Chapter 12
Alas'POV
"Digmaan? Sino naman ang magpapalaganap ng digmaan na yan?" tanong ni Ama na para bang walang masamang nilalang na pumapasok sa isipan nya para gawin iyon.
"Ah, hindi mo pa nga pala alam." napakunot-noo ako.
"Hindi po alam ang ano?" tanong ko.
"Matagal na kaming nagkaayos ni Prinsipe Evione at ang kanyang Ama na si Haring Elias." what.. the.. fuck?
"Po? Eh bakit sinugod ng mga trostou si Evione kung magka-ayos na nga po talaga kayo?" biglang napayuko si Ama na ikinakunot-noo ko naman.
"Alam kong hindi basta-bastang matatanggap ng mga zemaorus na kaalyado na natin sila kaya.. minabuti ko munang sarilihin iyon."
"Pero Ama.. kung magkaayos na po kayo, bakit nagpasabog si Evione kanina? Ang daming nasaktan dahil don!"
"Hindi si Evione ang may kagagawan non, buong oras kong kasama si Evione bago pa mangyari yon at nang marinig ko ang ingay mula sa venue ay inutusan ko si Evione na tignan iyon kaya siguro nagkita kayong dalawa." What? Hindi si Evione ang may kagagawan non?
"Then who did it? May iba pa po ba tayong kalaban bukod kina Evione?" tanong ko at napalunok ng laway si Ama.
"M-may dapat po ba akong malaman?"
"May kapatid si Evione."
Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi ni Ama. "K-kapatid?"
"May kapangyarihan si Haring Elias na maghalo ng dugong demautus sa isang zemaorus na nasa sinapupunan pa lamang."
"Ang pagkakaalam ko ay maraming beses na nya iyong sinubukan pero sa isang sanggol na zemaorus lang iyon gumana, sa anak ni General Efren." wow?
"Teka paano po nagkaanak si General Efren eh ang aga po nyang namatay ah?" pinatay kasi sya kaya maaga talaga, hay.
"Nakabuntis sya bago sya mamatay. Pangit man pakinggan pero.. nang-rape sya noon ng isang dalagang zemaorus at nagbunga iyon.. at ang babaeng iyon ang Ina ng sanggol na nabanggit ko sayo." wow, pwede na tong teleserye, kaso ang gulo eh hahaha.
"So.. tatlong dugo po ang nanalaytay sa sanggol? Dugo ni General Efren, dugo ng Ina nya at.. dugo ni Haring Elias?" how can that possibly happen?
"Oo, ganon nga anak."
"Pero.. sino po ba ang Ina nya? Tsaka.. sino po yung sanggol?" tanong ko.
"Yun ang inaalam namin. Matagal na panahon na iyon at nabaon na rin sa limot ang lahat ng impormasyon tungkol sa babaeng nabuntis ni General Efren."
"Hindi rin nasubaybayan ni Haring Elias ang Ina ng anak nya kaya hindi kami makakilos ng maayos. Lalo na ngayong karamihan sa mga demautus ay tinalikuran na si Haring Elias."
"Kaya po ba takot kayong ipaalam sa mga zemaorus ang tungkol kina Evione? Dahil baka talikuran nila tayo katulad ng ginawa ng ibang mga demautus kay Haring Elias?" napayuko si Ama.
"Oo anak, ayaw kong madismaya sakin ang ating mga kasamahan.. ayaw kong isipin nilang isa akong walang kwentang Hari dahil sa pakikipag-alyado sa ating dating kalaban."
Hindi ko rin naman kasi masisisi ang mga kasamahan naming zemaorus kung kagagalitan nila si Ama kapag nalaman nila ang tungkol dito.
Maraming digmaan na ang nangyari sa paggitan namin at ng mga demautus at dahil don ay maraming namatayan. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila kayang tanggapin si Haring Elias at Evione bilang kakampi.
Hinawakan ko si Ama sa kanyang kamay at napatingin sya sakin. Nginitian ko si Ama. "Huwag kang mag-alala Ama, magiging okay din ang lahat."
"Sana nga anak, sana."
••••••
"Aya.. gumising kana." malungkot kong sabi.
Wala parin kasing malay si Aya hanggang ngayon.
"A-ace umalis kana.. i-ikaw ang pakay nya."
Kakampi na namin si Evione kaya't alam kong wala syang masamang gagawin kay Aya para masabi ang bagay na yun.
Posible kayang.. nakita ni Aya kung sino ang may pakana ng pagsabog?
Pero bakit sinabi nyang ako ang pakay nito?
May nagawa ba akong kasalanan sa kalaban?
Hay.. siguro dahil anak ako ng kalaban nya, tsk.
Ako ang target nya dahil anak ako ni Ama, what a childish enemy.
Pero seryoso.. sino ba talaga sya?
Teka.. shit!
Nakalimutan ko si Dos!
Nasaan si Dos?!
Napatayo ako at lumabas ng kwarto ni Aya.
Nagtatakbo ako sa palasyo para hanapin si Dos pero fuck! Wala! Wala sya!
Tumakbo ako palabas ng palasyo hanggang sa makarating ako sa garden sa kakahanap kay Dos.
Paanong wala sya? Umalis ba sya?
Napahawak ako sa magkabilang tuhod ko at hinabol ang hininga ko.
"Alas."
napalingon ako. "Do-- Evione? Anong ginagawa mo dito?" shit, akala ko ay si Dos.. si Evione pala.
Right, never naman akong tinawag ni Dos sa pangalan ko eh, hay.
"Sabi mo kanina mamaya na tayo mag-usap d ba? It's been hours.. can we talk now?" tanong nya.
"Pwede naman pero.. wag dito, baka may makakitang trostou satin dito." napangiti sya.
"Let's meet at our place." sabi ko at sabay naming pinaglaho ang aming sarili, teleportation duh.
Pagkamulat ko ng aking mga mata ay unang bumungad sakin ang mukha ni Evione.
Napatingin ako sa paligid namin, this was our usual dating place.
Malayo sa palasyo at sa bayan, a place na konti lang ang nakakaalam.
Bawal ngang pumunta dito eh dahil masmalapit ito sa kaharian ng Demtrus kesa sa Zemtrus.
"Now.. can we talk?" tanong nya at nakangiti lang akong tumango.
"Alas.. patawarin mo ako. Sorry sa pagtalikod ko sayo.. sa pag-iwan ko sayo. Alam kong kahit mag-sorry ako sayo ng sampong million ay hindi yun sapat pero.. I really just want to say sorry." napangiti ako.
"It's okay now, Evione. Pero.. hindi ko alam if I still love you.. it doesn't feel the same now." may halong lungkot na sabi ko.
"I know. Alam ko namang may ibang lalake na dyan sa puso mo." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.
"A-anong pinagsasasabi mo?" natawa ito ng mahina.
"The guy you were dancing with earlier, you look so happy with him." WTF? Si Dos?!
"H-hindi no! Kaibigan ko lang si Dos!" napangiti ng mapang-asar si Evione.
"What's with your smile?" tanong ko.
"Your eyes is telling me that you're inlove with someone.. and I can assure you that it is the guy you're dancing with."
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasi[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...