Chapter 19
Alas'POV
Dahil sa ginawa kong pagtigil ay nagawa akong saksakin ni Tres gamit ang isang dagger.
FUCK! Ang sakit!
Napahawak ako sa tagiliran kong sinaksak ni Tres at napaubo ako ng dugo hanggang sa mapaluhod dahil sa panghihina ko.
Third Person's POV
Habang naghihirap si Alas ay hindi naman makagalaw si Tres.
Nabitawan ni Tres ang dagger at napatingin sya sa kanyang kamay na nababahidan ng dugo ni Alas.
Tumulo ang kanyang mga luha hanggang sa mapaluhod sya.
"A-amory.." napatingin si Alas kay Tres.
"A-amory s-sorry, h-hindi ko--"
Nanlaki ang mga mata ni Tres nang yakapin sya ng mahigpit ni Alas.
"Alam ko, alam kong hindi mo g-ginustong masaktan ako that's why.. there's no reason for you to say sorr--"
"ALAAAASSSS!!" sigaw ni Evione nang maabutan nyang saksakin ni Tres si Alas habang magkayakap ang dalawa.
Kumalas sa yakap si Tres at tinignan si Alas na unti-unting nawawalan ng buhay. "Yan ang mahirap sayo, masyado kang mabilis magtiwala, tsk."
Nginitian ni Alas si Tres at uluyang tumumba si Alas sa lupa.
She died crying but she still smiled.
Aalis na sana si Tres nang makaramdam sya ng sakit sa kanyang dibdib hanggang sa mapaluhod sya.
"A-arrgghhhh!!"Bumalik sa normal si Tres, naging kulay brown ang mga mata at ang buhok nito.. hindi na sya si Tres.. sya na si Dos.
Napalingon si Dos kay Alas na walang buhay.
Bago pa malapitan ni Evione si Alas ay naunahan na sya ni Dos.
"M-mahal na prinsesa." umiiyak na sabi ni Dos habang kapit-kapit si Alas.
Pinunasan nya ang dugong nakakalat sa bibig ni Alas. "P-princess."
Napapikit sya sa sobrang sakit.. paano ba naman sya hindi masasaktan?
Mga kamay nya ang pumatay sa babaeng pinakamamahal nya.
"A-ace?" napalingon si Evione kay Aya na nasa tabi na pala nya.
"Ace!" umiiyak na napatakbo si Aya kay Alas.
"A-ace.. gumising ka, Ace gumising ka!" sigaw ni Aya habang niyuyugyog si Alas.
Napayuko ang mga zemaorus dahil sa kanilang nasaksihan habang ang Ama naman ni Alas na si Haring Arthur ay hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi sya makapaniwala na ang kaisa-isang anak nya ay wala na.
Habang umiiyak si Dos ay biglang nakaramdam ito ng paninikip ng dibdib at nawalan ng malay. "Dos!" sigaw ni Aya at niyugyog ito.
Tinapik ni Aya ang pisngi ni Dos. "Dos gumising ka, Dos!"
Dos'POV
Napatingin ako sa paligid ko, ito ang kadalasang lugar na kinapupuntahan ko tuwing si Tres ang nagamit sa katawang pinagsasaluhan namin.
Ibigsabihin ba.. shit!
"Dos." napalingon ako.
"Tres? Paanong nandito ka rin?" tanong ko, ito ang unang pagkakataon na harap-harapan ko syang nakakausap.
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...