CHAPTER 6

100 4 0
                                    

Chapter 6

Alas'POV

"Maligayang pagdating po sa kaharian ng Zemtrus!" sabi sakin nung batang babae.

"Salamat, munting zaoru." nakangiti kong sabi.

Zaoru (pronounced as zao-ruh) ay tawag sa mga batang zemaorus.

"Ang ganda pala dito no?" manghang-mangha naman si Aya sa kagandahan ng kaharian.

Sabagay, hindi ko naman maitatanggi na maganda ang kaharian namin tsaka first time dito ni Aya kaya hindi ko na ipagdadamot sa kanya ang pagkamangha.

"Wala paring nagbago." tama si Dos, walang nagbago sa itsura ng kaharian.

Nandito parin yung mga tindahan na nakikita ko mula sa bintana ng aking silid sa palasyo.

"Malayo pa ang lalakbayin natin bago makapunta sa palasyo at mukhang mahihirapan din tayo." napansin ko lang kasi, parang mastumindi ang sekyuridad ng kaharian, ang daming trostou na lumilibot.

Trostou (pronounced as tros-tow) ay ang tawag sa mga palace guards ng Zemtrus.

"M-mabuti pa bumili muna tayo ng masusuot natin." sabi ni Dos. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga zemaorus na nakakasalubong namin.

Bakit nga naman ba hindi? Eh sobrang kakaiba ang mga suot namin kumpara sa kanila.

Magkaiba kasi ang suotin ng mga mortal saming mga zemaorus.

Kung sa mortal world ay kung ano-anong magaganda ang suot nila at minsan sa babae ay halos labas na ang kaluluwa, dito sa Trautus Emistriyo ay puro mga panglaban na kasuotan ang makikita mo.

Pumasok kami sa isang boutique kung tawagin sa mortal world.

Nagkanya-kanya na kaming tatlo upang maghanap ng suotin na babagay samin.

Kailangan ko ng isang damit na hindi makikita ang mukha ko, baka kasi makilala ako ng mga palace guards, mahirap na.

Makailang sandali pa ay nakapili na kaming tatlo at pumunta sa roque.

Roque (pronounced sa ro-ke) ay tawag sa isang lugar na parte ng isang boutique kung saan maari mo nang suotin ang iyong napiling damit.

Nabalot ng liwanag ang katawan ko at sa isang iglap ay suot-suot ko na ang napili kong damit.

Nabalot ng liwanag ang katawan ko at sa isang iglap ay suot-suot ko na ang napili kong damit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkalabas ko sa roque ay nakita ko yung dalawa na iba narin ang suot.

Pagkalabas ko sa roque ay nakita ko yung dalawa na iba narin ang suot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Alas ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon