CHAPTER 4

117 8 0
                                    

Chapter 4

Alas'POV

"Aya, nandyan man sa paligid si Evione o wala, kailangan nating pumasok. Matindi ang rules ng LU baka mamaya ma-kick out pa tayo." sabi ko kay Aya at napabuntong-hininga sya.

"Sige na nga, basta wag kang lalayo sakin.. delikado na, paubos na ang stremior mo d ba?" tama naman sya, delikado na talaga ako dahil sa kaunti nalang ang stremior na natitira sa katawan ko.

"Yun ang pinoproblema ko, nalalapit na ang digmaan pero pakiramdam ko ay bago pa dumating ang pulang buwan ay wala na akong kapangyarihan."

"Wag kang mag-alala mahal na prinsesa. Bago ako patalsikin sa Trautus Emistriyo ay nagnakaw ako ng ilang piraso ng stremous mula sa kaharian." singit ni Dos at pinatong ang isang kakaibang prutas sa mesa.

Tinitigan ko sya. "Ang laki na nga ng kasalanan mo, dinagdagan mo pa talaga?"

"Eh mapapatalsik rin naman ako eh, ano namang masama kung dagdagan ko iyon? Hahaha." cute.

Ang cute nyang tumawa, nawawala ang mga mata nya.

"Kakaiba ka talaga." mahina kong sabi at ibinaling ang atensyon ko sa prutas ng stremous.

Kinuha ko ito at tinignan. Isang buwan na ang nakalipas simula noong makain ko ang pinakahuling piraso ng stremous na naitakas ko mula sa kaharian namin.

"Tititigan mo nalang ba yan, Ace? Kainin mo na." masyadong atat tong si Aya.

Kumagat ako at sa pagkagat kong iyon ay para bang nabuhayan ang bawat sulok ng katawan at dugo ko.

Nasasakop na ng stremior ang katawan ko at napakasarap non sa pakiramdam.

Parang gusto ko tuloy pumatay ng demautus mamayang uwian.

Uwian?!

"Aya! Male-late na tayo!" sigaw ko at nanlaki ang mata ni Aya.

"Takbo!" akmang tatakbo na sana si Aya nang hawakan ko ang wrist nya.

"Ano ba Ace? Male-late na tayo!" hindi ko pinansin ang sinabi nya at napa-smirk nalang ako.

Biglang nagliwanag ang kamay kong nakahawak sa wrist ni Aya hanggang sa sakupin nito ang buong living room ng hideout.

Pagkawala ng liwanag ay nasa likod na kami ng school building ng Lockwood University.

"Teleportation?"

"Isa lang yan sa mga kapangyarihan ko Aya kaya wag kang masyadong gulat, alam mo namang isa parin akong Rostris." binitawan ko ang wrist nya at na-unang maglakad.

"Teka! Hintayin mo ako, Ace!" napatigil ako sa paglalakad nang makita kong may kaguluhang nagaganap sa school canteen.

Alam kong male-late na ako pero wala akong pake, pakiramdam ko'y si Cally na naman ang pinagkakaguluhan doon.

Palapit palang ako sa kaguluhan ay gumawa na sila ng daan para makasingit ako. No one dares to go against me after all.

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. I am fucking wrong, hindi si Cally ang pinagkakaguluhan nila kundi si--

"Kamusta ka, mahal ko?" wala sa sarili ko syang sinampal. TANGINA NYA!

Pagkatapos nya akong talikuran noon ay nagawa pa talaga nya akong tawaging 'mahal ko'?! ANG KAPAL NG MUKHA NYA!

"Don't you dare call me like that again, Evione. Hindi ako magdadalawang isip na sampalin ka ng 360 degrees." madiin kong sabi at iniwan sya.

"Tara na, Aya." sabi ko kay Aya na nakatingin parin kay Evione.

"O-oo, t-tara na nga."

••••••

"Ace naman eh, alam mo namang delikado tapos ayaw mo pang sumabay sakin sa pag-uwi!"

"Mas-delikado kung sasabay ka sakin, Aya. Ako ang pakay ni Evione kaya masmabuti pang mauna kana lang sa hideout natin." nagpapadyak sya na parang batang naiinis.

"Aya.. kaya ko ang sarili ko. Ang alalahanin mo ay ang sarili mo." nakangiti kong sabi sa kanya at napabuntong-hininga sya.

"Sige na nga basta mag-iingat ka ha? Baka malagot pa ako kay Dos kapag hindi ka nakauwi."

"Bakit ka naman malalagot kay Dos? Hahaha." ano naman kasing pake ni Dos kung mawala man ako d ba? Hahahaha.

"Kung alam mo lang Ace. Ay basta! Ingatan mo ang sarili mo baka mapatay pa ako ni Dos." nagtataka man ay nginitian ko nalang sya.

"Una na ako ha, magluluto pa ako eh." paalam nya at umalis na.

Tumalikod ako at pumunta sa likod ng school building.

"Alam kong nandyan ka, Evione." sabi ko at nagpakita sya.

"Mahal---"

"Gusto mo ba talagang masampal ng 360 degrees?" tsk.

"A-alas.."

"Ano bang kailangan mo sakin? Bakit mo pa ako sinundan dito? Wala ka namang pake sakin d ba?" madiin kong sabi.

"Alas.. patawarin mo ako." napa-smirk ako dahil sa sinabi nya.

"Patawad? Sa tingin mo ba magagawa pa kitang patawarin pagkatapos mo akong talikuran?"

"Tangina naman, Evione! Tinalikuran ko ang pagiging Rostris ko para sayo! Sumuway ako sa utos ng Ama ko para sayo! Pero anong ginawa mo? Iniwan at hinayaan mo lang akong mapatalsik sa mundo natin d ba?" Fuck this tears! Bakit ba hindi ko mapigilan ang pagtulo?!

Akma nyang pupunasan ang mga luha ko nang tabigin ko ang kamay nya. "Handa akong sumanib sa kasamaan noon para sayo.. pero sa ginawa mo? Isang bagay lang ang gusto ko at yun ay ang patayin ka." na-estatwa sya dahil sa sinabi ko at tumulo din ang mga luha nya.

Nasasaktan ako tuwing nakikita syang umiiyak pero masnasasaktan ako tuwing naiisip ko kung paano nya ako iniwan.

"H-hindi mo na ba ako mahal?"

"Mahal kita pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon, ngayon pa lang gusto na kitang patayin."

"Wag mo na akong sundan, wag mo na akong lapitan dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo sa susunod na magkita tayo."

Biglang nagliwanag ang naka-ukit sa collarbone ko at automatiko akong napahawak doon.

FUCK! Bakit ngayon pa?!

Nilapitan nya ako nang mapaluhod ako sa sakit.

He must not see this!

Agad kong pinaliwanag ang sarili ko at sa isang iglap ay nasa kwarto na ako ni Dos.

"Mahal na prinsesa!" sigaw ni Dos nang makita akong naghihirap dahil sa putanginang naka-ukit sa collarbone ko.

Naramdaman ko na kusang lumabas ang kapangyarihan ko at alam ko ring kulay dilaw na ang mga mata ko ngayon.

Katulad kahapon ay kusa na namang nagsalita ang bibig ko.

"In the time between 1 and 3, a huge explosion will happen and with that, a battle between life and death begins."

Alas ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon