Chapter 11
Alas'POV
Tumayo ako at nilapitan si Evione.
Sinampal ko sya ng malakas. "D ba sinabi ko naman sayo? Sa susunod na tawagin mo akong 'mahal ko', sasampalin kita ng 360 degrees?"
Tinignan nya ako. "Bakit ka gumawa ng gulo dito? You almost killed my friend!" sigaw ko sa kanya at napayukom ako ng kamao dahil sa galit.
"Amory, sorr-"
"And also, don't you dare call me by that name! Wala kang karapatan para gamitin ang pangalan kong yan!" napayuko sya at napaiwas ako ng tingin.
Ayaw kong maawa sa kanya.
"A-alas.. please tell me.. ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?" muli akong napatingin sa kanya at nakita kong papaiyak na sya.
"Umalis kana Evione bago ka pa makita ni Ama." madiin kong sabi sa kanya.
"Handa akong harapin ang Ama mo mapatawad mo lang ako." ang tigas ng ulo!
"Evione umalis kana, please lang!"
Nakita ko ang mga trostou na nagdatingan at si General Gregorio na pinamumunuan sila. "Hulihin si Prinsipe Evione! Wag nyong hayaang makatakas!"
"Evione umalis kana!"
"Hindi! Hindi ako aalis." kahit kailan ang tigas talaga ng ulo nya!
Ipinikit ko ang mga mata ko, wala na akong choice kundi ang protektahan sya, fuck this caring attitude of mine! I don't want him dead!
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita kong ginagamit narin ni Evione ang kanyang kapangyarihan dahil kulay ash gray na ang mga mata nya.
Pinunit ko ang gown ko, sagabal to sa pakikipaglaban ko eh!
Sumugod ang mga trostou at mabilis akong pumunta sa harapan nila bago pa nila malapitan si Evione. "Don't get me wrong, hindi na kita mahal.. I just want you alive."
"Wag hayaang makatakas ang zemaorus na yan! Isa syang traydor, pinoprotektahan nya si Prinsipe Evione!" sigaw ni General Gregorio at napa-smirk ako.
"Fighting against your princess huh? Then I don't have a choice but to beat you all." mahina kong sabi.
Sabay-sabay silang sumugod sakin pero bago pa nila ako masaktan ay umikot ako na parang isang ipo-ipo at lahat sila ay nagtalsikan sa iba't ibang direksyon.
"You really didn't changed at all." tinignan ko ng masama si Evione.
"Eh kung tumutulong ka kaya? Tsk." napa-smirk ito.
May mga bagong trostou na dumating. Ano ba sila nanganganak?! Padami sila nang padami ah!
Bago pa makalapit yung mga trostou kay Evione ay pinatalsik na nya ito sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay nya sa mga ito.
Tsk, using that trick again.
"Yan nalang ba lagi ang gagamitin mo?" tanong ko na para bang nagrereklamo at napa-smirk sya.
"Ayaw mo naman sigurong mamatay ang mga trostou mo d ba?"
"Tsk."
Sa kakatingin naming dalawa ni Evione sa isa't-isa ay hindi ko na namalayan pa ang dalawang trostou sa likod ko na hawak na ako ngayon sa magkabilang braso ko.
"Fuck! Pakawalan nyo nga ako!" sigaw ko habang nagpipilit na makawala.
Lumapit sakin si General Gregorio at sinamaan ko sya ng tingin.
"Traydor kang babae ka!" sigaw nito at sinikmuraan ako.
Fuck! Ang lakas parin talaga ng matandang to!
Tangina naman nitong si Evione, naturingang prinsipe ng mga demautus hindi matalo yung mga trostou!
Tss.. hindi ko naman sya masisisi eh isang batalyon yung kinakalaban nya.
Sinipa ako ni General Gregorio sa tiyan at sa sobrang lakas nito ay tumalsik ako sa pader.
Ba't ba lagi akong pinapatalsik?!
Pinunasan ko ang dugong nakakalat sa bibig ko, mapapatay ko talaga tong si tanda!
Nilapitan nya ako. "Sino ka at bakit mo tinutulungan si Prinsipe Evione?" madiing tanong nito sakin at napa-smirk lang ako.
Aalisin nya sana ang maskara ko nang iiwas ko ang mukha ko pero ginamit nya ang lakas nya para iharap nya muli ang mukha ko sa kanya.
Inalis nya ang maskara ko at nagulat sya. "M-mahal na prinsesa.."
Pinailaw ko ang sarili ko, time to use my real power.
Kusang gumaling ang mga sugat ko at tumayo ako na para bang walang nangyari sakin.
"Ang sakit ng pagkakasipa mo sakin, tanda." napaluhod ito sa harap ko.
"Patawarin nyo po ako mahal na prinsesa!" napa-smirk ako.
Hindi ko sya pinansin at ginamit ko ang kapangyarihan ko upang mabilis na makapunta sa kinaroroonan ni Evione.
"Ba't ba hindi mo gamitin ang totoong kapangyarihan mo, Evione?" tanong ko at pumadyak ng isa sa lupa at nagtalsikan lahat ng trostou na pumapalibot samin.
"Ayaw ko namang mawasak tong palasyo nyo no." natawa ako dahil sa sinabi nya.
"Puro ka excuse! Ang sabihin mo, takot kang pati ako ay mamatay dahil sa kapangyarihang dala mo hahaha."
Napatigil ako sa pagtawa nang may marinig akong footsteps.
"Evione umalis kana." mahina ngunit madiin kong sabi.
"Pero--"
"Umalis kana! Tsaka nalang tayo mag-usap!" sigaw ko sa kanya at napilitan syang paglahoin ang sarili nya gamit ang kapangyarihan nya.
Humarap ako kung saan nanggaling ang mga tapak na naririnig ko.
"Ama."
••••••
"Wag kang mag-alala, pinababantayan ko sa mga palace nurse ang kaibigan mong si Aya, magiging okay din ang kaibigan mo." geezz.. I can't even look at my own Father's eyes, I'm way too scared to!
"Wag kang matakot, hindi ako galit na sumuway ka sa patakaran ng kaharian na bumalik dito pagkatapos kitang patalsikin kaya.. tignan mo ako, anak." napalunok ako ng laway bago dahan-dahang tumingin kay Ama.
Nagulat nalang ako nang yakapin nya ako. "Patawarin mo ako, anak.. nagkamali ako.. hindi dapat kita itinakwil.. patawarin mo ako, Amory."
*sobs* "Patawarin mo din ako, Ama.. sumuway ako sa patakaran ng kaharian at hindi ko rin sinunod ang payo mo.. I'm really really sorry for everything." umiiyak kong sabi habang nakayakap kay Ama.
Kumalas sya sa yakap. "Nakaraan na ang lahat ng iyon, ang mahalaga ay kasama na kita. Paano ka nga pala nakabalik?" tanong ni Ama at nagpunas muna ako ng mga luha ko bago ko sya sinagot.
"Gamit po ang sagradong portal na protalius, nga pala Ama.. may kailangan kang malaman." napakunot-noo si Ama.
"Ano iyon?"
"May digmaan pong magaganap sa mundo ng mga mortal."
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasía[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...