Chapter 7
Alas'POV
"Mukhang wala tayong choice kundi ang matulog sa gubat." sabi ni Aya, wala na kasing space sa mga maari naming tulugan, hotel kung tawagin sa mortal world.
May pagdiriwang kasi sa palasyo bukas kaya hindi na imposibleng mapuno ang mga iyon. Hay.. kamalas-malasan talaga.
Pumaloob kami sa gubat at naghanap ng magandang pwesto na maaring tulugan.
Nang nakahanap ay umupo kaming tatlo at sumandal sa puno.
"Matulog na kayo, babantayan ko kayo." sabi ni Dos.
Nginitian ko sya "Salamat, Dos." ipinikit ko na ang aking mga mata at sinubukang tumulog.
••••••
May narinig akong kaluskos kaya agad akong nagising. Inilibot ko ang aking paningin pero wala akong ibang nakita kundi ang mga tulog na mukha nila Aya at Dos.
Tsk, babantayan daw kami pero masmahimbing pa ang tulog nya saming dalawa ni Aya.
Muli kong narinig ang kaluskos at nanggaling ito sa likod ng isang puno.
Tumayo ako at napalunok ng laway, ewan ko ba.. parang masama ang nasa likod nito.
"ROAAARR!!" napaatras ako.
Shit! Isang rank A demautus!
Nagising yung dalawa at napatayo nang makita ang demautus.
"Maghanda kayo, isa syang rank A demautus!" isa-isa kaming nag-anyong zemaorus at pinalabas ang aming mga sagradong armas.
Ngayon ko lang nalaman, parepareho kaming mga katana ang armas. Pero fuck! Hindi na mahalaga iyon, kailangan naming mapatay ang demautus na ito!
Tumalon ako papunta sa likod nito, akmang hahatiin ko na ito sa dalawa nang humarap ito sakin at tinabig lang ang katawan ko na para bang isang basura.
Tumama ako sa puno, fuck this demon!
Nakita ko ang collar accessorie na suot-suot nito.
No way.. hindi kaya..
"WAG! WAG NYO SYANG SASAKTAN!" pagpigil ko dun sa dalawa na handa na sana itong patayin.
Pinilit kong tumayo at nilapitan ang inakala kong isang demautus.
"Awrou?" napatigil ito at tinignan ako.
"Prinsesa?"
"Awrou.. i-ikaw nga." napatakbo ako papunta kay Awrou at niyakap ko sya ng napakahigpit.
Bumalik ito sa normal nyang anyo, anyong maihahalintulad sa isang mortal.
"Prinsesa paano ka nakabalik?" tanong nito at kumalas ako sa yakap.
"Hindi na importante kung paano.. kamusta si Aera?" nasasabik kong tanong.
"Teka, teka, teka.. kakilala mo ang demautus na yan, Ace?" napatingin ako kay Aya.
"Hindi sya isang demautus, Aya."
"Ha? Edi ano sya?"
"Isang erasio, kakaibang zemaorus na nag-aanyong halimaw na maihahalintulad sa isang malakas na demautus." pagpapaliwanag ni Dos.
"Mga kaibigan ba kayo ng prinsesa?" muling nabaling ang atensyon ko kay Awrou.
"Oo Awrou, mga kaibigan ko sila sa mundo ng mga mortal. Pero.. mga zemaorus rin sila." pagsagot ko.
"Paano kayo nakabalik dito? Alam ba ng Hari na nagbalik kana mahal na prinsesa?"
"Awrou! Wag mong sasabihin kay Ama na nandito kami, pakiusap."
"Pero bakit? Mahalagang malaman nya ang tungkol dito dahil Ama mo sya at sya ang Hari." patay!
"Pakiusap Awrou, bigyan mo muna ako ng kaunting panahon at ako mismo ang haharap sa kanya." hindi pa pwedeng malaman ng Ama ko na nandito ako, hindi pa ako handa.
"Sige na nga pero.. paano ba talaga kayo nakabalik?" pagbabalik nya sa kanyang tanong.
"Gamit ang protalius, ginoong erasio." sagot ni Aya.
"Protalius? Ang sagradong portal? Paano?" Grabe naman si Awrou, sunod-sunod ang mga tanong.
"May nabubuong malakas na pwersa tuwing naghahawak kami ng kamay ng mahal na prinsesa at sa pamamagitan non ay napalabas namin ang protalius." sagot ni Dos.
"Tama si Do--" Sht.
Napahawak ako sa bandang collarbone ko at napaluhod, eto na naman!
Para na namang sinusunog ang balat ko sa sobrang ini---BLACKOUT.
••••••
Third Person's POV
"Kailan pa yan nangyayari sa mahal na prinsesa?" tanong ni Awrou habang pinagmamasdan nilang tatlo si Alas.
Kung titignan mo ngayon, pawis na pawis si Alas at para bang binabangungot, naghihirap ito dahil sa naka-ukit sa kanya na ngayo'y umiilaw.
"Nagsimula yan noong araw pagkatapos ng una naming paghahawak ng mga kamay. Siguro ito na ang pangatlong beses na nawalan sya ng malay dahil dyan." pag-sagot ni Dos.
"May iba pa bang nangyayari kapag naghahawak kayo ng mga kamay?" tanong muli ni Awrou at nagkatinginan sila ni Dos.
"Bukod sa pagtalsik namin.. may lumalabas na ukit sa mga palad namin. Pero nangyari lang yun noong unang beses nya akong nahawakan sa kamay."
"Anong naka-ukit sa inyong mga palad?" kunot-noong tanong ni Awrou.
"Mga trautus word. Digmaan.. pulang buwan."
"At dahil don, nalaman namin na may magaganap na digmaan sa ilalim ng pulang buwan, yun ang dahilan kung bakit kami nandito upang ipaalam sa mahal na Hari at pigilan ang nalalapit na digmaan na mangyayari sa mundo ng mga mortal." singit ni Aya sa usapan.
"Paano kayo nakakasigurado na sa mundo ng mga mortal iyon mangyayari?" tanong ni Awrou at saglit na nagkatinginan sina Aya at Dos.
"Walang kasiguraduhan pero mas-posible na sa mundo ng mga mortal iyon mangyayari." sabi ni Dos.
"May mga patayan bang nagaganap dito sa Trautus Emistriyo nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Aya kay Awrou.
"Bukod sa pagpatay ng mga zemaorus sa kapwa nila zemaorus ay wala na akong ibang naririnig na patayan. Himala nga at hindi kumikilos ang mga demautus." automatikong may gumuhit na ngisi sa labi ni Aya.
"Yun ang akala nyo, maaring hindi sila kumikilos dito sa Trautus Emistriyo dahil pinagplaplanuhan na nila ang digmaang sisimulan nila sa mundo ng mga mortal. At isa pa, si Prinsipe Evione.. nasa mundo namin sya ngayon." nanlaki ang mga mata ni Awrou nang sabihin ito ni Aya.
"Kailangan talaga natin itong mapigilan, hindi maaaring pamunuan ng mga demautus ang mga mortal. Posibleng mawala ang ating mga kapangyarihan kapag nangyari iyon." kinakabahang sabi ni Awrou, natatakot kasi ito sa posibleng mangyari.
"Bakit naman mawawala?" sabay na tanong ni Aya at Dos.
"Dahil ang kabutihan sa puso ng mga mortal ang nagbibigay ng buhay sa puno ng stremous, kapag nabalot ng kasamaan ang puso ng mga mortal.. unti-unting manghihina ang natatanging puno na nagbibigay satin ng stremior at hindi pwede mangyari yon."
"Kapag hindi natin napigilan ang digmaan at kung magtagumpay nga ang mga demautus sa kanilang plano.. magiging normal nalang tayong mga zemaorus tulad ng mga mortal."
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...