CHAPTER 14

73 3 0
                                    

Chapter 14

Alas'POV

"Ano? Nawawala ang Kuya ko?" nilapitan ko si Aera at hinawakan sa kanyang mga kamay.

"Hindi pa tayo sigurado pero masmabuting ipaalam natin kay Ama. Wag kang mag-alala.. hahanapin ko ang Kuya Awrou mo, okay?" nginitian ko sya at matamlay nya akong nginitian pabalik.

Pinaliwanag ko ang sarili ko at sa isang iglap ay nasa loob na kami ng palasyo.

"Mahal na prinsesa." nagbow sakin si General Gregorio.

"Nasaan si Ama?" tanong ko.

"Nasa kanyang silid po ang mahal na Hari."

"Salamat." tumakbo ako papunta sa kwarto kasama si Aera at walang galang na pumasok sa kanyang silid.

"Am--" napatigil ako nang makita ko si Evione at si Haring Elias.

"M-mga demautus!"

"Wag kang mag-alala Aera, hindi nila tayo sasaktan." sabi ko habang titig na titig sa mag-amang demautus.

"Pero mga demautus sila!" tinignan ko si Aera.

"Mga kakampi natin sila." nakangiti kong sabi.

Alam kong naguguluhan si Aera pero minabuti nyang magtiwala sakin.

"Nasaan po si Ama, Haring Elias?" tanong ko.

"Anong problema, anak?" napalingon ako sa pinto kung saan nanggaling ang boses ni Ama.

"Ama.. nawawala si Awrou." napalunok ng laway si Ama.

"Si Awrou? Ang kaibigan mong erasio?"

"Ito na nga bang sinasabi ko, sinisimulan na nya ang pagkuha sa mga erasio." napatingin ako kay Haring Elias.

"Ano pong ibigsabihin nyo?"

"Ang anak ko, ang kalaban natin, kumukuha sya ng mga erasio upang lasunin ang kanilang mga pag-iisip at gawin nyang kanyang kakampi."

"So that means.. naging target si Awrou?"

"Oo ganon na nga at base sa mga nalalaman ko, sigurado akong nasa mundo ng mga mortal ngayon ang kaibigan mong erasio, mahal na prinsesa."

"Teka.. bakit naman po sa mundo ng mga mortal dinala ang Kuya ko?" singit ni Aera sa usapan.

"Dahil katulad ng sinabi ni Alas, sa mundo ng mga mortal magsisimula ang digmaan." nanindig ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Evione and also fuck his voice, lalo akong tinatakot eh!

"Digmaan? May digmaang magaganap? Bakit ngayon nyo lang po ito ipinapaalam sakin? Teka.. alam na po ba ng ibang mga zemaorus ang tungkol dito?" Shit! Dapat talaga hindi ko dinala si Aera dito!

"Aera.. hindi pa pwedeng malaman ng iba ang tungkol dito, lalong-lalo na ang tungkol kina Evione.. mga demautus sila. Kung ikaw mismo ay ginustong kalabanin sila kanina.. paano pa ang iba? Hindi sila handa sa ganitong pagkakampihan." pilit kong pagpapaliwanag ng sitwasyon na kinalalagyan namin kay Aera.

"Pero Ate.. kung nagawang kunin ng nilalang na yon ang Kuya ko.. nakasisigurado akong malakas sya. Hindi tayo mananalo kung hindi tayo magtutulungan. Mahirap man sabihin sa iba, kailangan nating ipaalam.. hindi natin to kaya kung tayo-tayo lang. Lagi mong tatandaan Ate, walang-wala ang nilalang na yon kung magkakasama tayong lalaban." napatingin ako kay Ama nang sabihin ito ni Aera.

Hinarap ni Aera si Ama. "Mahal na Hari, naging isang mabuting Hari ka sa amin.. magtiwala ka lang.. hinding-hindi ka namin tatalikuran." sa pamamagitan ng ngiti ni Aera ay para bang natauhan si Ama.

Lumabas si Ama ng kwarto at dahil don ay nakita kami ng mga trostou kasama sina Evione. "Mga demautus!"

Bago pa masaktan at makalapit ang mga trostou kina Evione ay hinarangan na ni Ama ang mga ito.

"Wag nyo silang sasaktan.. hindi sila ang kalaban." nagtatakang tinignan ng mga trostou si Ama.

"Tawagin nyo ang lahat ng mga kasamahan nyo at ipaalam nyo sa lahat ng mga zemaorus na may pagtitipon na magaganap sa gitna ng kaharian."

"M-masusunod po, mahal na Hari." nagtatakbo ang mga trostou paalis upang gawin ang iniutos ni Ama.

"Haring Elias at Prinsipe Evione.. panahon na para malaman ng mga kasamahan ko na hindi kayo kalaban, patawarin nyo sana ako sa ginawa kong pagtatago sa inyo mula sa mga zemaorus." nagulat ako nang yumuko si Ama sa harap nila Evione.

"Ayos na ang lahat kaya't wag kanang humingi ng tawad, ang kailangan nating gawin ngayon ay ang talunin ang anak ko bago pa nya masakop ang mundo ng mga mortal."

"Mahal na Hari, nasa gitna na po ng kaharian ang lahat ng zemaorus, handa na po sila sa pagtitipon." sabi ng isang trostou.

Sabay na naglaho si Ama at si Haring Elias habang kami naman nila Aera ay naiwan sa loob ng silid.

"Aera.. mauna kana."

"Bilisan nyong maglandian dyan ah." sabi ni Aera at nag-anyong erasio bago tumalon sa bintana.

Landian, tsk. Kebata-bata nya ay nalalaman nya na ang salitang iyon, kung nandito lang si Awrou ay tiyak na binatukan na sya non.

"Tara na? Tayo nalang ang wala doon." maglalaho na sana si Evione nang hawakan ko ang kamay nya.

"May problema ba?" tanong nya.

"Sorry."

"Bakit ka nagsosorry?" napayuko ako.

"Dahil pinagsalitaan kita ng masama at itinuring na kalaban. Sorry din dahil dun sa 360 degrees kong pagkakasampal sayo." nagkatinginan kaming dalawa.

"Kaya bilang sorry.. I'm giving you our last kiss." nagteleport ako papunta sa harap nya at hinalikan sya sa labi.

"Thank you for being part of my life, Evione. Tara na?" sabi ko at na-unang maglaho.

Pinagsasampal ko ang sarili ko, FUCK! Ang landi ko! Hinalikan ko ang ex ko! Just wow!

Teka.. nasaan ako?

Napa-ikot ang tingin ko.. teka.. hindi  na ito parte ng Trautus Emistriyo!

Paano ako napunta dito sa hideout nila Aya at Dos?!

"Mahal na prinsesa? Anong ginagawa mo dito?"

"Dos? Paano ka nakabalik dito without me?!"

WTF? Kaya naman pala hindi ko sya mahanap-hanap sa palasyo ay dahil nandito na sya sa mundo ng mga mortal. Tsaka what the hell?! Paano sya nakabalik dito without me? Hindi nya naman kayang palabasin ang protalius by himself ah?

"Hin-- arrgghh!" napahawak ito sa dibdib nya at napaluhod.

Nilapitan ko sya. Anong nangyayari sa kanya?

"M-mahal na p-prinsesa, u-umalis kana dito."

"Anong pinagsasasabi mo? Bakit ako aalis eh nagkaka-ganyan ka?!"

"Hoy, Dos! Ano bang nangyayari sayo?!" niyugyog ko sya.

FUCK! Bakit hindi nya ako sinasagot?!

Tumingin ito sakin at nanginig ako sa takot nang makita ko ang pamilyar nyang mga mata. Bloody red eyes.. ang lalakeng demautus na nakita ko noon.

"Dos?"

"Mahal na prinsesa ng aking kapatid.. ikinatutuwa kong makita ka ulit."

Alas ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon