Chapter 5: Bonding in a wrong moment
(A/N: Si Isabelle po oh -------->)
[Isa's POV]
Pinasok na kami ni Manuel sa isang kwarto. May dalawa itong kama. At isang banyo.
"Dito muna kayo hanggang dumating na si Mam. Wag kayo magsaya, matatapos din buhay niyo." Aray ha? Kuya ang sama.
Lumabas na ito at rinig na rinig ko ang pagpadlock sa kwarto namin. Oo, namin. Ni Ernest! Yung lalaking pinakamamahal ko. Pero di ko alam kung magsasaya talaga ako.
Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa bintanang salamin na halatang makapal at soundproof. Yung liwanag ng buwan ang nagpapailaw sa mukha niya. Ang gwapo niya, mas gwapo siya sa personal. Parang napansin niya atang naka tingin ako sakanya kaya't tumingin siya sakin.
"Isabelle, right?" Tanong niya. Di ako makapaniwala na ako ang kausap niya.
"A-A-Ah, o-o-oo." Hala ka. Kinakatog ako. Kinakabahan akong kausap ko si Ernest.
"Ah, ako nga pala si Ernest." Sabay tingin niya uli sa labas.
"Alam ko." Tas nagsimula nakong naglakad sa banyo. Binuksan ko ang ilaw at gumalantang sakin ang namumula kong mukha. Tsaka ko naramdaman yung sakit ng napaka raming sampal sakin ni Mae.
Hiniwakan ko ang mukha ko at mas lalong humapdi.
"Aray." Pabulong kong sabi.
"Masakit ba?" Napaka sweet ng boses niya. Di talaga ako makapaniwala.
Humarap ako bigla sakanya.
"H-Hindi." Sabay iling.
"Wag kang magkunwari. Kung masakit, sabihin mo. Wag ka mahiya." Sabi niya at mukhang nagaalala talaga siya.
"H-Hindi ka dapat nagaalala sakin. D-D-Dapat magalit ka. Ako ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon." Yumuko ako agad at di na tumingin sakanya. Bumuntong hiningi siya.
"Hindi, wag mo sisihin sarili mo. Si Mae ang may kasalanan nito. Hindi ikaw." Sabi niya at umupo siya sa kama niya. Nakatitig siya sakin at ramdam ko yun miski di ako nakatingin sakanya.
"Magalit ka sakin, please. Para di ako nakokonsensya. Dahil sakin pwedeng mawala ang buhay mo." Sabi ko sakanya at tumingin ako sakanya.
Nakakabaliw mga mata niya. Parang ang sarap titigan ng buong araw at di ka magsasawa agad.
"Hindi. Wala kang kasalanan. Di mawawala buhay ko, di mo naman ako papatayin. Diba?" Ayan na ang kinakatakot ko. Di ko din kasi kaya iwan sila Mommy't Daddy. Baka mamatay sa Nyerbyos si Mommy. Hindi pwede.
Di nalang ako sumagot at naghilamos ako.
"Shizzz, ang sakit." Pabulong ko uli sinabi. Ang sakit talaga ng sampal ni Mae. Ang dami kasi eh. Sunod sunod pa.
Pumunta na ako sa higaan ko at umupo. Di ko na kaya 'to. Dahil sa isang nakaraan, nangyayari sakin 'to. Nadamay pa ang isang inosenteng nilalang. Umiyak nalang ako ng tahimik. Baka magising pa si Ernest. Nagtalukbong ako at humarap sa pader.
Nagulat ako ng may humawak sa braso ko.
"Shhhh, okay lang yan. Matatapos din ang lahat ng ito, Isabelle. Kaya natin 'to." Hinahaplos haplos niya ang braso ko. Bakit napaka kalma niya? Mamamatay na kami, ang kalma niya.
"S-S-Salamat." Sinabi kong habang humihikbi.
Di ko namalayan nakatulog nako.
Nagising ako ng biglang may pumasok ng kwarto. Umupo agad ako.
BINABASA MO ANG
Unexpected meeting
Hayran KurguBoring po siya sa simula cause starter palang ako kaso sabi naman nila, nagimprove. Please give it a shot. *U* Prologue: Lahat naman tayo may crush na artista. Minsan nga lang, feeling natin hindi lang crush. Buong magdamag siya iniisip at kung ga...