It's been a year since we've started dating.
At bongga! Ayaw na akong pagtrabahuhin ni Ernest. Gusto akong gawing house wife daw in the future. >.> At alam niyo ba? Lagi nageenglish yun. Nakasanayan daw niya dahil sa work niya. Nosebleed. Iniisip ko nga kung mag-oo ako if ever magpropose siya. IF EVER. Oo, tama kayo, hindi pa nagpropropose ang mokong. Wala atang balak? Tss.
Nandito ako ngayon sa van nila. Pupunta daw kami sa beach kasama si Aaron at Nics. Busy pa naman ako.. Joke. Hindi ako busy. Pano ako magiging busy kung sakin naman ung shop na yun? Binilhan kasi ako ng shop nila mommy. Bakery. Oo, marunong ako magbake. >.< Wag kayo.
"Beb, okay ka lang jan?" Hinawakan niya ung kamay ko pero ung isang kamay niya nasa steering wheel parin syempre. Si Ernest kasi nagdridrive. Ayaw kasi ni Aaron, gusto ata makipaglambingan kay Nics. Which is totoo, nandun sila sa backseat.
"Oo, pero ang sakit na ng pwet ko beb. Malayo pa ba tayo?"
Tumawa naman siya. Eh sa totoo naman, kanina pa ako nakaupo dito. Gusto ko na tumalon sa labas. Ang sakit na ng pwet ko. T.T
"Oo, 20-30 minutes nalang, beb."
Syempre naghintay nalang ako. Wala akong choice eh. XD
"Ang ganda naman dito!!" Sigaw agad ni Nics pagdating namin sa beach. Ang ganda nga. *O* "Chard, paki baba nalang bag ko, ah?"
Tingnan mo 'to. Alilain ba naman ang boyfriend. Timang naman yung isa, sumunod. XD
"Beb, room 102 ka, si Nics 103." Eh?
"Bat kailangan pa magkahiwalay?" Ngumit siya ng nakakaloko.
"Beb, alam mo naman bawal pa tayo magtabi sa higaan. Lalaki lang ako -- ARAY NAMAN BEB!"
Pano ba naman kasi, binatukan ko nga ng napalakas. Hindi naman yun ibig sabihin ko. Utak nitong lalaking 'to!
"Bahala ka nga dyan!" Hinatak ko ung maleta ko pero kinuha din niya. "Ano baaa~"
"Beb naman, masyado ka. Joke lang naman yun." Nagpout ako sakanya tas tumawa siya. "Kiss nalang." Bigla siyang naglean in at kiniss ako sa lips. Namula naman ako agad. Tss. Kahit ba ang tagal na namin, ang dali ko parin kiligin.
"Tara na nga, mamaya ma addict ka nanaman." Minsan kasi, hindi niya tinigilan lips ko. >.< Hindi sa nagrereklamo ah. >.> Pero kahit na. XD
Kinuha na niya ung maleta ko at nilagay sa kwarto ko. Nakita ko naman na ganun din ginagawa ni Aaron.
Ng maayos na namin, humiga muna ako. Umupo naman siya sa kama..
Gusto ko sana itanong kung may plano pa siya ikasal sakin. Kaso nahihiya ako! Pwede bang babae nagtatanong nun? Baka sabihin niya gustong gusto ko na siya itali... Well, totoo naman. Masyado nang maraming malalandi sa panahon ngayon. Baka maagaw pa siya sakin.
"Beb."
"Oh? ---- Ay teka, may kumakatok." Bwiset. >.< Wrong timing naman. May pumasok na maid tas naglagay ng juice sa side table. Ay nako ate, kung alam mo lang kung gano kita kagusto sakalin ngayon. "Beb, labas muna ako ah? Inumin mo yang juice para di ka ma-dehydrate."
"Pero beb--"
"Bye." Tas lumabas siya. Kung hindi naman siya bastos eh nuh? Di bale, pwede ko naman itanong mamaya.
Kinuha ko nalang ung juice at ininom ito. Hayyy.
Maya maya pa inaantok ako. Bat ganun? halos tulog naman ako nung byahe. Oh well, gigisingin naman ako ni Ernest if ever.
BINABASA MO ANG
Unexpected meeting
FanficBoring po siya sa simula cause starter palang ako kaso sabi naman nila, nagimprove. Please give it a shot. *U* Prologue: Lahat naman tayo may crush na artista. Minsan nga lang, feeling natin hindi lang crush. Buong magdamag siya iniisip at kung ga...