Chapter 9
Alas'POV
Sumakay kami ni Aya sa isang kalesa at nang makarating sa palasyo ay binayadan namin ito ng ginto.
Yeah, ginto. Masmadalas kasi na gamitin ang ginto dito kesa sa pera.
Bumaba kami mula sa kalesa at napahinga ako ng malalim.
Ang palasyo.. matagal ko ring hindi nakita ang palasyo.
"Okay ka lang ba, Ace?" tanong sakin ni Aya at napangiti nalang ako ng bahagya.
"Kinakabahan ka no?" lagi talagang tama tong si Aya.
Napatango ako at natawa sya ng mahina. "Don't worry Ace, nandito naman ako eh."
"E-ehem!" napatingin kami ni Aya sa tatlong babaeng naka-gown at mask katulad namin.
"Ang kakapal naman ng mga mukha nyo para humarang sa dadaanan namin no?" tsk, si Nicole lang pala.
"Dumalo ka pala, Binibining Nicole." nakangiting bati ko.
"Tumabi ka nga dyan, tsk, hampaslupa." mataray nitong sabi at tinabig ako.
Napa-smirk ako. This will be a fun night.
"Kilala mo sya, Ace?" tanong sakin ni Aya.
"Anak sya ni Don Nicolas, isa sila sa pinakamayaman sa bayan." sagot ko at naglakad papunta sa gate o entrance ng palasyo.
"Tsk, ang kapal naman ng mukha nyang tabigin ka, pag-nalaman nya lang kung sino ka, tiyak na magsisisi sya." sabi ni Aya at iniabot naming dalawa sa guard ang mga invitation card namin.
"Hayaan mo na sya, Aya.. hindi dapat natin sya pinagtutuunan ng pansin, wala naman syang kwenta." natawa si Aya dahil sa sinabi ko.
"Sa mukha at ugali nyang yon? Talagang wala syang kwenta hahahaha." natawa ako dahil kay Aya, matindi pa syang mang-bully kesa sakin ah hahaha.
Tumigil nalang ako sa pagtawa nang makapasok na kami ni Aya sa loob ng palasyo.
Hindi parin nagbabago, napakalaki at napakaganda parin. At nandyan parin yung hagdanan na pinakaiinisan ko sa lahat dahil bago pa ako makarating sa dulo ay halos mawalan na ako ng hininga.
Napangiti ako nang makita ang trono ng Ama ko at ang tronong nasa tabi nito.. ang tronong dating pagmamay-ari ko.
"Ace, okay ka lang?" mukhang nawala ata ako sa realidad dahil sa kakaisip sa trono ko.
"O-okay lang ako, namimiss ko lang maging isang prinsesa."
"Prinsesa ka parin naman Ace eh, hindi kana nga lang nila kinikilala dahil sa kasalanan mo." kasalanan.. hindi sapat ang word na kasalanan para sa napakalaking pagkakamali na nagawa ko noon.
Napakamali ang pagmamahalan namin ni Evione pero sa tigas ng ulo ko, pinagpatuloy ko parin ang pagkakamaling iyon.
Hindi sana yon mabubuo kung sumunod lang ako sa payo ni Ama at yun ay ang layuan sya.
"Tara na Ace? Mamaya mo na isipin kung ano man yang iniisip mo. Let's just enjoy the party tutal birthday mo naman ngayon." nakangiti at masiglang sabi ni Aya, in short chinecheer-up nya ako, hahaha.
"Tara na dalii!" sabi nya at hinila ako. Napaka-happy go lucky talaga nitong babaeng to.
Kung katulad ko lang sana si Aya edi nagagawa ko parin sanang tumawa ng malakas kahit ang dami kong problema, hahaha.
"Paano kayo nakapasok dito? Ngayon ko lang nalaman.. nagpapapasok pala sila ng mga hampaslupa dito sa loob ng palasyo." bungad samin ni Nicole, isa pa at mapapatay ko na tong babaeng to.
"Excuse me? Ikaw nga tong mukhang hampaslupa eh." gosh, pinatulan pa ni Aya.
"Excuse me? Huh? How can someone like you speak english? Tsk." napa-smirk ako dahil sa reaksyon ni Nicole.
Dito kasi sa Trautus Emistriyo, mga taong mayayaman o d kaya'y mga Rostris lamang ang nakakaalam ng salitang ingles, natatawa tuloy ako sa reaksyon ni Nicole nang magsalita si Aya ng ingles hahaha.
"Hampaslupa, tsk. Kung hampaslupa kami pwes hampas-impyerno ka! Tignan mo nga yang ugali mo, masmasahol ka pa sa demonyo!" and.. "HAHAHAHAHA." shit d ko napigilang hindi tumawa.
"You! Why are you laughing?! Gusto mo bang mapatay kita?!"
"Nicole, we better stop this, pinagtitinginan na tayo." sabi nung mukhang clown na kasamahan ni Nicole.
"Tsk, let's go girls, this bitches are wasting our time!" at natawa ulit ako nang umalis sila.
Mga duwag naman pala. "HAHAHA."
"Gigil nila ako ha, kakapal ng face!"
"Nako Aya, sinabi mo pa! HAHAHAHA."
"Tara na nga, mamaya magwala pa ako dito sa inis eh, HAHAHA." hindi ko na ata kakayanin tong tawanan na to, nakakabaliw hahaha.
••••••
Habang nakatayo lang kaming dalawa ni Aya sa isang tabi ay hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon ni Ama mamaya.
"Nasaan na kaya si Dos? Ang tagal naman nya!" oo nga no? Hindi ko makita si Dos.
"Baka naligaw." napatingin sakin si Aya.
"Nakapunta narin sya dito noon kaya imposibleng maligaw yon!" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.
"A-anong sabi mo? N-nakapunta na dito noon si Dos?"
"Oo."
"P-pero hindi basta-bastang nagpapapasok ang mga trostou sa palasyo, paano sya nakapasok?" napatigil si Aya at napaisip habang ako naman ay napalunok ng laway dahil sa kaba.
"Hindi ko alam eh basta ang sabi nya sakin, nakapasok na raw sya sa loob ng palasy--"
*drum rolls*
Naagaw ang atensyon ng lahat nang dumating ang mahal na Hari.
"Mga minamahal kong zemaorus, maraming salamat sa inyong pagdalo sa ating munting pagdiriwang para sa kaarawan ng aking anak." anak.
Tinatawag nya parin akong anak kahit itinakwil nya ako.
"Amory, anak.. kung nasaan ka man ngayon.. maligayang kaarawan sayo." sabi ni Ama at umupo sa kanyang trono.
Amory.. si Ama lang ang tumatawag sakin ng ganon dahil para sa lahat, hindi lang yun basta-bastang pangalan.
Yun ang pangalan ng aking namayapang Inang Reyna at ang pangalan ko bilang isang ganap na prinsesa.
"Punuin natin ng kasiyahan ang ating kaharian! Maligayang kaarawan Prinsesa Amory Alas Imperium!"
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...