Special Chapter 2
Third Person's POV
"M-maiwan ko muna kayo." paalam ni Alas at iniwan ang dalawa.
Nawalan sya ng gana na pumasok pa sa klase kaya't minabuti nya nalang na pumunta sa isang lugar kung saan walang kahit na sino ang makakakita sa kanya.
But she was wrong, Tres was actually following her the whole time.
Alas'POV
Napatigil ako sa paglalakad, a familiar presence is following me.
Napalingon ako at nakita ko si Tres. "Sinusundan mo ba ako?"
Napaiwas ito ng tingin at akmang maglalakad palayo. "Hoy Tres, tinatanong kita. Sinusundan mo ba ako?" napayukom ako ng kamao at napilitang paglahoin ang sarili ko at pumunta sa harapan nya.
"Sasagutin mo ba ako o sasakalin kita?" napansin ko ang paglunok nya ng laway dahil sa banta ko.
Well, syempre panakot ko lang yun.
"A-ano kasi.. uhmm.." sinamaan ko sya ng tingin at napabuntong-hininga sya.
"Oo na, sinusundan kita."
"Bakit mo naman ako sinusundan?"
"I'm just worried, okay? Tsaka.. alam kong nasaktan ka nung yakapin ni Dos si Alice." napa-upo ako sa bermuda at ginaya naman ako ni Tres."Paano mo nakilala si Alice?" tanong ko.
"Well.. first love sya ni Dos at kapatid ko si Dos so hindi naman siguro imposibleng malaman ko ang tungkol kay Alice d ba?"
Napatingin ako sa kanya. "Ang saya sa pakiramdam malaman na first love ni Dos si Alice, SOBRA." sarcastic kong pagkakasabi at napangiwi sya.
"Mahal mo ba si Dos?"
"Hindi ko sya mahal no! Ayaw ko lang na may ibang babae sa buhay nya."
"Hindi mo sya mahal pero ayaw mong may ibang babae sa buhay nya? If that's not love then what is it?" tanong ni Tres at napabuntong-hininga ako. Hilig naman nitong magtanong.
"Natatakot lang kasi ako na baka dumating yung araw na wala na syang oras para sakin. Natatakot lang ako na baka kapag naging sila ni Alice ay hindi na nya ako pansinin, ayaw ko namang mawalan ng kaibigan no!"
"Alam mo hindi kita gets, I really think you're inlove with someone at kung hindi yun si Dos.. sino?" napaiwas ako ng tingin.
"M-malay ko." sabi ko at napatayo.
"Pasaan ka?" tanong ni Tres.
"Bakit? Susundan mo na naman ako?"
"Wag kang assuming, curious lang ako baka mamaya eh sabihin ni Aya pinabayaan kita, ang sakit pa naman mangbatok nun." natawa ako dahil sa sinabi nya.
"Pupunta lang ako sa pinaka-importanteng lugar para sakin." napakunot-noo sya pero hindi ko na ito pinansin at pinaglaho nalang ang sarili ko.
Pumunta ako sa lake of restolio at pumasok sa protalius.
Nang makarating sa Trautus Emistriyo ay nagteleport ako papunta sa kagubatan sa likod ng palasyo, kung saan nakilala ko si Tres.
Manhid talaga ang isang yun, tsk.
Para akong baliw na napangiti nang makita ko ang isang puno na may naka-ukit.
"Nandito parin pala ito." napakatagal na kasi noong matagpuan ko ang punong ito at ukitan ng aking damdamin.
"Ang tanga naman ni Tres! Apat na taon na akong naghihintay sa kanya, tsk." sinipa ko ang isang maliit na bato at dahil sa malakas kong kapangyarihan ay tumalsik ito ng malakas papunta sa isang puno at nadurog.
Parang puso ko lang, dinurog nya.
Lumapit ako sa puno at hinawakan ito. "Buti ka pa no? Ang tibay mo."
Kumuha ako ng isang bato at pinadaloy dito ang kapangyarihan ko.
Malungkot akong nag-ukit sa puno ng aking damdamin.
"I miss you, Tres :( balik kana, please."
Hindi parin ako makapaniwala na ang lalakeng kinatatakutan ko ay ang lalakeng mahal ko.
Siguro ang totoong dahilan kung bakit kami nakakabuo ng isang malakas na pwersa ni Dos noon ay dahil kay Tres.
Siguro dahil iisa lang ang katawan nila, at siguro dahil sa nararamdaman ko para sa kanya.
Ang malakas na pwersa na iyon ay maaring nabuo dahil kusang nagre-react ang kapangyarihan ko sa presensya ni Tres.
Pero ang hindi ko talaga malaman ay kung bakit may naka-ukit sa mga collarbone namin nila Dos at Tres.
Bakit ba talaga may ganon?
Hay.. Uno.
Nasaan kana ba kasi?
Uno's POV
"Alicia, nakita mo ba si Mommy at Daddy?" tanong ko kay Alicia, pinsan ko na bestfriend ko.
"Hindi eh pero hinahanap ka nila kanina." sagot nya.
"Sige, salamat." nasaan kaya sila?
Excited pa naman akong ikwento kay Mommy na nakita ko silang lahat sa nakaraan.
And Mommy was right! I really did saved her life.
"Anak.. thank you." napakunot-noo ako dahil sa sinabi ni Mommy.
"Bakit po Mommy?"
"Dadating ang panahon anak, makikilala mo kaming lahat sa nakaraan at ililigtas mo ang buhay ko. Always remember anak, you saved Mommy's life and I'm very thankful for that."
Sayang nga lang hindi ko nasagot ang mga tanong nila Mommy sa nakaraan.
Siguro nagtataka na sila ngayon kung bakit may mga naka-ukit sa mga collarbones nila.
Hay.. sabi naman ni Mommy ay malalaman din agad nila yun so.. hehehe, bahala na sila.
Aya's POV
Ang boring dito sa palasyo nila Ace kaya naisipan ko nalang na magbasa ng mga libro sa library nila.
Trip ko ang magbasa ng mga legends kaya heto ako nagbabasa ng isang legendary story tungkol sa mga nilalang na konektado sa isa't-isa.
Ayon sa libro, nakatadhana ang mga ito na mabuhay bilang makapangyarihan at kakaiba sa lahat.
Isang ukit ang magpapatunay na sila ang mga itinakda.
Mga nilalang na hinaluan ng dugong demigods. Ang mga itinakda na tagapagligtas ng lahat.
Ang kanilang mga anak ay ang susunod na itinakda, mapasama man o mabuti, sila parin ang itinadhana.
Nabitawan ko ang libro nang makita ang larawan ng tinutukoy na ukit ng libro.
"I-ito yung naka-ukit kina Alas..."
"Sila ang itinakda."
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...