Chapter 15
Alas'POV
Napaatras ako sa sobrang takot.
H-hindi ako pwedeng magkamali, sya ang lalakeng kinatatakutan ko.
Nilapitan nya ako at hinawakan sa leeg. "D-dos." inangat ako nito.
FUCK! Hindi ako makahinga!
"Alam mong hindi ako si Dos mahal na prinsesa, kaya wag mo akong tawagin sa pangalang yan." ano bang pinagsasasabi nya?!
"Ace!" napatingin ako sa babaeng tarantang nagbukas ng pinto.
"A-aya."
I can't handle this anymor-- BLACKOUT.
Third Person's POV
"Bitawan mo si Ace, Tres!" sigaw ni Aya.
Binitawan ng lalakeng tinatawag ni Aya na Tres si Alas at nilapitan nito si Aya.
"Pinsan ko.. d ba't sinabi ko naman sayo? Wag kang makikialam sakin kung ayaw mong masaktan." sabi ni Tres habang titig na titig sa mga mata ni Aya.
Pumikit si Aya at nang imulat nya ang kanyang mga mata ay kulay lila na ang mga ito. "Sinabi rin namin sayo ni Dos, wag mong gagalawin si Ace." pinalabas ni Aya ang kanyang sagradong armas at sinaksak si Tres.
Mali, it was just an illusion.
"Dahil lang sa babaeng yan gusto mo na akong patayin? Ang lakas talaga ng loob mo porket lumabas na ang kapangyarihan mo!" napayukom ng kamao si Tres.
Ikinumpas ni Tres ang kanyang palad kay Aya.
Napahawak si Aya sa leeg nya na para bang may sumasakal dito at hindi sya makahinga. "T-tres.. wag mong gawin to. H-hindi pa h-huli ang l-lahat."
"Hindi pa huli? Sa tingin mo titigil pa ako sa kabila ng daan-daang mga mortal na napatay ko?! Hindi, Aya! Hinding-hindi ako magbabago!" malalagutan na sana ng hininga si Aya kaso biglang nakaramdam ng sakit si Tres mula sa kanyang dibdib.
Napaluhod ito sa sobrang sakit. "Fuck you, Dos! Wag kanang makialam pa!" sigaw ni Tres.
Habang naghihirap si Tres ay kinuha na ni Aya ang oportunidad na makatakas silang dalawa ni Ace.
"Aya! Pagbabayaran mo to--" hindi na natuloy pa ni Tres ang pag-sigaw nang mawalan sya ng malay.
Dos'POV
Nasa kawalan ako kung saan wala kang makikita.
Si Tres ay ang soul brother ko, mahirap ipaliwanag at intindihin pero oo, iisa lang ang katawan na ginagamit namin.
Kung titignan sa labas, dalawa ang pagkatao ng katawang ginagamit namin.
Minsan bilang ako.. si Dos Amantes at minsan naman bilang ang kapatid ko.. si Tres Amantes.
Nalaman ko ang tungkol kay Tres dahil madalas manikip ang dibdib ko at mawalan ng malay, minsan nagigising nalang ako sa isang lugar na hindi ko malaman kung saang parte iyon ng mundo.
Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari pero siguro dahil sa pinaghalong dugo ko.
Isa akong zemaorus pero.. isa rin akong demautus.
Nagawa kong maging isang mabuting nilalang sa kabila non pero si Tres?
Lumaki syang may hinanakit at galit sa lahat, lalong-lalo na sakin. Masmadalas kasing ako ang nakakagamit sa katawang pinagsasaluhan namin at dahil don, ako yung masnakaramdam ng pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...