S-CHAPTER 4

165 6 2
                                    

Special Chapter 4

Third Person's POV

"So ano bang ginagawa natin dito sa labas ng ganitong oras?" tanong ni Alas, hatinggabi na kasi pero nasa labas parin sila ng bahay.

"Let's play." nakangiting sabi ni Alice at sinamaan sya ng tingin ni Alas.

"Anong laro?" tanong naman ni Tres.

"Habul-habulan." ngiting-ngiti na sagot ni Aya pero nang marinig iyon ni Tres ay agad itong naglakad papasok sa bahay.

Akmang susunod na si Alas kay Tres nang magsalita si Alice. "Hindi ka rin sasali Alas?" tanong ni Alice.

Napalingon si Alas. "Hindi." sagot nito at pumasok na sa loob ng bahay.

"Paano yan, Alice? Hindi tayo tagumpay sa plano, basag trip yung dalawa." sabi ni Aya.

Nag-smirk si Alice. "Una palang Aya, hindi naman talaga yun ang plano ko. I know they hate childish games kaya.. ibang laro ang lalaruin natin." napakunot-noo sina Aya, Evione at Dos.

Nag-snap si Alice ng kanyang daliri at sa isang iglap ay patay na ang lahat ng ilaw sa buong beach resort.

Hinagisan ni Alice ang tatlo ng mga jacket at mask. "What is this for?" tanong ni Evione.

Nag-smirk si Alice at nagets ng tatlo ang ibigsabihin nito.

Isinuot nilang apat ang mga jacket at mask. Sabay-sabay nilang dinama ang kanilang mga kapangyarihan hanggang sa magbago ang kulay ng kanilang mga mata.

Ash gray kay Evione, purple kay Aya, red kay Dos at green naman kay Alice.

"It's time to play.. the real game." sabi ni Alice at tumalon papunta sa balcony ng kwarto nila Alas at Tres.

Alas'POV

Napabangon ako mula sa aking kama nang may maramdaman akong kakaiba.

"Tres.. nararamdaman mo rin ba?" tanong ko nang bumangon rin si Tres.

"Oo."

Dahan-dahan akong lumapit sa glass wall papunta sa balcony.

Nang makarating sa balcony ay may biglang humila sakin at tinutukan ako ng isang dagger sa leeg.

Nakita ako ni Tres at wala manlang syang reaksyon.

WTF?! Hindi nya ba alam kung anong klaseng sitwasyon tong kinalalagyan ko ngayon?!

"I know it's you guys, you can't fool me." sabi ni Tres at napakunot-noo ako.

Binitawan ako nung nanghila sakin at napatingin ako sa mga mata nya. "Dos?"

Inalis nung apat yung mga mask nila at napabuntong-hininga. "Babe naman eh, waepek yung plano mo."

"Sorry na, okay?! I forgot how smart Tres is!" sabi ni Alice.

"Teka.. ano bang nangyayari?"

"Ano kasi, Ace.. uhmm.. w-wala! Sige tulog na ulit kayo, enjoy!" sabi ni Aya at sabay-sabay na tumalon yung apat pababa ng balcony.

How do I even sleep? Sinira nila ang gabi ko, tsk.

Papasok na sana ulit ako sa kwarto nang biglang may humila sakin at yakapin ako.

Third Person's POV

"T-tres?" tawag ni Alas kay Tres ngunit hindi sya nito pinakinggan.

Kusang kumalas si Tres sa yakap at napansin nalang ni Alas na may suot-suot na syang kwintas.

"Kwintas yan ni Ina.. ang sabi nya sakin noon, ibigay ko daw yan sa babaeng pinaka-importante sa buhay ko."

"Amory.. simula nang makilala kita, hindi kana maalis-alis sa isipan ko. Simula nang iligtas mo ako.. ikaw na ang itinitibok ng puso ko."

"Amory.. aaminin ko, duwag ako noon. Duwag akong mahalin ka kasi alam kong gugustuhin kong mabuhay ng matagal. Desidido na akong mamatay ng maaga noon pero nung makilala kita, nawala sa isip ko ang kamatayan."

"Ngayon Amory.. I have already decided. Alam ko na ang gusto ko.. at yun ay ang mabuhay para sayo." lumuhod sya sa harapan ni Alas at hindi naman malaman ni Alas kung anong gagawin nya.

May kinuhang maliit na box si Tres mula sa pajamas nya. "Masagwa man tignan na gawin ko ito ng naka-pajama.. wala na akong pake basta masigurado kong sakin ka."

Tumulo ang mga luha ni Alas nang buksan ni Tres ang maliit na box. Isang napakagandang singsing ang nakalagay sa loob nito at hindi nya maipaliwanag ang sayang nararamdaman. "Amory.. mahal kita at desidido na akong wag kanang pakawalan pa. I know it's way too early but.. will you be my wife and spend your life with me?"

Napatango si Alas at hindi makapagsalita dahil sunod-sunod na bumuhos ang mga luha nya.

Tumayo si Tres at inilagay sa daliri ni Alas ang singsing. Niyakap nila ang isa't-isa ng napakahigpit. "Mahal din kita Tres.. matagal na."

Sa kabilang banda naman ay tanaw nila Aya, Evione, Dos at Alice ang unang paghahalikan nila Tres at Alas.

"Biruin mo nga naman, hindi pala boyfriend ang makukuha ni Ace.. diretso fiancé na pala, hahaha."

Nag-snap si Alice ng kanyang daliri at nag-gagandahang mga fireworks ang sumabog sa langit. "Congrats, newly engaged royalties."

"Sumunod narin kaya tayo, Alice?" pabirong sabi ni Dos.

"Sige ba." natulala si Dos nang seryosohin ito ni Alice.

"Nagbibiro lang a-ako." napangiti ng malawak si Alice.

"I know, my prince." sabi ni Alice at hinalikan si Dos sa labi.

Napa-pout naman si Aya dahil sa kanyang nakita.

"Oh? Nakasimangot kana naman, papangit ka nyan." sabi ni Evione.

"Tsk, lagi mo namang sinasabi yan eh.. kailan ba ako naging maganda sa paningin mo? Hmp." nilapitan ni Evione ang nagtatampong si Aya.

Hinawakan nya ang kamay ni Aya at ang mukha nito. "You're pretty, baby.. you've always been." hinalikan ni Evione si Aya.

••••••

After many years..

"AAAAAAAHHHH!!!!" sigaw ni Alas habang nanganganak.

"Kapit lang mhie, nakalabas na yung ulo ni Uno, hahahaha." hinigpitan ni Alas ang pagkakahawak sa damit ni Tres.

"TANGINA MO TRES NAKUHA MO PANG TUMAWA, AAAAHHHH!!!"

"A-aray ko mhie, yung damit ko winawasak mo na."

*baby crying*

"Si Uno, mhie! Welcome baby girl!" sigaw ni Tres, kukunin na sana ito ni Tres nang ilayo ng palace doctor ang baby.

"Mahal na Hari, ang Reyna po dapat ang mauna." sabi ng palace doctor at iniabot ang bagong silang na sanggol kay Alas.

"Ano ba yan, doc! Duguan pa yung anak ko eh." sabi ni Tres.

Hindi pinansin ni Alas si Tres at umiiyak nitong hinawakan ang baby.

"Astria Uno Amantes.. nakita rin ulit kita sa wakas, anak ko."

Alas ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon