Chapter 3
Third Person's POV
"Hindi mo sya makukuha!" sigaw ni Aya kay Evione.
Napakatatag ng loob nya, nanginginig na sya sa takot pero handa parin syang protektahan ang kaibigan nya mula kay Evione, ang prinsipe ng mga demautus at ang susunod na Hari ng kaharian ng Demtrus.
Napa-smirk si Evione. "Napakatatag ng loob mo para kalabanin ako. Eh mortal ka lang naman, tsk."
Napalunok ng laway si Aya dahil sa takot. "Dos, nasaan kana ba?!!"
Lingid sa kaalaman ni Alas na magkakilala si Dos at Aya. Pero sa totoo lang, may masmatindi pang sekreto si Aya na itinatago nya mula kay Alas.
Isang sekreto na dapat noon palang ay sinabi nya na kay Alas.
"Tumabi ka dyan kung ayaw mong masaktan." banta ni Evione pero tinibayan parin ni Aya ang kanyang loob.
"Tsk, hinahamon mo talaga ako."
Napayukom ng kamao si Evione at ikinumpas ang kamay nya kay Aya at pinatalsik nya ng malakas si Aya sa pader.
Napa-ubo ng dugo si Aya dahil dito.
Nakita nyang binuhat ni Evione si Alas.
"Hindi ako pwedeng sumuko."
"Lagi nya akong pinoprotektahan mula sa mga demautus kaya dapat protektahan ko din sya."
"Hindi ako pwedeng magpatalo kahit na isang prinsipe pa ang kalaban ko!"
"Hindi nya pwedeng makuha si Ace!"
Biglang nagliwanag ang katawan ni Aya hanggang sa sakupin nito ang buong kwarto ni Alas.
Sa kabilang banda naman ay nakita ni Dos ang liwanag na nagmumula sa kwarto ni Alas.
"Lumabas na ang kapangyarihan ni Aya!"
Nang mawala ang liwanag ay nakita ni Evione na nakatayo na si Aya at parang wala nalang yung pagkakatalsik nya sa pader kanina.
"Hindi ko hahayaang kunin mo si Ace." ibinaba ni Evione sa kama si Alas.
"Wala akong pake kung nagmamahalan kayo noon. Tinalikuran mo sya at iniwan kaya dapat lang na ilayo kita sa kanya." may nabuong liwanag mula sa kamay ni Aya hanggang sa lumabas dito ang kanyang sagradong armas, isang katana.
Aatake na sana si Aya nang may lumitaw na isa pang demautus.
"Kailangan na nating umalis mahal na prinsipe." sabi nito at sabay silang naglaho ni Evione.
Nagtataka man ay pinaglaho nalang ni Aya ang kanyang sagradong armas at agad na nilapitan si Alas.
••••••
Alas'POV
Napamulat ako at nakita ko---
"What the fudge?!" napabangon ako mula sa kama.
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko, Dos?!"
Nagising ito at humikab pa. "Gishing kanwa pwala, mwahal nwa prinshesa."
"Ha?"
"Ang sabi ko po, gising kana po pala, mahal na prinsesa." nakangiti nitong sabi at napangiwi ako.
"Teka nga! Anong ginagawa mo dito?! Manyak ka ba, ha?!"
"Ace.. maawa ka naman sa pinsan ko. Wala syang ginagawang masama tsaka pinababantayan lang kita sa kanya."
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...