Chapter 5
Third Person's POV
"In the time between 1 and 3, a huge explosion will happen and with that, a battle between life and death begins. Yun ang sabi nya d ba?" pag-uulit ni Aya sa huling sinabi ni Alas bago ito mawalan ng malay kanina.
"Oo." sagot ni Dos.
"The time between 1 and 3.. Alas... Dos?" nanlaki ang mga mata ni Dos.
"Kaya ba tumalsik kami mula sa isa't-isa dahil don? Pagpinagsama ang mga pangalan namin.. ang oras kung kailan magsisimula ang digmaan ay mabubuo. Alas Dos."
"Alas dos. Sa ilalim ng pulang buwan.. buwan.. alas dos ng madaling araw?"
Napa-smirk si Dos at napakunot-noo naman si Aya dahil dito.
"Alas dos ng madaling araw kung kailan tulog na ang mga mortal. Isa lang ang ibigsabihin non, maghahasik ng lagim ang mga demautus habang ang mga mortal ay walang kamalay-malay na nalalapit na ang katapusan ng mundo nila." nang marinig ito ni Aya ay binatukan nya si Dos.
"Aray! Bakit ka ba nambabatok?!" reklamo ni Dos.
"Eh kung makapagsalita ka kasi parang excited ka pang mangyari yon! Dapat nating pigilan yun, tanga!" napa-pout si Dos dahil dito.
"Eh paano naman natin sila mapipigilan eh kakaunti na nga lang ang stremior natin tapos ang dami-dami pa nila." napabuntong-hininga si Aya dahil tama naman ang sinabi ni Dos.
"Wala tayong ibang option kundi ang pumunta sa Trautus Emistriyo para ipaalam sa mahal na Hari ang mga nalalaman natin." nang sabihin ito ni Aya ay sya naman ang binatukan ni Dos.
"Tanga! Walang daan para makapunta tayo don no!" nag-smirk si Aya at napakunot-noo ng todo si Dos dahil dito.
"Paano ka naman nakakasigurado na wala? Nakalimutan mo na ba ang legend story tungkol sa babaeng pinatalsik noon sa Trautus Emistriyo pero nakabalik after 2 years?" na-estatwa si Dos nang maalala ang tungkol doon.
"Eh saan naman natin hahanapin ang protalius? Isang sagradong portal iyon kaya tiyak na mahirap iyon hanapin miski nga ang babaeng iyon sa legend ay inabot ng dalawang taon para lang mahanap iyon, maliban nalang kung---" napatingin silang dalawa sa natutulog na si Alas.
"Ang mahal na prinsesa ang magiging daan natin." napatingin si Dos kay Aya.
"Pero matindi ang magiging epekto nun kay Ace lalo na't kakaunti narin ang stremior nya, baka mamaya ikamatay pa nya yun." sabi ni Aya.
"Wala na tayong ibang paraan, ang mahal na prinsesa lang ang may kakayahang magpalabas sa protalius dahil isa syang rostris."
"Ibigsabihin ba nito, kailangang isugal ni Ace ang kanyang buhay para sa kapakanan ng mga mortal?" may halong lungkot na sabi ni Aya.
"Handa ako." napatingin ang dalawa kay Alas na hindi manlang nila namalayan na kanina pa palang nakikinig sa kanilang usapan.
Alas'POV
"Para sa kapakanan ng nakararami, handa akong isakripisyo ang sarili kong buhay." lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Sigurado ba kayong maari kong mapalabas ang protalius gamit ang kapangyarihan ko?"
Tumayo si Aya at kinuha ang isang libro.
"Teka.. hindi ba't isang sagradong libro yan?" tanong ko at nginitian lang ako ni Aya.
Binasa nya ang nakasulat sa loob ng libro. "Ayon sa sacred book na ito, isang malakas na pwersa at matinding konsentrasyon ang kailangan upang mapalabas ang protalius, ang pinaka-sagradong portal. Ang portal na naghahati sa Trautus Emistriyo at sa mundo ng mga mortal."
"Malakas na pwersa?"
"Oo Ace at yun ay ang kapangyarihan mo bilang isang rostris." hindi ko pinansin si Aya at nagkatinginan kami ni Dos.
"May isa pang paraan bukod sa kapangyarihan ng mahal na prinsesa."
"Ang pwersang nabubuo kapag naghahawak kami ng kamay ni Dos." pagpapatuloy ko.
"Pero hindi sapat yun." singit ni Aya.
"Yun ang akala mo, Aya. Napapabitaw lang kami agad ni Dos dahil hindi namin kinakaya yung pwersa. Kapag kinaya naming maghawak ng matagal, malakas pa sa kapangyarihan ko ang mabubuong pwersa mula doon."
"Kung ganon.. handa ba kayong gawin natin yun ngayon? Hanggat maaga pa, kailangan na nating makapunta sa Trautus Emistriyo." napa-smirk ako.
"Handang-handa." pinagliwanag ko ang sarili ko at sinakop nito ang buong kwarto.
Sa isang iglap ay nasa gitna na kami ng kagubatan kung saan walang tao.
"Aya, lumayo ka samin.. baka masaktan ka." sabi ko at lumayo naman si Aya.
Titig na titig kami ni Dos sa isa't-isa at napansin ko ang paglunok nya ng laway bago kami naghawak ng aming mga kamay.
Nagliwanag ang mga kamay naming magkahawak.
"Gamitin mo ang kapangyarihan mo, Dos." sabi ko sa kanya.
Pinalibutan ng kulay itim si Dos at naging pula din ang kanyang mga mata samantalang ako naman ay pinalibutan ng kulay puti at alam kong naging dilaw na ang aking mga mata, ito ang aming mga anyo bilang mga zemaorus.
Lumakas ang hangin sa buong paligid at nag-crack din ang lupa dahil sa sobrang lakas ng pwersang nabubuo sa paggitan naming dalawa ni Dos.
Concentrate, Alas.
Don't mind what's happening around you.
Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang pwersang paunti-unting lumalakas.
Muli kong iminulat ang aking mga mata at lalo ko pang pinalakas ang aking kapangyarihan..
"Kayanin mo Dos, k-konti nalang." Shit, pakiramdam ko ay malapit nang maubos ang stremior ko.
Hindi na namin kinaya pa yung pwersa at tumalsik na kami sa puno.
FUCK!
Napa-ubo ako ng dugo dahil sa malakas na pagkakatama ko sa puno.
Pinilit kong tumayo katulad ni Dos, halos maubusan ng ako ng pag-asa pero nang makita ko ang protalius ay para akong nabuhayan.
Napangiti ako at wala sa sariling niyakap si Dos. "Nagawa natin Dos! Nagawa natin!"
"Uhmm.." napatigil ako, fuckshit!
What the hell am I doing?!
Agad akong napakalas sa yakap. "S-sorry." I really fucking hate my self.
"Asows kayong dalawa, mamaya na kayo maglandian at baka maglaho pa tong protalius. Una na ako, hahahaha." sabi ni Aya at pumasok sa protalius.
Sunod namang pumasok si Dos.
Napalingon muna ako sa buwan, I'll see you soon. I promise, ililigtas ko ang mundong ito mula sa kasamaan.
Pumasok ako sa protalius at isang matinding liwanag ang sumalubong sakin kaya napapikit ako.
Sa pagmulat ko ay umiiyak akong napangiti.
"Maligayang pagdating po sa kaharian ng Zemtrus!"
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...