CHAPTER 13

77 5 0
                                    

Chapter 13

Alas'POV

Kanina pa akong nakahiga sa kama ko pero hanggang ngayon hindi parin ako makatulog.

Tangina naman ni Evione! Ano ba kasing pumasok sa isip nya at nasabi nya yon?!

"Your eyes is telling me that you're inlove with someone.. and I can assure you that it is the guy you're dancing with."

Ako inlove kay Dos?

NO FUCKING WAY!

Nag-iikot ako sa kama ko sa sobrang inis at ibinato ang isa kong unan sa pader.

TANGINAAAAAA!!

"So.. can I be your first dance, princess?"

FUCK THIS LIFE!

Someone's POV

Napahawak ako sa pader at lumiko sa isang eskinita.

This again!

"A-aarrgghhh!"

FUCK! I don't want to change!

Please.. stop.

I don't want to cause any trouble anymor--BLACKOUT.

Iminulat ko ang aking mata. "Finally, I'm back tss.. napakahirap naman makipag-agawan sa kanya, tsk." tumayo ako at sandaling ipinikit ang aking mga mata.

Dinama ko ang pinaghalong kapangyarihan ko, he's this powerful pero maspinipili nyang hindi gamitin iyon para hindi makasakit, my twin soul brother is so fucking stupid.

Nang imulat ko ang aking mata ay napatingin ako sa isang basag na salamin sa sahig.

Bloody red eyes.

Napa-smirk ako, it's time to kill.

••••••

Alas'POV

Amory, anak..

Ano mang mangyari sa hinaharap..

Lagi mong tatandaan..

Laging mananaig ang pagmamahalan mula sa kasamaan.

Sundin mo ang sinasabi ng iyong puso at walang kahit na sino ang makakatalo sayo.

Nothing beats love anak, keep that in your mind and in your heart.

Napamulat ako. Isang panaginip?

Napahawak ako sa aking pisngi, umiyak ako?

That voice.. was that.. my Mother?

Napangiti ako. Thanks for visiting me inside my dream, Mom.

Bumangon ako mula sa aking kama at pumunta sa balcony.

Kagaya ng dati, natatanaw ko ang buong kaharian mula sa aking silid.

Miski ang kaharian ng Demtrus ay nakikita ko gamit ang kapangyarihan kong makakita mula sa malayo.

Base sa aking nakikita, walang kahit na sino ang nasa Demtrus ngayon, mukhang tama si Ama.. karamihan nga talaga sa kanila ay tinalikuran na ang kanilang Hari, ang Ama ni Evione.

"Mahal na prinsesa, nakahanda na po ang inyong almusal, hinihintay na po kayo ng mahal na Hari." sabi ng isa sa mga tauhan namin sa loob ng palasyo.

"Susunod po ako." nakangiti kong sabi at nagbow muna ito bago umalis.

Always take a bath first before everything, ayaw ko namang masabihan akong walang ligo no.

••••••

Nang makarating sa dining room ay naabutan ko si Ama na kumakain.

Nilapitan ko sya at bumeso bago umupo. "Magandang umaga, Ama."

"Mukhang masarap ang tulog mo ah?" napangiti ako.

"Napanaginipan ko po kasi si Ina.. she's telling me advices na mukhang kakailanganin ko sa hinaharap."

"Ina mo nga naman.. hindi na nagsawang magsabi ng mga payo." nakangiting sabi ni Ama.

"Nakakamiss po sya no? Sayang.. hindi ko sya naabutan." yeah, namatay si Ina pagkatapos nya akong ipanganak.

Sa totoo lang.. hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa pagkamatay nya.

"Alam kong sinisisi mo parin ang sarili mo, anak. Wag mong isipin na kasalanan mo dahil isa kang biyaya at masaya ang Ina mo na ibinigay ka ng Diyos samin." napabuntong-hininga ako at napangiti nalang ng pilit.

Ang hirap naman kasing isipin na hindi ko kasalanan eh. Kung hindi lang siguro sya nahirapan sa panganganak sakin ay buhay parin sya hanggang ngayon.

May isang rason kasi kung bakit namamatay ang mga babaeng zemaorus at yun ay ang pagdadala ng sanggol sa kanilang sinapupunan, in short ang pagiging isang buntis.

Kung sa mortal world, namamatay ang mga buntis dahil sa hindi nila kinakaya ang panganganak.. dito sa Trautus Emistriyo ay nakadepende sa kapangyarihang dala ng sanggol.

Bilang isang rostris, natural na sakin ang pagiging makapangyarihan at pagkakaroon ng kakaibang pisikal na lakas.

Hindi kinaya ng Ina ko ang kapangyarihang dala ko kaya pagkatapos nya akong ipanganak ay nawalan sya ng buhay.

Dahil sakin.. sa kapangyarihan ko.. namatay ang Ina ko.

"Nga pala, sino iyong lalakeng sinasabi sakin ni Evione na iniibig mo daw?"

"P-po? I-iniibig? W-wala akong iniibig, Ama. N-niloloko kalang ni Evione." Fuck! Bakit kailangan pa iyong sabihin ni Evione kay Ama?! Hindi pa ba sapat na inasar nya ako kagabi?!

"Well.. hindi na naman mahalaga kung sino iyon, just always remember that I will accept him no matter what he is, kalaban man o kakampi.. hindi ako tutol sa inyong pagmamahalan." Dapat ba akong matuwa o mainis? Ay bahala na nga, pinapasakit lang nito ang ulo ko!

Teka.. nasaan na nga pala si Dos? Hindi ko sya nahanap kagabi eh.

Napatayo ako at nabaling ang atensyon ni Ama sakin. "Ama, pupunta muna ako kina Awrou." sabi ko at napakunot-noo si Ama.

"Tapusin mo muna ang iyong pagkain, nakakaisang subo ka palang."

"Busog na ako Ama! Babyee!" sabi ko at tumalon sa bintana, ay ewan ko ba kung bakit ako tumalon basta't kailangan kong makapunta sa bahay nila Awrou.

Bago pa ako makatapak sa lupa ay pinaglaho ko na ang sarili ko at sa isang iglap ay nasa harap na ako ng bahay nila Awrou.

"Ate? OMG! Ate Alasss!" nagulat ako kay Aera at dahil sa kapangyarihan nyang pabilisin ang kanyang sarili ay agad nya akong nalapitan at nayakap ng mahigpit.

"A-aera, h-hindi ako m-makahinga." sabi ko at agad na napakalas ng yakap si Aera.

Nagpeace sign ito. "Sorry."

Napabuntong-hininga ako. "Nasaan si Awrou?" tanong ko.

"Si Kuya Awrou? Hmm.. ewan hehehe." huh?

"Anong ewan? Eh d ba sinundo ka nya kahapon?" ang aga pa nga nyang umalis eh.

Napacross-arms sya. "Hmp! Hindi nya kaya ako sinundo! Muntik na nga akong maligaw sa bayan eh!"
parang batang nagtatampo nyang sabi, sabagay bata naman talaga sya. She's only 14 yearsold, 5 years younger than me.

"Anong sabi mo? Ang aga kayang umalis ni Awrou para sunduin ka! Tsaka wala sa ugali nyang mag-gala kaya saan naman pupunta yon?" nakakapagtaka, excited pa nga si Awrou na sunduin si Aera eh tapos..

Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan sa naisip ko.

"Kailangan nating pumunta sa palasyo ngayon din, nawawala si Awrou."

Alas ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon