CHAPTER 2

163 6 0
                                    

Chapter 2

Alas'POV

"Sino ka ba? Ano ka?"

"Akala ko ba isa lang? Bakit dalawa ang itinatanong mo?"

"Sagutin mo nalang." Tss.. kung makapag-utos akala mo naman kung sino.

"Sige sasagutin ko ang tanong mo. Pero mauna ka, yan din naman ang itatanong ko sayo eh."

"Eh? Ang daya naman. Ako ang nauna kaya ako muna ang sagutin mo." sinamaan ko sya ng tingin.

"Tsk, kung ayaw mong sagutin.. aalis nalang ako." aalis na sana sya nang hawakan ko ang kamay nya.

Tumalsik kami mula sa isa't-isa, ano yun?

(A/N: La Luna Sangre talaga ang trip ko eh HAHAHAHA.)

Pwersa.

Isang napakalakas na pwersa.

Napatitig ako sa kamay ko at laking gulat ko nang makitang may naka-ukit sa palad ko.

Ang sagradong armas ko at isang trautus word.

Isang salitang nangangahulugang.. Digmaan.

Tumayo ako at ginamit ang kakayahan kong pabilisin ang sarili ko.

Tinignan ko ang palad nya. At ibang trautus word naman ang nabasa ko mula rito.

Pulang buwan.

Isang digmaan sa ilalim ng pulang buwan?

Nanlaki ang mata ko nang may pumasok sa isipan ko.

Ang lunar eclipse.

Binitawan ko ang kamay nya at tinitigan ko sya ng diretso sa mga mata nya.

"Sino ka? Sabihin mo sakin... SINO KA?"

Napansin ko ang paglunok nya ng laway.

"Ako si Dos Amantes, i-isang zemaorus."

Tama nga ako.. katulad ko nga sya.

Tumayo ako at naglahad ng kamay, hindi nya ito tinanggap at tumayo sya ng kanya.

"Mabuti pang huwag na tayong maghawak ng kamay baka.. tumalsik ulit tayo." sabi nya.

"Bakit ka nandito? Anong kasalanan mo at pinatalsik ka sa mundo natin?" tanong ko.

"Mundo natin? Isa ka ding zemaorus?"

"Bakit parang gulat na gulat ka? Magagawa ko bang tumakbo papunta sayo ng ganon kabilis kung tao lang ako?" napangiwi sya.

"S-sabagay.."

"Kilala mo ba ang prinsesa?" tanong ko sa kanya at napakunot-noo sya.

"Oo. Sino ba namang hindi makakakilala sa prinsesang pinatalsik sa mundo natin nang dahil sa pag-iibigan nila ng prinsipe ng mga Demautus--" biglang nanlaki ang mata nya at napa-smirk naman ako.

"Tama ang iniisip mo, ako ang prinsesang umibig kay Prinsipe Evione."

"Alam mo ang kasalanan ko kaya napatalsik ako sa mundo natin. Eh ikaw? Ano bang nagawa mo para mapunta dito?" tanong ko at napa-iwas sya ng tingin.

"Pumatay ako." hindi ako nagulat sa sinabi nya, karaniwan na ang pagpatay ngayon sa mundo namin pero karamihan sa kanila ay nagpapakamatay nalang kesa sa mapatalsik.

"Sinong pinatay mo?"

"Ang babaeng mahal ko."

"Bakit mo sya pinatay kung mahal mo sya?" like duh, napakalaking katangahan naman non.

Alas ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon