Epilogue: The Last Chapter
Third Person's POV
Dahil sa kabagutan ay napagdesisyunan ni Alas na maglakad-lakad nalang muna sa likod ng kaharian.
"Mahal na prinsesa."
"Amory."
Napatingin si Alas kina Dos at Tres na nasa harapan na pala nya.
"Anong ginagawa nyo dito sa gubat?" tanong ni Alas.
"Nagpapahangin lang kaming dalawa, mahal na prinsesa." nakangiting sagot ni Dos.
"Nga pala.. hindi ko pa alam kung paano kayo nagkahiwalay, paano nga ba?" nagkatinginan si Dos at Tres.
Nagulat si Alas nang mag-unbotton ng mga damit sina Dos at Tres. "T-teka, a-anong g-g-ginagawa nyo?!" napatakip ito sa kanyang mga mata.
"Ito, hindi namin alam kung bakit nagkaroon din kami ng ukit ng kagaya sayo, Amory." sabi ni Tres at napatingin si Alas sa kanilang mga collarbone.
"Kalahating puso? Nakakapagtaka na talaga, bakit ba nagkakaroon tayo ng ganito?" tanong ni Alas kahit alam nyang wala namang maisasagot ang dalawa.
"Lumitaw ito noong hawakan ni Uno ang mga kamay namin.. si Uno lang ang makakasagot sa mga tanong nati--"
"Ako po?" napatingin ang tatlo kay Uno na ngiting-ngiti.
"Uno? Anong ginagawa mo dito tsaka.. ayos kana ba? Wala na bang masakit sayo?" sunod-sunod na tanong ni Alas.
"Dahan-dahan lang po Mommy, wala na po akong naintindihan sa mga pinagsasabi mo eh."
"S-sorry."
"Teka.. bakit Mommy ang tawag mo kay Amory? Tsaka paano ka nakapunta dito sa gitna ng kagubatan?" tanong ni Tres.
"Sinundan ko po ang mga presensya nyo." nakangiting sagot ni Uno.
Yung ngiti nya ay hawig sa mga ngiti ni Dos pero ang mga mata naman nito ay hawig kay Tres dahil itim na itim ang mga ito.
"Ano bang ginagawa mo dito, Uno?" singit naman ni Dos sa usapan.
"Nandito po ako para.. magpaalam." napakunot-noo ang tatlo at nagkatinginan dahil sa sagot ni Uno.
"Magpaalam? Aalis kana?" may halong lungkot na tanong ni Alas.
"Opo, Mommy.. nauubusan na po kasi ako ng panahon eh. Tsaka malamang hinahanap nyo narin ako sa panahong pinagmulan ko." nabalot ng pagtataka ang tatlo dahil sa sinabi nito.
"Anong ibigsabihin nya na hinahanap na namin sya sa panahong pinagmulan nya?" tanong ng tatlo sa kanilang mga isipan.
May nabuong magic circle sa kinatatayuan ni Uno at kasabay nito ang pag-iiba ng kulay ng kanyang mga mata. "Magpapaalam na po ako. I'll see you in the future po, Mommy, Daddy at Tito."
"Ha? Tek--" hindi na naituloy ni Alas ang pagpigil kay Uno nang maglaho ito kasabay ang magic circle.
"Hindi manlang ako nakapagpasalamat sa kanya." sabi ni Alas at napabuntong-hininga si Tres.
"At hindi manlang nya nasagot ang mga tanong natin." napailing-iling si Tres.
"Pero hindi ba dapat masnagtataka tayo sa pagkatao ni Uno? Tinawag nya tayong tatlo na Mommy, Daddy at Tito tapos.. ang sabi pa nya ay kikitain nalang nya tayo sa hinaharap." napatingin sina Alas at Tres kay Dos.
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...