Chapter 17
Alas'POV
Tumakbo ako ng napakabilis at tsaka tumalon ng mataas. Hinati ko sa dalawa yung halimaw at muli akong tumapak sa lupa.
"Yun na ba yun? Ang dali naman palang patayi--" nanlaki ang mata ko nang makita kong mabuo muli yung halimaw.
"P-paanong.." nakita kong nag-smirk si Tres.
"You can't kill that monster easily, Amory." napayukom ako ng kamao.
"Waaa Mommy! Mommy huhuhu." napatingin ako dun sa batang babae na nasa harap nung halimaw at malapit na sya nitong matapakan.
"WAAAGGG!!"
Third Person's POV
Napapikit si Alas dahil sa sobrang takot sa kung ano mang mangyayari sa batang babae.
"Arghh! Ang bigat naman ng paa ng halimaw na to!" dahan-dahang napamulat si Alas at laking gulat nya nang makita si Awrou na naka-anyong erasio at pilit na inaangat ang paa ng higanteng halimaw.
"Awrou? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alas.
"Mahal na prinsesa, bago ko sagutin yang tanong mo ay pwede bang pakitulungan muna ako dito? A-ang bigat eh!" natauhan si Alas at agad na nagteleport papunta kay Awrou at tinulungan itong patumbahin ang higanteng halimaw.
Matapos nila itong patumbahin ay napansin ni Alas ang isang umiilaw na diamante na nakalagay sa dibdib ng halimaw.
Napa-smirk si Alas bago tumalon at pinalabas ang kanyang sagradong armas.
Sa pagbasak nya sa dibdib ng halimaw ay saktong pagkabasag ng diamanteng nakalagay sa dibdib nito dahil sa malakas na pagtama ng katana ni Alas dito. Naglaho na parang bula ang higanteng demautus nang mapatay ito ni Alas.
Nilapitan ni Alas ang batang babae na umiiyak parin. "Ayos ka lang ba?"
"O-okay lang po ako." nginitian ni Alas ang batang babae, hindi nya malaman kung bakit pero magaan ang loob nya sa bata.
"Mabuti pa ilayo mo muna ang batang ito, Awrou." sabi ni Alas kay Awrou.
"Pero paano ka mahal na prinsesa?" nag-aalalang tanong ni Awrou.
Napatingin si Alas sa kinatatayuan ni Tres kanina pero wala na ito doon. "Kailangan ko pang hanapin si Tres."
"Pero mahal na pri--" hindi na naituloy ni Awrou ang pagsasalita nang maglaho si Alas gamit ang kapangyarihan nya.
Napabuntong-hininga si Awrou.
"Kuyang halimaw, hindi mo naman siguro ako kakainin d ba? Lagot ka sa Mommy ko kapag kinain mo ako." sabi nung bata at natawa si Awrou.
"Sa tingin mo ba may laban ang Mommy mo sakin? Hahaha." sinamaan ng tingin nung bata si Awrou.
"Kayang-kaya ka nyang patayin sa isang pitik lang."
"Eh nasaan ba ang Mommy mo?"
"Duh! Kakaalis nga lang ng Mommy ko para hanapin si Daddy eh. Nag-usap pa nga kayo tapos itatanong mo sakin kung nasaan sya." napakunot-noo si Awrou dahil sa pinagsasabi ng bata.
"Ay tara na nga, baka malagot pa ako sa mahal na prinsesa kapag may nangyari sayo." napangiti ang bata dahil sa sinabi ni Awrou.
"Takot ka pala sa Mommy ko eh hahaha."
Alas'POV
Napa-ikot ang tingin ko sa gubat pero miski anino ni Tres ay hindi ko makita.
Nararamdaman ko na nandito sya pero.. saan?
"Mahal na prinsesa." napalingon ako sa likod ko.
Pinalabas ko ang sagradong armas ko nang makilala ko ang lalakeng nasa harapan ko. "Tres."
Napatingin ako ng diretso sa mga mata nya at napakunot-noo ako.
Hindi bloody red ang mga mata nya.
"Fine, you can call me Dos when my eyes are red and call me Tres when my eyes are bloody red."
Pinaglaho ko ang sagradong armas ko at umiiyak na lumapit sa kanya at niyakap sya. "Dos."
"Mahal na prinsesa.. kailangan mo na akong layuan, inaagaw nya na ang pwesto ko." napakalas ako sa yakap.
"Anong ibig mong sabihin?" napayuko ito.
"Nauubos na ang kapangyarihan na meron ako at dadating ang oras na hindi ko na makokontrol pa ang katawang ito." kusang may tumulong mga luha mula sa aking mga mata nang sabihin ito ni Dos.
"A-are you telling me that this is the l-last time we will see each other?" tinignan nya ako.
"Wag kang umiyak, mahal na prinsesa. Hindi bagay sayo ang naiyak." sabi nya habang pinupunasan ang mga luha ko.
Pinatama ko ang kamay ko sa dibdib ni Dos na para bang girlfriend nyang nagtatampo.
"You're telling me na hindi bagay sakin ang umiiyak pero ano? Sa oras na mawala ka Dos, oras-oras akong iiyak. Please naman Dos.. lumaban ka. Wala akong pake sa kung anong kailangan mong gawin para lumakas yang kapangyarihan mo, just please.. wag ganito."
"Wag mo naman akong iwan." niyakap nya ako kaya napatigil ako sa paghampas sa dibdib nya.
"Lagi mong tatandaan mahal na prinsesa, I'll always be by your side to protect you." fuck this tears, ayaw tumigil sa pagbuhos!
Biglang napakalas si Dos sa yakap at napaluhod. "Arrrgghhh!"
"D-dos..."
"Mahal na p-prinsesa, u-umalis kana."
"Per--"
"Umalis kana!" bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko ay na-estatwa na ako nang magbagong anyo si Dos or should I say.. si Tres.
Isa na syang ganap na demautus.
Tinignan ko ang mga mata ng halimaw. It was even more darker than Tres' bloody red eyes.
It's like.. he's different from Tres and Dos.
Nilapitan ako ng halimaw samantalang ako ay hindi makagalaw.
W-what should I do?
Hinawakan ako nito sa leeg at iniangat. "Tr-tres.." tumulo na ang luha ko dahil sa paghihirap ko.
I can't fucking breathe!
Mawawalan na sana ako ng malay nang makita ko si Evione na nakakumpas ang kamay sa gilid ni Tres.
May nabuong dark lightning beam mula sa kamay ni Evione at nang tumama ito kay Tres ay tumalsik ito kaya nabitawan nya ang pagkakahawak sa leeg ko.
Agad akong nilapitan ni Evione. "Ayos ka lang ba, Alas?" tanong nya sakin at nang tumingin ako sa kanya ay nasa tabi nya na si Aya.
If you are wondering kung nasaan si Aya whole this time, inutusan ko syang pumunta sa lake of restolio, nabanggit kasi sakin ni Ama na doon matatagpuan ang protalius dito sa mundo ng mga mortal.
"M-mabuti naman at nagawa mo ang sinabi ko sayo Aya." sabi ko at tumayo. Kaya ko kasi sya pinapunta sa lake of restolio ay upang pabalikin sya sa Trautus Emistriyo at ipaalam ang mga pangyayari dito sa mundo ng mga mortal.
"Ako pa!" kinindatan nya ako at napangiti ako ng malawak.
"Tama na muna ang kasiyahan nyo, hindi pa tapos ang digmaan." napatingin ako kay Ama at kay Haring Elias--
Halos maiyak ako sa tuwa nang makita ang lahat ng zemaorus sa likod nila Ama.
Sabay-sabay na yumuko sakin ang mga zemaorus bilang pag-galang. "Kasama mo kami sa labang ito, mahal na prinsesa."
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...