Chapter 18
Third Person's POV
Nang makarating sila sa gitna ng Lorious City ay naabutan nilang nagtatakbuhan ang mga mortal dahil sa napakaraming demautus na nagkalat sa paligid.
"Anak." napatingin si Alas sa kanyang Amang Hari nang tawagin sya nito.
"Kami na ang bahala sa mga demautus, hanapin nyong tatlo si Tredos Amantes." patukoy ng Hari kina Evione, Aya at Alas.
"Masusunod po, mahal na Hari." sabay-sabay na naglaho ang tatlo.
"Mga kasama, protektahan ang mga mortal!" sigaw ni Haring Arthur.
"Arthur, kailangan kong hanapin si Tres, ako lang ang makakapigil sa kanya." napalingon si Haring Arthur kay Haring Elias.
"Kaya mo bang patayin ang sarili mong anak?" seryosong tanong ni Arthur at napaiwas ng tingin si Elias.
Maaring Hari ng mga demautus si Elias ngunit isang Ama rin sya, may damdamin at hindi kayang saktan ang sarili nyang anak.
"Ipaubaya mo na sa mga bata si Tres at Dos, magtiwala ka lang.. matatapos rin ang digmaang ito." napatingin ang dalawang Hari sa araw na papasikat na.
••••••
"Tres!" sigaw ni Alas at napatingin sa kanilang tatlo ang naka-anyong demautus na si Tres.
"Tres, itigil mo na ito.. please." pakikiusap ni Aya sa kanyang pinsan.
"Wag mo syang pakiusapan, ang tunay na demonyo.. walang pinapakinggan." walang emosyong sabi ni Evione at napayukom ng kamao si Aya.
"Hindi demonyo si Tres, Prinsipe Evione.. baka nakakalimutan mo? Kapatid mo ang pinsan ko." may bahid ng galit ang boses ni Aya nang sabihin nya ito kay Evione.
Napaiwas ng tingin si Evione. "Kapatid.. tsk."
"Tama na. Bago kayo mag-away.. harapin muna natin si Tres." singit ni Alas sa away ni Evione at Aya.
Dahan-dahang naglakad si Alas papunta kay Tres.
Hindi hinayaan ni Evione na lumapit ito kay Tres at hinawakan ang wrist nito.
Napalingon pabalik si Alas kay Evione. "Bitawan mo ako, hayaan mo akong lapitan sya."
"Alas.. delikad--." napabitaw nalang si Evione dahil sa pagkakatitig sa kanya ni Alas.
Seryoso si Alas at alam ni Evione kung anong pwedeng magawa nito kapag hindi nya sinunod ang sinabi nito.
Nang makalapit si Alas kay Tres ay nagwala si Tres, sinuntok nito ang lupa at nag-crack ito pero walang pake si Alas.
"Tres.. alam kong hindi ka masama. Alam kong hindi mo gustong pumatay.. kinakain ka lang ng galit mo." napatigil si Tres sa pagwawala.
"Tres.. naniniwala akong lahat tayo may pagkakataon para magbago at kung hahayaan mo ako.. tutulungan kita. Tres.. hinding-hindi kita susukuan.. alam kong may kabutihan parin dyan sa puso mo." tumulo ang mga luha ni Alas.
Inilahad ni Alas ang kamay nya sa harap ni Tres.
Pipigilan na sana ni Evione si Alas nang harangan sya ni Aya. "Lubayan mo si Alas, alam nya ang ginagawa nya."
"Tsk pareho kayong magkaibigan, matitigas ang ulo."
Tinignan ni Tres ang kamay ni Alas na nakalahad sa harapan nya.
Tatanggapin na sana nya ito nang makaramdam ng sakit mula sa kanyang puso.
"T-tres." nag-aalalang sabi ni Alas nang magwala si Tres.
Pinagsusuntok ni Tres ang lupa hanggang sa tumumba ito at bumalik sa normal nyang anyo.
Lalapitan na sana ito ni Alas nang biglang lumutang sa ere ang katawan ni Tres.
"A-anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Aya.
Napalunok ng laway si Evione. "L-lumalabas na ang tunay nyang kapangyarihan bilang isang demautus.. at bilang isang zemaorus."
Tinatagan ni Alas ang kanyang loob kahit natatakot sya sa posibleng mangyari.
Nabalot ng pulang liwanag si Tres at nang mawala ito ay nasaksihan ng tatlo ang mga pagbabago sa anyo ni Tres.
Ash gray na mata at.. pulang buhok.
"T-tres?" kinakabahang pagbanggit ni Aya sa pangalan nito.
Nag-smirk si Tres. "Hindi na ako ang Tres na nakilala mo, Aya." nanlaki ang mga mata ni Aya at napayukom naman ng kamao si Alas.
"Si Dos? ANONG GINAWA MO KAY DOS?!" sigaw ni Alas.
"Si Dos? Wala na sya, princess." lalong napayukom ng kamao si Alas.
"You don't have the right to call me princess, si Dos lang ang pwedeng tumawag sakin ng ganyan!"
"Eh ano namang pake ko?"
Sa sobrang galit ni Alas ay nagcrack ang lupang kinatatayuan nya at nagdilim din ang kalangitan kahit kakasikat palang ng araw.
"Ace wag kang magpadala sa galit." nag-aalala at kinakabahang sabi ni Aya kay Alas ngunit hindi sya nito pinakinggan.
"Masama ito." tanging imik nalang ni Evione habang pinapanood si Alas na magalit kay Tres.
"Subukan mong tawagin ulit ako sa ganong paraan.. hindi ako magdadalawang isip na kalabanin ka." madiing sabi ni Alas habang titig na titig sya kay Tres.
"Oh? Galit kana agad, princess?"
Nanlaki ang mga mata ni Evione at agad na hinila si Aya.
"AAAAAAHHHHHHHHH!!!" malakas na sigaw ni Alas at kasabay nito ang isang napakalakas na pwersa na dinurog ang mga building na nakapalibot sa kanila.
Lalong napa-smirk si Tres. "Handa kana bang makipagpatayan sakin, princess?" nanlilisik ang mga mata ni Alas na para bang handa syang patayin si Tres kahit anong oras.
Sa kabilang banda naman, sa isang lugar na malayo kina Tres at Alas ay yakap-yakap ni Evione si Aya.
Napatingin si Aya kay Evione nang kumalas ito sa yakap. "Buti nalang nailayo kaagad kita." sabi ni Evione samantalang si Aya ay hindi manlang makapagsalita.
"Dito ka lang, kailangan kong balikan si Alas.. delikado si Tres, wala na sya sa sarili nya."
"Wai--" hindi na naituloy pa ni Aya ang pagpigil kay Evione nang maglaho ito.
Napahawak si Aya sa kanyang dibdib at sa kabila ng lahat ng nangyayari sa kanyang paligid ay nagawa parin nyang ngumiti ng matamis.
••••••
Pinalabas ni Alas ang kanyang sagradong armas at ganon din si Tres, well.. may dugong zemaorus parin sya kaya't hindi na imposibleng magkaroon sya ng isang sagradong armas katulad ng iba.
Tumakbo sila ng mabilis papunta sa isa't-isa, nagtama ang kanilang mga katana sa isa't-isa at dahil don ay nakawala ang isang napakalakas na pwersa at nagkaroon ng crack ang kanilang mga sagradong armas hanggang sa kusang maglaho ito.
Ngunit kahit wala na silang armas ay nagpatuloy ang kanilang laban.
"Evirio Grouzi!" -Tres
"Seprumio Epruazi!" -Alas
sabay na sigaw ng dalawa at nagliwanag ang kulay ng kanilang mga mata, sign na ginagamit na nila ang 100% ng mga kapangyarihan nila.Sabay silang umatake sa isa't-isa ngunit napatigil si Alas nang marinig ang isang pamilyar na boses.
"Anak.. lagi mong tatandaan.. laging mananaig ang pagmamahalan mula sa kasamaan. Huwag mong pairalin ang iyong hangad na mag-wakas ng buhay.. gamitin mo ang iyong puso upang iligtas ang kalaban mula sa kadiliman."
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...