan namin."
"Or, lalaking may dalawang chicks." Tinanggal ko agad yung akbay niya.
"User friendly ka pala, Ian?" Sabay hawak sa bewang ko at harap sakanya.
"Bat naman?"
"USER ka, loko!"
"Aray, hindi ha." Sabay pout pa niya.
"Tara na nga! Magaaway nanaman kayo eh." Sabay hila samin ni Nics.
--------------------------------------------------------------
A/N:
Napatagal po yung UD, sorry. Hehe. Syempre bago po magsulat, dapat inspired. Hoho! :)
Ayun, introduction lang po ni Ian. Ano kaya role niya sa buhay ni Isa/Janine?
Magshare po ako ng picture ni Ian sa next UD. Tas grad na nila. Yeeeeeeeees.

BINABASA MO ANG
Unexpected meeting
FanfictionBoring po siya sa simula cause starter palang ako kaso sabi naman nila, nagimprove. Please give it a shot. *U* Prologue: Lahat naman tayo may crush na artista. Minsan nga lang, feeling natin hindi lang crush. Buong magdamag siya iniisip at kung ga...