Special Chapter 3
Alas'POV
It's been 3 months and a lot has happened already.
We just found out kung bakit may naka-ukit na kalahating puso samin nila Dos at Tres.
The three of us were actually chosen to be special among everyone, nakatadhana kaming maging makapangyarihan pero nasa amin na kung paano at saan namin ito gagamitin. And since the three of us have a golden heart, we chose to use it for good.
Pero ang lahat ng iyon ay nalaman namin dahil sa librong nabasa ni Aya, isang libro na pagmamay-ari pala ng ninuno ko, galing pa sa pinagmulan ng lahi ni Ina.
Bukod doon ay na-confirm na naming lahat na si Uno ay anak ko galing sa hinaharap.
Bilang anak ko at bilang itinakda sa hinaharap, taglay nya ang kakaibang kapangyarihan at kabilang doon ay ang mag-travel from her present time to the past time.
Bata pa si Uno kaya't hindi nya pa kontrolado ang kapangyarihan nya, hindi nya alam kung kailan sya mapupunta sa past but she knows kung kailan sya makakabalik.
Tanggap ko na naman ang pagiging itinakda ko pero.. ang hindi ko matanggap ay ako nalang tong single saming tatlo nila Aya at Alice!
Nakabusangot ang mukha ko at naka-crossed arms habang naglalakad.
Nasa gitna kasi ako nila Evione, Aya, Dos at Alice.
Well yeah, merong sila at walang kami. Tangina naman kasi ni Tres, napakamanhid eh, tsk.
Umupo kaming apat sa isang bakanteng table for five sa canteen.
Evione, Aya
========= Alas
Dos, Alice"Mag-boyfriend kana rin, Ace. Ikaw nalang single sa barkada."
"Wow, Aya ha. Kung makapagsalita ka eh parang nakalimutan mo yung galit mo dyan sa ex kong boyfriend mo."
"Psh, past is past nga daw d ba? Ikaw nga tong nakakalimot eh, can't you remember how you shouted at Tres? Kasi ako tandang-tanda ko yung panlilisik ng mga mata mo that time."
"Eh ba't ka nga ba nagalit noon?" tanong ni Dos.
"Kinain ako ng galit ko, Dos."
"Nangyari na yun dati noong makita nya akong may kasamang ibang babae." kwento ni Evione.
"Yeah, at kapag nangyari yun.. napakahirap akong pigilan."
"Eh dapat palang mag-ingat sayo si Tres eh, hahahaha." tawa ni Alice.
"As if parang kailangan naman nyang mag-ingat? Ano namang pake nya kung magalit ako d ba? Nihindi nya nga napapansin na may pagtingin ako sa kanya." ang manhid kasi.
"Speaking of Tres, nasaan nga pala si Tres?" tanong ni Aya at napatingin kaming lahat kay Dos.
"Oh? Bakit kayo sakin nakatingin?" tanong nya.
"Duh! Mag-kapatid kayo tapos hindi mo alam?"
"Sorry na, babe. Hindi ko talaga alam kung saan pumunta ang isang yon." sabi ni Dos kay Alice.
"No need to look for him." singit ko at napatingin sila kung saan ako nakatingin.
"Alam mo Ace, kailangan mo na syang bakuran. Mahirap na.. baka maagawan ka pa." napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi ni Aya.
Pinagkakaguluhan kasi ng mga babae si Tres, masyado na syang sikat sa LU.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad palayo.
Third Person's POV
"Saan naman kaya ang punta non?" tanong ni Aya habang nakatingin kay Alas na naglalakad palayo sa kanila.
"Maybe she needs space." sabi ni Evione at napabuntong-hininga silang lahat.
"Alam nyo.. why don't we make a plan? Kung hindi kaya ni Alas, then let's do it for her." sabi ni Alice.
"Anong plano?" tanong ni Dos.
"Aya's birthday is getting near, why don't we celebrate it? Then after that..." naglapit-lapit sila at binulong ni Alice sa kanila ang plano.
"I like your plan, Alice. Sana lang hindi basag trip yung dalawa. They both hate games pa naman, hahaha." tawa ni Aya.
"Maparaan tayo, pag-hindi sila sumali.. there's a big punishment waiting for them." ngiting-ngiti si Alice habang iniisip ang kanilang plano.
••••••
"Tres bilisan mo nga! Mabagal ka pa saming mga babae eh!" sigaw ni Alas.
"Teka lang, may hinahanap ako!" napapikit sa sobrang inis si Alas, silang dalawa nalang kasi ang hinihintay, yung iba ay nakasakay na sa van.
"Tangina! Ano ba naman kasing hinahanap mo?!" sigaw ni Alas at tumulong nalang sa paghahanap.
"Nahanap ko na!" napatayo ang dalawa.
"Ano ba yan? Patingin nga." aagawin na sana ito ni Alas nang agad itong itago ni Tres sa kanyang bulsa.
"I-it's nothing important, tara na, Amory." sabi ni Tres at naunang lumabas ng kwarto.
"Tsk, ang damot. Bakit ba kasi sya pa? Dapat talaga nakipag-agawan nalang ako kay Alice eh, mas-okay pang si Dos ang hinahabol-habol ko."
"Amory, tara naaa!" rinig kong sigaw ni Tres.
"Oo, susunod na!" kung hindi lang talaga birthday ni Aya ay hindi ako sasama sa outing na ito, hay.
••••••
"Bakit walang katao-tao dito?" tanong ko.
"I rented the whole beach for 2 days." sagot ni Alice.
"Sabagay ikaw parin naman si Calice Miller, the rich supermodel." sabi ko at pumasok sa isang beach house na tutuluyan namin for 2 days.
"Ilan ang kwarto dito?" tanong ko at umupo sa sofa.
"There are three bedroo--"
Napatayo ako mula sa sofa at napasigaw. "What?! Bakit tatlo lang?"
"Chill ka lang, Ace. Pwede naman kaming mag-share ni Evione. Tapos sina Alice at Dos tapos.." napatingin ako ng masama kay Aya.
"K-kayo ni Tres." napapikit ako sa inis at napayukom ng kamao.
Did they fucking planned this?!
May biglang umakbay sakin at napatingin ako ng masama kay Tres. "Chill lang, Amory. Ayos lang naman sakin na magkatabi tayo eh. Don't worry wala akong gagawing masama sayo." inalis ko ang pagkakaakbay nya sakin at hinila ang maleta ko papasok sa isang bedroom.
Isinara ko ang pinto at napahawak sa dibdib ko habang nakatingin sa nag-iisang kama sa loob ng kwarto.
Napalunok ako ng laway dahil sa kung ano-anong pumasok sa isip ko.
Planado talaga ang lahat ng ito!
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...