CHAPTER 8

103 3 0
                                    

Chapter 8

Alas'POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sakin, napahawak ako sa ulo ko, para akong uminom ng isang batalyong alak dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Bumangon ako, shit ang sakit ng buong katawan ko para akong binugbog ng isang milyong barumbado.

"Maligayang kaarawan, mahal na prinsesa!" gosh, halos mapatalon ako sa gulat dahil kina Awrou, Aya at Dos.

"S-salamat." napansin ko lang, nasa bahay pala ako ni Awrou ngayon. Teka.. paano ako napunta rito?

"Paano ako napunta dito?" tanong ko sa kanilang tatlo.

"Nawalan ka ng malay kagabi Ace at dinala ka namin dito sa bahay ni ginoong erasio." sagot ni Aya.

"Mabuti pa't maghanda kana mahal na prinsesa, dadalo kayo sa pagdiriwang mamaya sa palasyo d ba?" speaking of that, ano nga palang susuotin namin?

"Kung suotin ang problema nyo mahal na prinsesa, ako na ang bahala dyan. Maraming damit si Aera na iniwan dito sa bahay ko at maari ko namang pahiramin si Dos." napangiti ako dahil sa sinabi ni Awrou.

"Salamat Awrou pero.. hindi ka ba dadalo sa pagdiriwang sa palasyo?"
"Mamaya kasi ang dating ni Aera, susunduin ko sya sa bayan. Alam mo namang hindi magaling iyon sa direksyon.. baka maligaw pa sya." napatango nalang ako at napatingin kay Dos.

"Dos.. pwede ba tayong mag-usap?" may tanong kasi na matagal nang bumabagabag sakin.

"Yung tayong dalawa lang." sabi ko at iniwan kami nila Aya at Awrou.

"May problema ba, mahal na prinsesa?" kunot-noong tanong ni Dos sakin.

"May gusto lang sana akong itanong."

"Ano ba yun mahal na prinsesa?"

"Nagkita na ba tayo noon?"

Dalawang linggo na simula noong patalsikin ako sa Trautus Emistriyo at hanggang ngayon masakit parin ang loob ko.

Tinalikuran ako ng mahal ko at itinakwil naman ako ng Ama ko.

Sakit d ba?

Double kill, tsk.

Napatigil ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng kakaibang presensya.

Isang demautus.

Lumiko ako sa isang eskinita at napa-smirk.

Nang makarating sa dead-end ay humarap ako sa kabilang direksyon at nakita ko ang isang demautus na kanina pang sumusunod sakin.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, isa syang kakaibang uri ng demautus na hindi nakikita ng mga mortal.. pero mukhang mahina ang isang to, isang pitik lang sakin to.

"Ang lakas rin naman ng loob mo no? Ako pa talaga ang napili mong biktimahin." napatingin ito sa likod nya at muling tumingin sakin.

"Nakikita mo ako, munting mortal? " tanong nito at napatawa ako ng mahina.

"Mortal? Ako? Patawa ka ah hahaha. Sino namang nagsabi sayo na isa akong mortal?" lalo akong napa-smirk.

"Ba't mo ako tinatawanan?! Gusto mo ba talagang mamatay?" pumikit ako at dinama ang kapangyarihan ko.

Iminulat ko ang aking mga mata. "Baka ikaw ang gustong mamatay?" nanlaki ang mga mata nito.

"I-isa kang rostris?!" hindi ko pinansin ang sinabi nito at pinalabas ko ang sagradong armas ko, isang katana.

Naghanda akong umatake, mahahati ko na sana sa dalawa yung demautus nang may humawak sa blade ng katana ko.

Sa sobrang lakas ng pwersang nabuo noong pigilan nya ang pag-atake ko ay tumalsik ako sa pader.

Shit! Ang sakit!

Nilapitan ako nung lalakeng naka-hoodie at naka-black mask.

Pumantay sya sa pagkakaupo ko, ang itsura nya ngayon ay nakaupo pero hindi sayad ang pwet.

But FUCK! Hindi na importante kung paano ang pagkaka-upo nya, nakakatakot ang mga mata nya.

Para bang handa syang patayin ako kahit anong oras.

"Wag na wag kana ulit makikialam sa aming mga demautus, mahal na prinsesa."

Magtatatlong taon na simula nang magharap kami ng lalakeng iyon pero hanggang ngayon hindi ko parin malimut-limutan ang pula nyang mga mata na maihahalintulad sa dugo.

"Sagutin mo ang tanong ko Dos, nagkita na ba tayo noon?"

Napansin ko ang paglunok nya ng laway bago ako sagutin. "Hindi po, mahal na prinsesa."

Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling sya sakin?

Ano at sino ka ba talaga, Dos Amantes?

Dapat ba akong magtiwala sayo o dapat ba kitang katakutan?

Kakampi ba kita o kalaban?

Ngumiti ako ng peke. "Tayo na? Baka kumakain na sila ng almusal." sabi ko at naunang lumabas ng kwarto.

Mala-anghel ang mga ngiti ni Dos pero paano kung sa likod pala non ay nagtatago ang totoo nyang pagkatao?

Masama bang pagdudahan ko sya sa kabila ng kaunting pinagsamahan namin?

Pero hindi ko mapigilan ang pagdududa ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata ng lalakeng iyon lalong-lalo na ang boses nya. 'Mahal na prinsesa.'

••••••

"Ano ang tema ng pagdiriwang mamaya?" tanong ni Aya.

Speaking of that.. kinuha ko ang tatlong invitation card mula sa bag ko.

Binuksan ko ang isa at hinanap kung ano ang tema nito. "Masquerade Ball."

"Tama lang yan mahal na prinsesa para hindi ka makilala ng mga zemaorus na dadalo sa pagdiriwang." napatingin ako kay Dos at nang nagtama ang aming mga tingin ay agad akong napaiwas.

Napahawak ako sa dibdib ko, fuck this heartbeat!

No, kung iniisip mo na kinikilig ako dahil sa tingin nya ay nagkakamali ka.

Natatakot ako, kinakabahan ako tuwing tinititigan nya ako dahil naaalala ko sa mga mata nya ang lalakeng yon.

"Mahal na prinsesa.. ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Awrou.

"A-ayos lang ako." sabi ko at ngumiti nalang ako ng peke.

••••••

Matapos kong suotin ang gown at ang masquerade mask ay lumabas na ako ng kwarto.

"Nasaan na yung dalawang lalake?" d ko kasi makita sina Awrou at Dos.

"Si ginoong erasio ay pumunta na sa bayan para sunduin yung kapatid nya. Si Dos naman.. nagpaalam na pupuntahan lang yung lugar kung saan sila huling nagkasama ni Alice." Alice? That name sounds familiar.

"Sino si Alice?"

"Yung babaeng hiniling na patayin sya ni Dos." may halong lungkot na sagot ni Aya.

"Alice.."

"Bakit? Kilala mo ba sya, Ace?" napaisip ako, kilala ko ba sya?

"H-hindi ko alam. Tara na, baka mahuli pa tayo sa pagdiriwang." sabi ko at naunang lumabas ng bahay ni Awrou.

Alice.. saan ko ba narinig ang pangalang yon?

Alas ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon