Chapter 10
Alas'POV
Habang nagkakasiyahan ang mga zemaorus na nasa paligid namin ni Aya ay biglang nagpatugtog ang mga palace musical instrumentalist ng isang romantikong kanta.
Nagkayayaan ang mga zemaorus na sumayaw sa dance floor at nabalot ng pagmamahalan ang buong palasyo.
Tsk, walang forever, maghihiwalay din kayo! Hmp.
"Magandang binibini, maari ba kitang isayaw?" nakalahad ang kamay nung lalakeng zemaorus nang yayain nya si Aya. Lakas talaga makapang-hatak ng hottie tong si Aya, mukhang maiiwan akong mag-isa dito ah.
Napatingin sakin si Aya at nginitian ko sya. Tinanggap ni Aya ang kamay nung lalake at pumunta na sila sa gitna upang sumayaw katulad ng iba.
Napabuntong-hininga ako, gusto ko mang magsaya katulad ni Aya ay hindi ko magawa dahil sa kaba ko, ano kayang magiging reaksyon ni Ama? D kaya magalit sya sakin?
"Miss." Shit! Halos mapatalon ako dahil sa isang lalakeng nakamaskara.
Miss? English word yun d ba?
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Base sa pananamit nya, mukhang galing sya sa isang mayaman na pamilya.
Pero.. bakit hindi ko sya kilala?
Okay, tago man lagi ako sa kaharian namin ay kilala ko parin naman lahat ng mayayaman dito sa kaharian namin so.. bakit hindi ko sya makilala? Hmm.. dayo ba sya?
Fuck! Hindi kaya isa syang demautus?!
"Miss?" ay tanga, nakalimutan kong kinakausap nya nga pala ako.
"A-ano yun?" nginitian ako nito.
Parang nakita ko na ang ngiti nya teka..
"Dos, ikaw ba yan?" tanong ko sa kanya.
Napahawak ito sa batok nya na para bang napahiya sya. "Ano ba naman yan mahal na prinsesa, nagpakahirap pa naman akong maging informal sa pakikipag-usap sayo tapos makikilala mo rin naman pala ako." napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi nya.
"Sa susunod kasi wag kang ngumiti, kilalang-kilala ko na yang ngiti mo hahaha." sya lang naman kasi yung lalakeng may ngiti na hindi ko maintindihan.
Yung ang cute tignan pero ang lakas makapang-akit na para bang gusto kong halik-- shit! WTF am I saying?
"So.. can I be your first dance, princess?"
*heart beats faster*
Ito ang unang beses na may tumawag sakin na princess, lahat kasi sila ay mahal na prinsesa ang tawag sakin.
Akala ko ay normal lang sa pakiramdam kung tatawagin man nila akong 'princess' dahil parang english form lang naman iyon ng 'mahal na prinsesa' pero.. bakit biglang tumibok ng mabilis ang puso ko nang tawagin ako ni Dos ng princess? Ano ba talagang meron kay Dos na wala sa ibang lalake?
"Uhmm.. h-hindi naman kita pinipilit mahal na prinsesa kaya kung ayaw mo ay okay lang naman saki--"
"Sige, Dos.." ngumiti ako. "Isayaw mo ako, aking prinsipe." automatikong may gumuhit na isang matamis na ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinawag ko syang 'aking prinsipe' but duh who cares?
Naglahad sya ng kamay at agad ko naman itong tinanggap.
Pumwesto kami sa pinakagitnang parte ng dance floor, ipinatong ni Dos ang dalawa kong kamay sa kanyang balikat at inilagay nya naman ang kanyang mga kamay sa magkabila kong bewang.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagsayaw sakin pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ito ang unang beses na naisayaw ako ng isang lalake.
Siguro dahil kakaiba si Dos sa lahat.
"Mahal na prinsesa.. hinawakan ko ang kamay mo kanina pero hindi tayo tumalsik, bakit kaya?" Hala! Oo nga no?
"Hindi ko rin alam eh, siguro sineswerte lang tayo ngayong araw na to tutal birthday ko naman." napangiti ito, geez.. napakacute ng ngiti nyang yon!
"Sana ganito nalang lagi.. para lagi kitang nahahawakan sa kamay at.. naisasayaw."
*heartbeat*
"Sana ng--"
"Wag na wag kana ulit makikialam sa aming mga demautus, mahal na prinsesa."
Napabitaw ako kay Dos nang maalala ko na naman ang lalakeng yon.
"May problema ba mahal na prinsesa?" napalunok ako ng laway habang nakatingin sa mga mata ni Dos.
"M-magbabanyo lang ako, n-najejebs ata a-ako." nakita ko ang pagtataka ni Dos pero hindi ko ito pinansin at iniwan syang mag-isa sa gitna ng dance floor.
Pumunta ako sa banyo ng palasyo at oo may banyo dito, ang laki pa nga eh malaki pa sa boobs mo but fuck! Hindi na mahalaga kung gaano kalaki tong comfort room ng palasyo at yang dibdib mo!
Ang mahalaga ay ang mapakalma ko ang sarili ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Bakit ba kasi naaalala ko ang lalakeng yon kay Dos?!
Alam kong imposibleng iisa sila dahil isang zemaorus si Dos at ang lalakeng yon naman ay isang demautus!
Hindi ko na napigilan pang hindi umiyak dahil sa halo-halong nararamdaman ko. Fuck this tears!
Just how can I doubt Dos?!
Sa ngiti nyang yon.. paano ko nagagawang isipin na baka isa syang traydor when the truth is I'm the real traitor here?
Dos treats me like a princess better than anyone in this world.. pero ako?
I'm doubting him.
Ako na siguro ang pinaka-masamang kaibigan sa buong mundo.
I'm betraying my friend by doubting him and now.. I don't think Dos deserve a traitor friend like me.
*bomb exploded*
Napalingon ako sa pinto palabas ng CR nang marinig ko ang isang matinding pag-sabog.
Agad akong napatakbo palabas ng CR at nadatnan ko ang ilan sa mga zemaorus na sugatan at mga walang malay.
Nababalot ng usok ang pinagmulan ng pagsabog, ang dance floor.
Shit! Si Aya at Dos!
"A-ace.." napatakbo ako kay Aya na nakahandusay sa sahig at sugatan.
"A-aya."
"A-ace umalis kana.. i-ikaw ang pakay nya." napatingin ako sa lalakeng palapit samin ni Aya.
"Evione."
"Mahal ko."
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasía[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...