Chapter 20
Third Person's POV
Isa-isang naglabas ng mga sagradong armas ang mga zemaorus nang makita nila si Dos at Tres na hanggang ngayon ay nagtataka parin kung paano sila nagkahiwalay at nagkaroon ng sarili nilang mga katawan.
Napatayo si Aya at tinitigan ang dalawa mula ulo hanggang paa.
Magkamukhang-magkamukha sila, parang identical twins. Ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng mga mata nila. Brownish ang normal eye color ni Dos at itim na itim naman ang kay Tres.
Mali, may isa pang pagkakaiba. Nararamdaman ni Aya ang presensyang zemaorus kay Dos at presensyang demautus naman kay Tres na para bang hinati ang mga dugo nila.
"P-paano kayo n-nagkahiwalay?" tanong ni Aya sa dalawa.
"H-hindi namin alam.. basta noong nagawa naming tanggapin ang isa't-isa.. may nabuong liwanag sa mga kamay namin hanggang sa ganito na." sagot ni Dos.
"Hindi po ba dapat nating masproblemahin si Mommy?" napatingin ang lahat sa batang babaeng kasama ni Awrou.
Lumapit ang batang babae kina Dos at Tres. Napakunot-noo ito at napabuntong-hininga.
"Pwede nyo po bang ilabas ang mga kapangyarihan nyo?" tanong ng bata.
"Sino ka bang bata ka?" masungit na tanong pabalik ni Tres sa batang babae.
"Ako po si Uno.. ang apelyido ko po ay--" hindi na naituloy ng batang babae ang kanyang sasabihin nang mapahawak ito sa dibdib nya.
Nag-aalalang nilapitan ni Dos at Aya si Uno habang si Tres naman ay duda parin sa pagkatao ng bata.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Aya.
"O-okay lang po ako, Tita Aya." sagot ng bata at pilit itong napangiti.
Napakunot-noo si Aya dahil sa pagtawag sa kanya ng bata. "Tita? Bakit Tita ang tawag nya sakin?"
"K-kailangan na po nating magmadali, nauubusan na po ako ng oras." napakunot-noo si Tres, wala syang tiwala sa bata dahil ngayon nya lang ito nakilala.
"Palabasin nyo na po ang mga kapangyarihan nyo." pag-uulit ni Uno sa kanyang sinabi kina Dos at Tres kanina.
"Bakit ba gusto mong palabasin namin ang mga kapangyarihan namin?" tanong ni Tres.
"Gusto nyo pa po bang mabuhay si Mommy?"
"Mommy? Ang mahal na prinsesa ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Dos pero nginitian lang sya ni Uno.
"Kung ayaw nyo pong palabasin edi.. ako po ang magpapalabas." agad na nagtaka ang lahat dahil sa sinabi ng bata.
Pumikit ang batang babae at sa pagmulat nya ay isang kakaibang enerhiya ang nanggaling mula sa kanya.
Enerhiyang nagpabuhay sa mga kapangyarihan ng mga zemaorus at demautus na nakapaligid sa kanya.
"P-paanong--" hindi na nakapagsalita pa si Tres nang hawakan ni Uno ang mga kamay nya.
Para bang sa isang iglap ay nawala ang pagdududa nya sa bata at napalitan ng tiwala.
Hinawakan ni Uno ang mga kamay ni Tres at Dos.
"Maghawak po kayo ng mga kamay nyo." naguguluhan man ang dalawa ay sumunod nalang sila sa utos ni Uno at naghawak-hawak silang tatlo ng pabilog.
Laking gulat ng lahat nang biglang may mabuong magic circle mula sa itaas ng tatlo.
"Yramiz torzhi rokode groumi frouzu dovier fortahel dostru!" paulit-ulit itong sinabi ni Uno.
Napalunok si Haring Arthur habang pinapanood si Uno, alam nya ang spell na ito.
Isang forbidden spell na kayang bumuhay sa patay. Ipinagbawal ito dahil maaring mamatay ang spell caster kapag ginawa nya ito, isang napakalakas na enerhiya kasi ang kakailanganin para bumuhay ng patay. Miski ang rostris na sumubok na gawin ito noon ay muntik nang mamatay kung hindi lang sana napigilan, at ang rostris na iyon ay si Arthur Imperium.
Ang Haring sumubok sa forbidden spell upang buhayin ang kanyang namayapang asawa na si Amory Grace Imperium.
Nagulat ang lahat nang biglang lumutang ang katawan ni Alas at pumaibabaw ito sa magic circle na nasa itaas nila Uno, Dos at Tres.
Pero masgulat si Aya dahil napansin nya ang isang liwanag na nagmumula sa bandang collarbone ni Alas kung saan naka-ukit yung kalahating puso na nakita nya noon.
"Zormil fermi serpo trosmodur!" sigaw ni Uno at isang nakasisilaw na liwanag ang nagmula sa magic circle at dahil don ay napapikit ang lahat.
Sa pagmulat nila ay biglang nawalan ng malay si Uno at isang himala ang kanilang nasaksihan, buhay si Alas.
••••••
Isang matinding pagsabog ang nasaksihan ng lahat sa kalawakan, wag tayong OA baka mag-panic kayo, mga naggagandahang fireworks ang nasaksihan ng lahat sa kalangitan ng Trautus Emistriyo.
Nagdidiwang ang lahat dahil sa katapusan ng digmaan at muling pagkabuhay ng mahal na prinsesa.
Nababalot parin ng pagtataka ang lahat dahil sa muling pagkabuhay ni Alas. Alam nilang dahil ito sa forbidden spell ngunit ang ipinagkakataka nila ay paano ito nagawa ng isang bata.
Ang iba ay nangangamba sa pagkatao ni Uno, ngayon lang nila ito nakilala kaya't nahihirapan silang pagkatiwalaan sya kahit ito ang bumuhay kay Alas.
Gusto nilang tanungin si Uno ngunit hanggang ngayon ay wala parin itong malay.
"Ano sa tingin mo, Ace? Isa ba syang zemaorus o.. demautus?" tanong ni Aya.
"Hindi ako sigurado.. kung si Ama nga ay hindi magets kung ano si Uno, ako pa kaya?" napabuntong-hininga silang dalawa, kanina pa kasi nilang iniisip kung ano si Uno. Kung isa bang zemaorus o demautus.
"Pero alam mo, Ace? Ang weird ng batang yan." sabi ni Aya habang nakatingin kay Uno na nakahiga sa kama at wala paring malay.
"Bakit naman?" kunot-noong tanong ni Alas.
"Tinawag nya kasi akong Tita tapos tinawag ka nyang.. Mommy."
"Tinawag nya akong Mommy? Baka naman isa syang ulila tapos napagtripan nya lang akong tawaging ganon dahil iniligtas ko ang buhay nya dun sa halimaw na alagad ni Tres?"
"Kung trip nya lang yon, trip nya din ba akong tawaging Tita? Hindi ko naman iniligtas ang buhay nya. In fact, kanina ko lang sya nakita noong buhayin ka nya." napaisip si Alas at napatingin kay Uno.
Lumapit si Alas kay Uno at umupo ito sa gilid ng kama.
Hinawakan ni Alas ang mukha ni Uno at inayos ang magandang buhok nito. "Baka naman gusto nya lang ng isang pamilya.. pamilyang magmamahal sa kanya bilang sya."
"Alam mo, Aya? Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko kay Uno, kaya hindi na mahalaga kung isa man syang zemaorus o demautus o kahit na ano. Basta wala akong ibang gusto kundi ang mahalin sya bilang sya, bilang si Uno, ang batang babaeng bumuhay sakin."
••••••
Author's NOTE
Bilis ng story no? Tapos na kaagad yung digmaan.
Namatay si Alas pero saglit lang. Shit lang eh no? HAHAHAHA.
Anyways, epilogue is next. Salamat sa mga nagbasa kahit ang boring ng story, HAHAHA.
Yun lang, always spread the love guys kahit sa enemies nyo. ( ≧▽≦ )
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...